WHEN I LOOK AT YOU

540 11 3
                                    

"Kimmmmyyyyy!!!!" Malakas na sigaw ni Mela na ikinagising ni Kim. Taranta itong napatayo bakas sa mukha ang sobrang takot.
"Hahahaha!!!! Grabe sweety epic na epic ang mukha mo, tas para kang gumamit ng pang isang taon na gluthathion sa sobrang putla mo." Pagbibiro ni Mela na nakatayo sa tapat ng pinto ng bedroom.
"Don't ever do that again Mela, hindi nakakatuwa!" Seryosong sabi ni Kim at dumiretso na sa banyo para maghilamos.
"Sorry sweet. Masaya lang naman ako today tsaka nagluto na po ako ng breakfast. Huwag kana magalit please!" Pag aamo ni Mela. Nahimasmasan naman si Kim. Niyakap nya si Mela at nag goodmorning kiss dito. Sabay na silang pumunta ng kusina para mag agahan.
"Sweet nagpaplano ng out of town si Jessy, gusto nya sumama mga bullies."
"You should come with them. Kailan daw ang how many days?" Tanong ni Mela.
"Di pa sure if when pero siguro mga 3 days. Pwede naman hindi nako sumama kung...."
"No. You need a break sweety so it's ok payag ako sumama ka." Pagputol ni Mela sa sinasabi ni Kim.
"Ok ka lang ba mag isa?" Tanong naman ni Kim.
"Hmm... don nalang muna ko magstay kanila mama at papa, 3 days lang naman eh." Ngiti ni Mela.
"Hindi nalang siguro ako sasama." Saad ni Kim.
"Kim sumama ka. I insist. Wag mo ko alalahanin, kaya ko alagaan sarili ko. And while you are away, i want you to relax and enjoy every moments. Will you do that for me sweety?" Sabay subo ng pancake ni Mela.
"Eh kung sumama ka rin kaya?" Hinawakan ni Kim ang kamay ni Mela.
"I... i can't. You know why naman diba?" Saad ni Mela na ikinalungkot ng mukha ni Kim. Tumayo na si Mela at niligpit ang mga hugasin at dinala sa lababo.

Samantala, maagang umuwi si Cienne dahil sumasakit ang kanyang ulo. Nadatnan nyang nanonood ng basketball game si Van sa tv.
"Can you please make the volume lower sobrang lakas para kang bingi." Sita ni Cienne.
"Aba himala maaga kang umuwi ngayon." Saad ni Van habang pinahihinaan ang volume. Ala-sais palang kasi ng hapon, not the usual time ng pag uwi ni Cienne na alas diyes ng gabi. Naka-limang bote narin ng beer si Van at pang anim ang nasa kamay nya.
"Cienne let's talk." Sabi ni Van kaya padabog na pumunta si Cienne sa living room at umupo sa kabilang side ng couch.
"What do you wanna talk about?" Walang amor na tanong ni Cienne.
"Wala nabang magandang mangyayari sa relasyong ito?" Tanong naman ni Van.
"Hanggang ngayon ba umaasa ka parin?" Pabalik na tanong ni Cienne.
"Taena Cienne sabihin mo kung ayaw mo na!" Madiin na pagkakasabi ni Van, gritting his teeth.
"Walang patutunguhan tong usapan na to, ayoko makipagtalo sa isang lasing na tao." tumayo na si Cienne para pumunta ng kitchen.
"I want an annulment!" Pahayag ni Van that makes Cienne freeze from where she's standing for a few seconds.
"Bakit Van akala mo ganon ko lang kadali ibibigay sayo ang kalayaan mo? Humarap si Cienne sa kung saan nakaupo si Van at lumapit sya sa asawa.
"Hindi ko hahayaan na makaramdam ka ng kahit na konting kasiyahan sa buong buhay mo. I will make sure na hinding hindi mo matatakasan ang bawat galit na nararamdaman ko dahil sa ginawa mo,ninyo! Naiintindihan mo Van?" Galit na sigaw ni Cienne na nangiginig na pumasok ng kwarto at naglock ng pinto. Van is so frustrated at naibato nalang nya sa wall ang hawak na bote. Hindi alam kung makakalabas pa ba sa impiyernong napasukan nya.

