"Wanna talk about it? I'm here to listen you know." Sabi ni Vic na nakatayo sa likuran ni Kim, na nakaupo naman sa buhangin, ang kanyang baba nakapatong sa tuhod at hinahayaang maabot ng alon sa dagat ang mga paa. Nauna ng pumunta ng kubo sina Mika, Cienne, Jessy at Ria upang matulog. Si Carol at Camille ay nasa tapat parin ng mga nagbabagang kahoy. Kung kanina ay napakalakas ng apoy nito, ngayon ay dahan dahan ng nagiging abo.
"Ah.. Camz, una narin ako. Medyo antok na eh." Awkward na sabi ni Carol. Tumayo na sya at pinagpag ang mga buhangin na dumikit sa shorts nya.
"So iiwan mo ko dito mag isa?" Tanong ni Camz.
"Ayon lang naman sila Vic oh.." Sagot ni Carol. Tumayo narin si Camille at nagpagpag.
"Iniiwasan mo ba ko? Ha Carol?"
"Hi..hindi! Ofcourse not!"
"Eh bat ganon yung pakiramdam ko?"
Hindi na sumagot si Carol. Inumpisahan na lang niyang maglakad papuntang kubo. Nakakawalong hakbang palang siya ng may humablot ng damit nya sa likuran. Hinawakan ni Carol ng mahigpit ang kamay ng tao na nasa likod nya at pagharap dito
"Ca...camz! Grabe tinakot mo naman ako. Kala ko kung sino na."
"Carol bakit mo ko iniiwasan? Sabihin mo sakin!"
"Hindi nga kita iniiwasan, hindi mo ba maintindihan Camille Cruz?"
"A..ano pala? Ano lang? Binabalewala ganon? Bakit? Sabihin mo sakin kung bakit Carol!" Halos masira na ang tshirt na suot ni Carol sa sobrang higpit ng kamay ni Camille sa pagkakahawak dito. Tinanggal ni Carol ang mga kamay ni Camille na nakahawak sa damit nya at tumalikod na ulit para ipagpatuloy ang paglalakad. This time bigla naman syang sinabunutan ni Camille.
"Aray.. aray.. ano ba, nasasaktan nako!" Reklamo ni Carol.
"Kulang pa to sa ginawa mong pananakit sakin gago ka!" Sabu-sabunot parin ni Camille ang buhok nya. Nakulitan na si Carol. Pilit syang kumakawala sa sabunot ni Camille hanggang pareho na silang matumba at nagpagulong gulong sa buhangin. Nagawa ni Carol na maipaibabawan si Camz. Natanggal nya narin ang mga kamay nito sa buhok nya. Hawak nya ng mahigpit ang mga kamay nito at hindi na binigyan ng pagkakataon si Camille na makagalaw pa.
"Oo iniiwasan kita! Yan ba gusto mong marinig? Kinokontrol ko ang sarili ko! Sa bawat pagkakataon na nakakasama kita, gusto kitang yakapin!" Bumaba ang tingin ni Carol sa labi ni Camille. Mas lalo pa nyang inilapit ang mukha dito. Napalunok si Camille, hindi magawang makapagsalita.
"Gu..gusto kong halikan ang mga labi na yan." Saad ni Carol at napalunok ulit si Camille, nanlalaki ang mga singkit na mata.
"Pero hindi pwede... Dahil may ibang nag mamay ari sayo. Wala kong karapatan at ayoko ng guluhin pa ang masayang relasyon nyo." Binitiwan ni Carol ang kamay ni Camille. Tatayo na sana sya pero hinablot ni Camille ang mukha nya at hinalikan ang kanyang labi. Hindi narin nya napigilan ang sarili, sinalubong ang mga halik na iyon. Halos maubusan silang pareho ng hininga. Niyakap sya ng mahigpit ni Camille.
"Carol mahal kita...." bulong ni Camz sa tenga ni Carol.
"Camz mali.. hindi ako ang karelasyon mo. Huwag mo ko paasahin sa hindi naman pwedeng mangyari." Tumayo na ulit si Carol, ganon din si Camille.
