Ika-sampu ng umaga, Araw noon ng Miyerkules ng Abo, may binatang pumasok sa simbahan ng Birhen ng Manaog at siya ay lumuhod sa isang sulok ng dalanginan...Nagsimula siyang umusal ng dasal.
"Panginoon, ikaw na po ang bahala sa amin ni Doreen. Siya lamang po aking pinakaiibig at wala nang iba. Sana po kayo na ang maghatid sa kanya sa aking puso, sana po mamagitan sa amin ang Inang Birhen upang ipadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi na po kami nagkikita pa. Lagi ko po siyang naaalala. Wala pong araw na hindi sumagi sa aking isipan ang babaing iyon. Nararamdaman ko po na kabiyak siya ng aking puso. Hindi ko man po siya nakikita sa mahabang panahon, nanatiling sariwa po sa aking mga gunita ang pag-ibig namin noon pa man. Panginoon, sana po magkita kaming muli upang madugtungan namin ang aming naputol na pagmamahalan. Kayo nawa po ang dakilain at paglingkuran ng aming pag-ibig, Amen..."
Habang umuusal ng panalangin si Aljone, waring tinugon ang kanyang hiling. Mula sa kaliwa ay isang babaeng lumuluha at lumuhod sa isang sulok na hindi gaanong kalayuan sa kinalalagyan ni Aljone.
"Papa Jesus, alam ko po na malaki ang nagawa kong kasalanan, akin po na hinihingi ito ng tawad sa inyo... Unang-una po ang pagkakabigo ng isang binatang nais akong pakasalan. Hindi ko naman siya mahal. I don't like him. I ask the Virgin Mary to intercede... Sana po mapatawad ako ni Miguel Jaime. Hindi ko naman siya talaga gusto. Ipinilit lang po siya sa akin ng aking Lola Carmen. Lord, I cannot love someone I am forced to marry. Sana po ginawa ko ang tama, sana po naghintay ako para sa lalaking ibibigay Ninyo. Lord I ask forgiveness for all I have done against those love in the past that did not push through. I ask forgiveness Lord for the hurt and pain I caused. Sana po magkita na kami ni Aljone, sana po hindi siya nasaktan at nakalimot...Amen." at si Doreen ay umupo na pinupunasan ang luha nito habang nagmamasid ito sa kanyang paligid.
Sa kabilang luhuran ay makikita ang binatang papalingon sa kanyang likuran. Ito ay tumayong muli upang sabayan na umalis sila Pacis, Jolo, Drayfus at Mary
Hindi pa siya nakakalayo ng simbahan ay may humawak sa kanyang balikat. Ngumiti ito sa kanya at saka nagtanong.
"Natatandaan mo pa ba ako Aljone?"
Nagkatinginan ang mga kasama ni Aljone kung sino ang tumapik dito.
PAUNAWA SA MGA TUMATANGKILIK:
Ang kabuuang bahagi ng kabanatang ito ay mababasa mo sa buong libro na malapit nang lumabas. Kaunting hintay na lamang at mababasa mo na ang buong kwento.