"Ayoko.. ayoko... ayaw ko sabi eh!!!" Si Camille na nakahiga sa kama, pinipilit ni Carol na itayo para makapagbihis na.
"Ano ba kasi ikinakatakot mo, eh magdidinner lang naman tayo." Saad ni Carol, hindi mawala ang ngiti sa mga labi.
"Hindi ako takot. Hindi ko lang masikmura na makaface to face yung mga babae mo! Can't believe myself kung bakit pumapayag ako sa sitwasyon na to hmp!" Simangot ni Camille.
"Kaya nga i want you to meet them personally para sabihin mo sa kanila na back off na sila dahil nandyan kana para mahalin ako. Ayaw mo? Eh di wag, pagtiisan mong may kahati ka saken." Carol couldn't stop laughing.
"Ang kapal mo talaga kahit kelan!!! Pwede mo naman sila tawagan at sabihing tapos na ang mga kalandian nyo. Basta hindi ako sasama!!!" Pagmamatigas ni Camille.Carol park her car infront of japanese restaurant in Makati. She's already late of about twenty minutes sa oras ng pinag usapan para magdinner.
"Oh ano, hindi ka ba lalabas ng sasakyan? Balak mo bang magbantay nalang dito?" Tanong ni Carol sa napilitang si Camille. Nanghahaba ang nguso sa pagtatampo. Wala na syang nagawa kundi sumunod nalang din kay Carol. Nakasuot sya ng simple but elegant mini black dress above her knee, black 3 inches high heels na tinernohan nya ng small diamond earrings and gold bracelet. Nagmake up rin sya ng simple lang but making sure na hindi sya matatalbugan ng mga karibal. Pinagbuksan sya ni Carol ng pintuan papasok sa restaurant. Hindi nya maihakbang ang mga paa, pakiramdam nya ay masusunog sya ng tuluyan pag pumasok na sya dito.
Itinulak sya bigla ni Carol papasok.
"Irishaimase!" Bati ng mga crew ng makitang pumasok sila.
Hinampas ni Camille ang balikat ni Carol dahil sa pagtulak nito sa kanya.
"Ang arte masyado. Papasok din naman hahaha!" Sabi ni Carol na nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. Naglakad na si Carol papunta kung saan naghihintay ang kadinner nila.
"Carol sandali hintayin mo ko hoy!" Habol ni Camille. Hindi nya namalayan na nasa tapat na sila ng table. Nakatingin sa kanya ang dalawang babae na parang manghang mangha din sa kagandahan nya ngayong gabi.
"Ah...join us please, take a seat." Sabi ng isang babae. Hinila ni Carol ang isang bakanteng upuan at inoffer para upuan ni Camille. Hiyang hiya ito na umupo. Pagkatapos ay hinalikan muna ni Carol sa pisngi ang dalawang babae bago ito umupo. Tumingin si Camille kay Carol, nakita nyang naka smirk ito.
"Camille i want you to meet my mom and nanay Tess." Saad ni Carol.
"Ah..eh hello po. Kamusta po kayo?" Nahihiyang sabi ni Camille. Nagkatinginan muna ang dalawang babae.
"We're doing good iha. It's great pinaunlakan mo ang aking imbitasyon." Saad ni Amelia. Ngumiti naman si Camille.
"It's an honor po." Pagtingin nya kay Carol ay naka smirk parin ito. Gustong gusto nyang pingutin ang tenga nito dahil hindi nito sinabi sa kanya kung sino makakasama nila sa dinner. She assumed na yung tinutukoy ni Carol ay yung dalawang babae na nakita nyang kasama nito dati. Naging magaan naman ang usapan nilang apat. Ibinuking lahat ni nanay Tess ang mga kalokohan ni Carol simula pagkabata. Hanggang sa matapos ang dinner at nagpaalam na ang dalawang matanda.
"So pano mga iha, mauuna na kami ni Tess. Pauwi narin kasi si Dad mo Carol." Sabi ni Amelia. Tumayo naman si Carol at niyakap ang dalawang babae na importante sa buhay nya. Ganon din naman ang ginawa ni Camille.
"Camille, sana maulit pa ito. It was nice meeting you anak. Next time let's have dinner naman sa bahay. Ipagluluto ko kayo ng mga paborito ni Carol." Ngiti ni Amelia.
"Thank you po Tita. Ingat po kayo sa pag uwi." At niyakap nya ulit ito maging si nanay Tess.
Pabalik narin ng bahay sila Carol. Hindi parin sya kinakausap ni Camille.
"Mapapanis laway mo nyan hahaha!" Saad ni Carol na nagdadrive.
"Bat di mo sinabi?" Tanong ni Camille.
"Ang alin?" Tanong din ni Carol.
"Na sila mama mo yung tinutukoy mong dalawang babae pa sa puso mo." Sagot ni Camille, nakahalukipkip ang mga braso.
"Ahhh.... hahahah! Bakit iba ba yung nasa isip mo?" Tawa ng tawa si Carol. Sinadya nya talagang hindi sabihin coz she finds it really cute na nagseselos si Camille. Bigla syang piningot ni Camille.
"Aray... isa... nakakarami kana ha! Tama na nga... mababangga tayo Camz ano ba!" Sabi ni Carol pero tawa parin ng tawa.
"I hate you!" Nanghahaba nanaman ang nguso na sabi ni Camille.
"I love you too babe... ikaw lang." Seryosong sabi ni Carol. Di naiwasang mapangiti ni Camille sa narinig.
BINABASA MO ANG
For You I Will
RandomThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...