KABANATA 16: Mga Sakit at Pagdaramdam

4 0 0
                                    

Apatnapu't limang taon na ang nakakaraan, araw noon ng pista sa Mestrang Kikay nang maganap ang hindi inaasahan sa pamilya ni Carmen.

"Ipatawag ang unica iha ng alkalde, madali..." malakas na tinig ni Hilario na nakabantay sa kapatid niyang si Demetrio."

"Kuyang, nawala na si Ate Dolores pati ba naman ikaw susunod na rin? Maging mag-isa na lang ba ako sa pulitika? Wala na akong magiging kakampi. Si Leodigario, buhat na tumakbo iyan bilang gobernador, natigil na ang jueteng dito. Pati ang mga sabungan, ipinasasara na niya. Lahat ng ating mga negosyo kasama ang bentahan ng droga, nasasakote ng mga pulis niyang kakampi. Kailangan na matalo natin siya dahil kung hindi, magtatapos na rin ang kontrol natin sa Bulacan."

"Nariyan si Josefina. Ipagpapatuloy niya ang aking nasimulan..." naubo si Demetrio.

"Mahina kung babae ang ipanlalaban natin. Mas gusto ng mga tao ay lalaki ang mamuno sa lalawigan."

"Balwarte natin ang Bulacan, ang Maestrang Kikay pati ang mga kanugnog nito. Wag kang mag-alala." Naubong muli si Demetrio.

"Kuya, kung mawawala ka, hihina ang kapit natin sa bayan mo. Tatakbo ang anak ni Leodigario na si Luisa."

"Kung tatakbo siya, hindi padadaig ang aking asawa. Matapang iyon. Panigurado magiging tabla lang ang laban nila. Kung makakahigit sa bilangan ng boto, baka manalo pa ang aking asawa."

"Pakitawag si Carmen."

Dumating si Carmen, na noo'y isang dalaga. Umiiyak ito.

"Papa, papa." tinig ni Carmen na umiiyak.

"Anak ko, anak ko. Hindi na ako magtatagal. Huwag mong hahayaan ang mama mo kahit saan siya magpunta, lagi mo siyang sasamahan..."

"Papa, huwag ka na pong umalis..." nalugmok sa balikat ng nakaratay si Carmen na umiiyak.

"Kung kakayanin ko pa ang sakit anak, sige hindi pa ako aalis. Pero anak, nahihirapan na ako. Gusto ko nag mamahinga. Masakit sa buto at kalamnan ko, hindi ko na kaya. Nauuhaw ako..."

"Kuhanan ninyo ng tubig si Mayor, madali!" sagot ng isang body guard na naroroon.

"Pakasal ka na kay Grospe para hindi ka na malungkot, para may mag-alaga na rin sa iyo." Inubong muli si Demetrio.

"Papa, paano na ang mga maiiwan mo? Ang mga lupa, lahat ng mga ari-arian?" pag-aalalang tanong ni Carmen sa tatay niya.

"Ipinangalan ko na sa iyo ang lahat. Na kay Atty. Felix Manuel. Siya na ang mag-aasikaso ng lahat ng mga iyon."

"Papa, magkikita pa ba tayo kung mawala ka na? Papa naman, huwag mo kaming iiwanan ni Mama. Naalala mo pa ba nung ako ay napilay, naroroon ka. Tapos ngayon wala nang mag-aalaga sa akin." Humagulgol ng iyak si Carmen.

"Marami pa ang mag-aalaga sa iyo. Nariyan si Tito Hilario mo..." kinakapos ng hininga si Demetrio.

"Lagyan ninyo ng oxygen mask ang pasyente, madali! Umalis ka muna diyan Carmen, nahihirapang huminga ang iyong Papa.." pakiusap ni Hilario.

"Hindi po Tito! Hindi! Nasa tabi lang niya ako dapat. Hindi siya mamamatay!"

"Anak, pagpahingahin mo muna ako..." hinaplos niya ang mukha ni Carmen.

"Anak, katulad ka din ng iyong mama, masyadong malapit sa akin. Kung hihilingin ko sa itaas na pahabain pa ang aking buhay ay gagawin ko mapasaya ko lang kayo ng mama mo." at nangilid ang luha ng alkalde.

"Papa naman. Magkakaroon ka na ng pangalawang apo, mawawala ka pa? Papa!" biglang natahimik si Demetrio at unti-unting napipikit ang mga mata.

"Carmen, iwanan na muna natin siya para makapagpahinga na. Hindi na kaya niyang makipag-usap sa iyo...."

"Papa, please huwag mo kaming iiwan ni mama, Papa hindi ko matatanggap na mawala ka sa amin. Mabubuhay ka pa alam ko, mahal na mahal kita Papa..." habang inilalayo si Carmen ay nagingilid ang luha ng kanyang ama. Nakatingin si Hilario dito na umiiyak din. Hinawakan siya sa balikat ni Ceferina na kanyang asawa at tumindig siya saka lumisan palabas ng silid."


PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK: Bitin ka ba? Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit kakaunti lamang ang nababasa mo sa bahaging ito, hindi ba? Ang kumpletong bahagi nito ay mababasa mo na sa libro na ilalabas at mabibili sa mga piling bookstores. Alam kong naiinip ka na at nananabik na malaman ang buong mga pangyayari sa kakaibang nobela na ito. Kaunting hintay na lamang. Marami pa na magkakabit na mga kwento ang iyong mababasa. Kaya aabangan mo pa ang ilang mga pamagat na kabilang sa kabuuan ng nobela na ito. Pangakong malapit na mailabas ito at magkakaroon ka na rin ng kopya! Muli, ito ang Pink Diaries, Hatol ng Pag-ibig at Kasaysayan!

Pink DiariesWhere stories live. Discover now