"Hello...hello Vic! Are you ok? Si Carol ok din ba?" Agad na sabi ni Mika ng macontact si Vic kinatanghalian.
"We're fine Mikz. I'll call you later." sagot ni Vic at pinatay na ulit ang cellphone.
Nakalabas na sa selda ang dalawa at inaayos na ng attorney ng mga Cerveza ang kaso nila, dahil bukod sa overspeeding ay nakainom sila at may nakuha pa sa sasakyan ni Carol na ilang tableta ng ecztacy na nakalagay sa isang maliit na plastic. Maya maya ay dumating na si Mr. Emil Cerveza.
Sinalubong agad ni Carol
"Dad the attorney can handle this mat...."
"PAK!!!!!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Carol.
"Kelan mo kami bibigyan ng kahihiyan ng ina mo Carol? Sabihin mo!!!" Galit na galit na tanong ng ama ni Carol.
"Kelan mo rin kami bibigyan ng kahihiyan ng ina ko na asawa mo?" Pabalik na tanong ni Carol sa ama at tumakbo na palabas.
Napailing nalang ang ama at "Vic iha, please follow her, wait for me outside tatapusin ko lang mga kailangan sa released papers nyo."
"Sige po tito." Saad ni Vic at sinundan narin si Carol sa labas.
Sa labas, "Carol don't you think you are being too harsh sa dad mo?" Tanong ni Vic kay Carol na naninigarilyo.
"He deserved it all." Mahinang sagot ni Carol.
"Sayo ba talaga yon?" Tanong ulit ni Vic tinutukoy ang mga tableta.
"Nakita sa car ko so malamang sakin." Walang kalatoy latoy na sagot nya kay Vic.
"Carol why?"
"Vic please, don't asked questions na hindi ko rin kayang sagutin sa ngayon."
Tahimik nalang silang dalawa hanggang lumabas narin ng presinto ang attorney at ama ni Carol.
"Everything's settled kids." Sabi ng attorney "So pano Mr. Cerveza mauuna na ako." Dugtong pa nya at pumasok na sa kanyang sasakyan na nakaparada at pinaandar na ito.
"Hmm... tito salamat po. Mauuna narin po ako." Saad ni Vic.
"Sige iha, ingat sa pag uwi." Tugon ni Mr. Cerveza. "Carol sasabay nako sayo, pinauna ko na sa bahay si Mang Teban." Sabi pa nya kay Carol.
Bago pa magdrive paalis si Vic ay nagkatinginan sila ni Carol, sumenyas sya at nagmouth ng "Call me later."
Tumango nalang si Carol at umupo narin sa driver's seat at ang ama sa kabila nya.
"Where do you want me to drop you?" Walang emosyong tanong ni Carol.
"We go home together. Nag aalala ang mommy mo sayo." Sagot ng ama.
"Dad hanggang kelan mo lolokohin si mom?" Tanong nya, naiirita at naghihintay na umusad ang traffic.
"Kelan man Carol hindi ko niloko ang ina mo... alam nya lahat, lahat ng mga ginagawa ko."
Sarkastikong tumawa si Carol at "Manloloko na nga, sinungaling pa! The best ka talaga dad!"
Parang wala nalang narinig ang ama ngunit may lungkot at sakit na mababakas sa mukha nito.
Nang makarating sila ng bahay ay dali daling hinanap ni Carol ang mommy nya. "Nanay Tess where's mom?"
"Nasa Study/library room Carol." Sagot ni nanay Tess na halos buong buhay ay nanilbihan na sa pamilya Cerveza.
Pagpasok ni Carol niyakap nya agad ang ina and said "Mom, i'm really sorry."
"Thank God you're ok." Ngiti ng ina ni Carol.
Unang kumawala sa pagkakayakap si Carol. Hinila nya ang isang silya at umupo paharap sa ina.
"Ma... don't you think i have the rights to know what's going on between you and dad?" Tanong ni Carol in a soft tone.
"It's.. it's a private matter Carol, you don't need to know." Saad ng ina.
"Mom! I saw it many times. Hindi ako bulag! Dad's cheating on you. And he told me you knew... that you know everything! Hindi na ko bata para paglihiman nyo pa!" Galit na sabi ni Carol.
Nanlaki ang mga mata ng ina sa pagkabigla. Hindi alam kung ano ang sasabihin sa anak. Kung papaano at saan sya magsisimula para magpaliwanag sa anak.
"Hindi ako niloko o niloloko ng dad mo." Simula nya.
"A...ako Carol, ako mismo ang nagbigay ng permiso para gawin nya ang mga bagay na gusto nya." Sabi ng ina na ikinabigla ni Carol.
"But why????" Bulalas ni Carol, sobrang hindi makapaniwala sa narinig.
"Anak, ka.. kapag nagmamahal ang isang tao, handa nyang i.. isakripisyo ang pangsariling kaligayahan ka.. kapalit ng kaligayahan ng... ng taong mahal nya." Pahikbi hikbing saad ng ina at pinupunasan ang sariling luha.
"Hindi mo maiintindihan sa ngayon, darating ang panahon, maaalala mo ang sinabi ko at maiintindihan mo kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito anak." Mapait na ngiti ng ina kay Carol.
"Gusto ko na magpahinga Carol. Manang Tess!!!" Tawag ng ina sa katiwala na dali dali namang pumunta sa loob.
"Manang Tess, ihatid mo na ako sa kwarto please. Tapos na kami mag usap ng anak ko."
"Si..sige Amelia." na nakatingin sa mukha ni Carol na hindi mababakasan ng kahit na ano mang emosyon. At itinulak na ni Tess ang wheelchair kung saan nakaupo ang ina ni Carol. Bago pa sila makalabas ng study room,
"Anak Carol, huwag mong kakalimutan na... mahal na mahal ka namin ng daddy mo."
BINABASA MO ANG
For You I Will
RandomThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...