"Mahal mo ba ko?" Tanong ni Camille, tumutulo na ang luha. Hindi agad sumagot si Carol. She then take a deep breath and says "Mahal na mahal..."
"Then ano ang mali Carol? Mahal kita, mahal mo ko... bakit hindi pwede?"
"Paano si Bradley? Diba masaya kana nga sa kanya? Bakit ba ginagawa mo pang komplikado ang sitwasyon Camille? Ok na nga, tanggap ko na, kaibigan mo lang ako!" Mas lalo ng naiinis si Carol.
"I.. i want you in my life. Ikaw lang ang mahal ko Carol. Si Bradley, pi...pinsan ko sya." Nakayukong sabi ni Camille.
"Ano? So pinaglaruan nyo ako ganon ba?" Ang kaninang inis ay naging galit na.
"Did You fucking played with my feelings?" Itinulak ni Carol si Camille. Napasandal ito sa isang cottage. Hinawakan ni Carol ng mahigpit ang mukha ni Camille para iharap ito sa kanya. Nakita nyang nag uunahan sa pag agos ng luha ang dalawang mata nito, takot na takot ang mukha. Napasuntok si carol sa dingding na yari sa kawayan malapit sa ulo ni Camille at napapikit ito. Maya maya, bigla nyang niyakap si Camille.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Hindi mo naman kailangan na magpanggap pa Camz. Nagbago ako para sayo, hinintay kita!" Sabi ni Carol malapit sa tenga ni Camille.
"Gu..Gusto ko lang naman makasigurado." Pahikbi hikbi.
"Ayoko na kasi yung pakiramdam na hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa buhay mo." Dugtong ni Camille.
"Ikaw ba nagplano nito?" Tanong ni Carol. Umiling si Camille.
"Si Cienne."
Mas humigpit ang pagkakayakap ni Carol. Napapangiti ito. Hinalikan nya ang noo ni Camille.
"So ako talaga mahal mo?" Tanong ni Carol. Tumango naman si Camille.
"Payag ka na maging tayo? Tumango ulit si Camille.
"Payag ka na maliban sayo may dalawa pang babae sa puso ko?"
"A..ayoko ng may kahati." Saad naman ni Camille.
"Masasanay karin. Pag nakilala mo sila magugustuhan mo rin sila Camz." Nakangiting sabi ni Carol.
"Carol let's begin it right. Ikaw at ako lang please."
"Sshhhh.... don't say anything na." Niyakap ulit sya ni Carol. Yumakap narin si Camille.
"Oh God! I love this woman so much..." tuwang tuwa na bigkas ni Carol.
Samantala, seryosong nakikinig lang si Vic sa bawat hinanaing ni Kim. Ngayon nya lang nakita ang ganitong parte ng pagkatao ni Kim. Awang awa sya sa kaibigan.
"Akala nila, matatag ako. Na lagi akong pwedeng kapitan sa ano mang dagok ng buhay. Pero hindi, alam ko sa sarili ko na mahina ako. Naging mahina nga ako nung panahong mas pinili ko ang taong kinaaawaan ko kesa sa taong mahal na mahal ko." Pag aamin ni Kim.
"What do you mean pare? Naaawa ka lang kay Mela?" Tanong ni Vic.
"Don't get me wrong. At first, oo, at may mahal akong iba. Pero Vic hindi mahirap mahalin ang isang tulad ni Mela. Tinuruan nya ang puso ko na mahalin sya." Saad ni Kim.
"Par alam ko mahal na mahal ka ni Mela. Siguro mali ka lang ng timing nung nagpropose ka sa kanya. Try mo ulit, hindi ka non papahindian for a second time." Panigurado ni Vic.
"Wag na masyadong emote pare... nababawasan kagwapuhan mo eh." pagbibiro pa ni Vic. Napangiti nalang si Kim. Kung pwede nya lang sana sabihin kay Vic na higit pa doon ang bumabagabag sa loob nya, pero hindi, nangako sya kay Mela na walang makakaalam.
"Kung gusto mo Kimmy tulungan pa kita para mapa oo na si fo. Pwede ko sya haranahin para sayo hehehe!" Sabi ni Vic.
"No need na pare. Salamat ha? Eto ang maganda pag may mga kaibigan na totoo, katulad mo hindi ako iniwan sa ere. Yung iba mahimbing ng natutulog pero alam ko worried pa din sila sakin." Saad ni Kim, pinupunasan ang mukha gamit ang laylayan ng tshirt nya.
"Ok lang yon par. Kung pwede nga lang yakapin pa kita para mas lalo gumaan ang pakiramdam mo eh kaso bading na bading ang dating natin pag ganon hahahah!!!" Sabi ni Vic. Magbubukang liwayway na, pasilip narin ang haring araw sa silangan. Inaya na ni Vic si Kim sa kubo para makapagpahinga pa kahit konti. Staying with Kim in one of her darkest hour wasn't that much, but Vic hopes that it helped her a little, at least made the burdens she'd kept inside a less denser. Vic prays everything will be alright before she fall asleep. Kim on the other hand, keep reminding herself that she needs to be strong even more, hanggang sa makatulog narin sa sobrang pagod ng isipan.
Pananghalian na ng magising sila. Naririnig na ang malalakas na boses ni Jessy at Mika. Tumayo narin si Ria, ganon din si Carol at Camille na magkatabing natulog sa isang papag. Nakita nilang nakatingin si Mika sa kanilang dalawa.
"What?" Tanong ni Camille kay Mika.
"Don't what what me Camille. Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Mika, nakatingin sa kamay ni Camille at Carol na magkahawak pa. Parang nahiya naman silang dalawa at agad pinaghiwalay ang kamay. Tumayo nalang si Carol at papito pitong pumasok ng banyo. Nginitian naman ni Camille si Mika.
"Cheater!!!!" Sabi ni Mika kay Camille pero tumatawa. Napansin naman ni Camille na nakahiga parin ang kambal.
"Cienne bangon na. Ok ka lang ba?" Tanong sa kakambal.
"Masama lang pakiramdam ko. Pero ok lang ako." Sagot ni Cienne. Pinuntahan sya ni Camille at sinalat ang noo.
"Wala ka namang lagnat. Gusto mo ba ng gamot? May masakit ba sayo?" Tanong ulit ni Camille.
"Wala, ililigo ko nalang to." Tumayo narin si Cienne pero halata ang katamlayan. Huling nagising si Kim at Vic. Nakakain na ang ibang kaibigan kaya nagsabay nalang din silang kumain.
"Ayos kana Kimmy?" Tanong ni Vic ng matapos kumain.
"Feel much better now." Saad naman ni Kim.
"Good!" At ngumiti si Vic.
"Vic bilisan nyo na daw at babalik na tayo sa hotel." Si Mika, habang isinusuot ang relo nya.
Nagpasalamat at nagpaalam
na sila kay tata Rudy. Pinabaunan pa sila nito ng Vigan longganisa at dried fish. Sinabing welcome sila doon anytime na gusto ulit nilang pumasyal. Habang bumabyahe sila pabalik ng Vigan
"The place wasn't that perfect, but the people were excellents." rating ni Jessy, tinutukoy ang simpleng resort na kanilang napuntahan. Nagkatinginan naman si Carol at Camille... para sa kanila, isang magandang alaala at bahagi na ng buhay nila ang resort na iyon.
Nagkakagulo na sila sa hotel, nagmamadali sa pagliligpit ng kanilang mga gamit. Maggagabi na kasi at kailangan na nilang bumyahe pabalik ng manila. Si Vic na ang nagdrive, magsasalit salitan nlang sila ni Carol para makapagpahinga si Kim ng maayos. Alam nilang kahit sabihin nitong ok na sya ay mababakas parin dito ang pagod, hindi ng katawan kundi ng isipan. Madaling araw ng makarating sila ng Manila. Una nilang hinatid sina Jessy at Ria sa condo. Sumaglit din muna silang umakyat para makapagkape.
"Guys thank you sa inyo ha? Naging maganda bakasyon namin ni Ria. Flight na namin sa Wednesday, i hope available kayo para maihatid kami." Sabi ni Jessy na nagtitimpla ng kape.
"Bestfriend kelan ulit balik nyo?" Tanong ni Mika.
"Hindi pa nga kami umaalis balik na agad nasa isip mo bruh! Kayo naman ang magbakasyon sa Paris noh! Hintayin namin kayo don ha? Hahaha!" Saad ni Jessy. Matapos magkape ay nagyakapan na sila. Sumunod na hinatid si Mika, as usual, wala syang nadatnan sa bahay. Sunod si Cienne na pinagbuksan ng pintuan ni Van pero dirediretso lang na pumasok ng kwarto at parang walang nakitang tao. Si Carol ay don narin tumuloy sa bahay ni Camille. Sabay daw nilang pupuntahan ang dalawang babae pa na nasa puso ni Carol para magdinner together. Huling hinatid ni Kim si Vic. Niyakap ito ni Shiela, halata ang sobrang pagkamiss kay Vic. Nagpasalamat muna si Vic bago umalis si Kim para sunduin si Mela sa bahay ng magulang nito.
Mga katulong lang ang nadatnan ni Kim. Isinugod daw kasi si Mela sa Hospital nung isang gabi. Tarantang nagpunta si Kim sa hospital kung san naconfined si Mela. Pagbukas nya ng pinto, nakita nya ang ama ni Mela natutulog sa recliner chair at ang ina naman nito ay nakaupo malapit kay Mela hawak ang kanang kamay ng anak.
"Ma what happened?" Tanong ni Kim,sobrang nag aalala.
"Everything's fine. Nahirapan sya huminga nung isang gabi pero stable na ang lagay nya ngayon anak." Sabi ng mama nito. Hinawakan ni Kim ang kamay ni Mela. Naramdaman nyang gumalaw ito at nakita nyang dahan dahan na nagmulat ng mata si Mela.
"You're back." Mela said in a husky voice. Kim smiled.
"Ssshhhh.... i'm here na. Pahinga ka pa sweet." Sabi ni Kim. Mela smiled back at pumikit na ulit.
Hapon ng madischarged si Mela sa hospital. Ayaw pa sana ng mga doctor pero mapilit si Mela, gusto nya na daw umuwi. Wala na nga silang nagawa kundi pagbigyan ang kagustuhan ni Mela.
Pagdating nila ng bahay, kinarga nlang sya ni Kim at pinahiga sa kama. Mahina parin ito. Nagluto si Kim ng sopas at dahan dahang sinubuan si Mela. Pagkatapos pinainom ng mga gamot nito.
"Sweet how's your vacation?" Tanong ni Mela.
"Masaya. Everyone had fun especially Jessy and Ria." Nagkwento pa si Kim ng kung anu ano. Puro masayang pangyayari, hindi nya binanggit yung mga iba pang pangyayari na alam nyang ikasasama ng loob ni Mela. Tawa ng tawa si Mela, hindi iniinda ang sakit na nararamdaman. She's happy na katabi na ulit nya si Kim. Her presence is more than enough para panandaliang kalimutan na may pinaglalabanan syang sakit... isang sakit na unti unting sumisira sa kanyang katawan... sakit na alam nyang hinding hindi nya na matatakasan.
___________________________________
End of Chapter 7Note:
Thank you sa mga nagbigay ng oras para basahin ito. I know hindi masyadong maayos. Mas hilig ko lang din kasi ang magbasa, sinubok ko lang din magsulat. As you can see this is my first story. Hanggang chapter 9 lang sana talaga ito pero once na sinimulan mo pala parang ang hirap ng tapusin. Plus hindi ko ineexpect na aabot sa 20 ang babasa nito and yet naka 1k readers na. From the bottom of my heart, thank you so much!
Medyo slow updates na muna coz i have to deal with "PESACH". A very tiring holiday here in Israel and it's fast approaching. I only have two weeks to prepare and clean everything. Again, thank you!
BINABASA MO ANG
For You I Will
RandomThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...