Kinagabihan ng araw din na iyon nagluluto ng panggabihan si Camille. May parang narinig syang kumatok sa main door kaya naman pinahinan nya muna ang stove para alamim kung may tao nga ba sa labas. Pagbukas nya ng pinto she saw Carol na parang paalis na.
"What are you doing here Carol?" Tanong ni Camille.
"I..i'm sorry. It's a mistake. Hindi dapat ako nagpunta dito. Actually paalis nako. Sorry talaga." Nahihiyang saad ni Carol.
"Ah okay. Kala ko naman may importante kang sasabihin." Sabi naman ni Camille.
"Camz may bisita ba?" Si Bradley, palabas ng kwarto. Sinenyasan nalang ni Camille na umalis na si Carol,tumango nalang ang isa at tuluyan ng umalis palayo.
"Ah... wala babe, kala ko may tao pero pusa lang pala. Umalis na." Pasigaw na tugon ni Camille sa tanong ni Bradley. Hindi parin naman masyadong nakakalayo si Carol kaya dinig na dinig nya ang pagdedeny ni Camille sa kanya. Nakita nya sa tapat ng bahay ni Camille ang isang maliit na children's playground kaya't pumunta muna sya dito at umupo sa isang bakanteng duyan.
"It's all coming back to me. Lahat ng nagawa ko sa kanya, bumabalik sakin ngayon." Isip ni Carol. Tumingala sya sa langit para hindi matuloy ang bumabadyang pagpatak ng luha.
"Camz hindi naman kita masisisi, alam ko naman sobra ka ng napagod sa walang kwentang tao na katulad ko." Kinakausap parin ang sarili. Hindi nya alintana na may mga matang nakamasid sa kanya sa bintana ng bahay ni Camille.
"Camz, kaibigan mo yata yung nasa playground. Bakit di mo puntahan? Si Bradley na kanina pang pinagmamasdan si Carol mula sa bintana.
"Hayaan mo sya. Aalis din yan mamaya." Sabi ni Camille na inaayos ang lamesa para sa dinner nila ni Brad.
"Camz i think you should talk to her. Sige na labasin mo na sya. Tatawagan ko rin si ate Cha para makapagpaalam na. Hindi naman na sya makakahatid sakin sa airport bukas." Malumanay na sabi ni Bradley. Wala na ngang nagawa si Camille. Bumuntung hininga na lamang sya at tinignan sa mata si Bradley.
"Ok. Sandali lang ako. Pagbalik ko dinner na tayo ha?" Sabi ni Camille bago lumabas.
Walang kamalay malay si Carol na nasa likod nya na si Camille. Pinagmamasdan lang ni Camille si Carol, naghahanap sa isip kung ano ba ang tamang salita na dapat sabihin sa kaibigan. Halos isang minuto bago sya naglakas ng loob para magsalita.
"It will hurt you know. It will take time also. You will need to make decisions and it requires sacrifices. Lahat ng yan pinagdaanan ko para mabuo ko ulit ang pagkatao ko." Sabi ni Camille sa nakatalikod na si Carol. Hindi lumingon si Carol. Nakayuko lang ito kaya lumapit si Camille at inukupa ang isang duyan din sa tabi ni Carol. Hindi parin ito nagsasalita.
"Don't be sad Carol. Ayoko nakikita kang ganyan please...aren't you happy i'm back? Hindi ka ba masaya na masaya na ako sa buhay ko ngayon?" sabay hawak nya sa kanang balikat ni Carol.
Tumingin si Carol kay Camille. Pinagmasdan ng matagal ang mukha nito at tinitigan sa mata ang kaibigan. Nakikita nyang kontento at masaya si Camille. Ibinaling nya ang tingin sa harapan, looking for no particular things. Isang malayong tingin. Napahawak sya sa kanyang dibdib at pumikit
"I'm happy for you Camz..." may isang luhang pumatak sa kaliwang mata ni Carol.
"Ma..masaya ko para sayo, pero Camz, ang sakit sakit lang talaga kasi eh. Dito oh!" Itinuro ang kanyang puso at tuluyan ng kumawala lahat ng pinipigil na luha sa mga mata.
"Hi..hindi ko yata kakayanin Camz. Please... don't,don't break my heart."
Niyakap ni Camille si Carol na parang batang umiiyak. Taas baba ang balikat nito sa paghagulgol.
"Ssshhh... tahan na Carol. Kaya mo yan. Hindi naman ako mawawala, ka..kaibigan mo parin naman ako. Huwag kana umiyak oh." Pagsusumamo ni Camille at di parin tinatanggal ang pagkakayakap dito. Masakit man kay Camille makita si Carol sa ganong kalagayan pero kailangan nyang pangatawanan kung ano man ang naging desisyon nya. At yun ay wag magpadala sa kung ano mang nararamdaman nya para rito.
"Carol you better go, masyado ng gabi umuwi kana." Tamayo na si Camille at mabilis na nilisan ang lugar kung saan nya nasaksihan ang pagkadurog ng puso ng kaibigan.
Pagkapasok nya ng bahay niyakap nya agad si Brad.
"Brad it's fvcking so hard... kailangan ba talaga maging ganito?" Hinaplos haplos ni Brad ang buhok ni Camille.
"Just cry... Mawawala din ang sakit. I promise you, when you reach your goal it's all worth it. Not now Camille, it isn't the right time.I love you baby Camz." hinalikan ang noo ni Camille.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon