"Here we come Vigaaannnn!!!" Malakas na sigaw ni Jessy. Nakataas pa ang dalawang kamay. Magkakatabi sa likod ng sasakyan si Ria, Jessy, Mika at Vic. Si Cienne at Camille naman sa gitna. Syempre si Kim ang nagdadrive at sa kabilang side nya si Carol.
"Yeah!! Sobrang excited nako baby damulag ko." Sabi ni Ria kay Jessy that can't hold her happiness any longer.
"Riri ko parang tayong dalawa lang masaya napansin ko kanina pa. Parang namatayan yata yung iba hehehe." Saad ni Jessy at biglang sinundot ang tagiliran ni Mika.
"Ay! Ano ba naman bruha ka." Sabi ni Mika, nagulat sa ginawa ni Jessy sa kanya.
"Ok lang ba kayo ha? Bat sobra kasing tahimik nyo? May pinagdadaanan?" Sunod sunod na tanong ni Jessy.
"Pagod lang." Tugon ni Camille
"Antok lang." Tugon naman ni Vic
"Gutom lang." Banat naman ni Mika
"Naiihi lang." Sabi naman ni Cienne.
"Hay sya, mamang driver pwede stop over tayo sa pinakamalapit na kainan?" Pagbibiro ni Jessy kay Kim.
"Yes ma'am! Masusunod po." Pagsang ayon ni Kim.
"Carollers pag kalahati na tayo ikaw naman magdrive ha? Sobrang layo ng byahe, sakit sa pwet." Reklamo ni Kim.
"Sige, sabihin mo lang kung turn ko na Kimmydors." Sabi ni Carol na nakatutok sa paglalaro ng games sa ipad.
"Vic pwede pasandal? Antok ako eh." Tanong ni Mika.
"Kala ko ba gutom ka? Chansing ka nanaman kay Vic Bruha ka." Sabi ni Jessy at tawa ng tawa.
Inoffer naman ni Vic ang left shoulder nya para patungan ng ulo ni Mika.
"Ayieeee!!!" Kilig na kilig si Jessy.
"Wag ka ngang ganyan baby damulag! Sobrang green minded mo talaga. Ayan oh gumaya ka rin, inggit ka yata sa kanila eh." Sabi naman ni Ria at pilit nilalagay ang ulo ni Jessy sa balikat nya.
"May gasoline station na malapit na. Dyan nalang tayo stop para magpafull tank narin ako. Yung mga iihi umihi na at yung mga gutom bumili na ng pagkain dyan sa Mini Stop." Sabi ni Kim.
Nagsibabaan silang lahat pagdating sa Gasoline Station. Apat na oras na silang nagbibiyahe. Nag inat inat muna sila ng katawan bago pumunta sa comfort room. Si Mika at Jessy naman ay dumiretso sa Mini Stop para bumili ng mga inumin at makakain.
"Hoy Mikang wag mo naman hakutin lahat dito sa Mini Stop!" Sita ni Jessy.
"Konti pa nga lang to bruh, sakin nalang kulang pa to. Tagal pa kaya ng byahe natin. Bukana palang ng La Union hmp!" Saad ni Mika pero dumiretso na sa counter para magbayad. Paglabas nila ni Jessy ay nandoon narin ang lahat sa sasakyan, sila nalang ang hinihintay.
"Hahay sobrang tagal nyo!" Sigaw ni Cienne sa dalawa.
"Pano kasi tong isa dito umandar nanaman ang kasibaan." Sabi ni Jessy na papasok na ng sasakyan.
Hindi na nagsalita si Mika at tumabi nalang ulit kay Vic.
"Usog Vic..." Mahinang sabi ni Mika.
"San pa ko uusog? Gusto mo yata sa bintana na ko umupo eh." Pailing iling pero nakangiti si Vic.
"Oh ready na ba lahat? Wala ng nakalimutan?" Tanong ni Carol dahil sya na ang magdadrive. Gusto din daw kasing magpahinga na muna ni Kim.
"Ui Carol wag masyado mabilis ha? Mahal ko pa ang buhay ko." Utos ni Cienne.
"Safety driver po ako. Tanong mo pa kay Vic. Oh kung gusto nyo si Vic na magdrive?" Si Carol na nakangisi.
"Jusko Carol shut up and drive! Mamamatay naman ako sa nerbyos pag si Vic magmamaneho, parang laging hinahabol ng demonyo sa pagka-kaskasero!" Si Mika na namimilog ang mga mata. Napatawa nalang ang mga kaibigan sa reaction ni Mika. Si Carol naman ay nagstart ng magdrive.
Dahil sa mahaba haba pa ang byahe napagpasyahan nilang matulog muna.
Nang magising si Kim ay nasa Sta. Maria na sila. Tulog parin ang mga nasa likod kaya nag usap nalang muna ang dalawa sa harap dahil nababagot narin daw sa pagdadrive si Carol.
5:30 na ng hapon ng makarating sila ng Vigan.
Madali naman natunton ni Carol ang Vigan Plaza Hotel kung san nagpareserved si Jessy ng matutuluyan nilang magkakaibigan.
"Gising! Gising! Dito na tayo." Sigaw ni Kim. Nagsigisingan naman na ang lahat maliban kay Mika na nakayakap pa kay Vic.
Niyugyog ni Vic si Mika pero di parin nagising sa sobrang himbing ng tulog.
Nang maipark na ang sasakyan at pinatay na ni Carol ang engine ay sabay sabay nilang sinigawan si Mika.
"Ay butiking may sapi!" Bigkas ni Mika sa sobrang pagkagulat. Napatayo sya agad at nauntog sa ceiling ng sasakyan. Pinagtawanan nanaman sya ng mga kaibigan.
"Aray ko. Huhuhu... Nasaktan na nga ako tatawanan pa." sabi nya habang nakahawak sa tuktok ng ulo ang isang kamay.
"Labas na. Yung mga gamit kanya kanyang bitbit." sabi ni Kim at nauna ng lumabas. Nagsisunuran naman ang lahat.
Pag pasok nila ng hotel, si Jessy at Ria na ang kumausap sa front desk, umupo muna ang magkakaibigan sa sofa na nasa lobby waiting for them. Nang makuha na ang mga susi ay sabay sabay na silang umakyat sa taas.
"Guys 3 rooms lang yung kinuha ko. Isa samin ni Ria then divide yourselves in to two nalang para sa two rooms na natitira ok. Bahala na kayo kung sinu sino gusto nyong makasama." Inabot ni Jessy ang dalawang susi sa kanila at nauna na sila ni Ria na pumasok sa room. Kita nalang daw silang lahat ng 8 in the evening for dinner.
Sa isang room naman si Mika, Camz at Cienne ang magkakasama. Sa tabi ng room nila ay yung tatlong babae na may pusong lalaki na sina Vic, Kim at Carol.
Inayos nila ang mga gamit at nagpahinga sandali bago naligo ng sunod sunod.
Napagpasyahan nilang lumabas ng hotel at maghanap ng makakainan. Hindi naman sila masyadong napagod sa paglalakad dahil maraming malapit na restaurant sa hotel na tinutuluyan. Pinili nilang pasukin ang Cafe Leona. Maliit lamang ito na restaurant pero maganda at parang nasa bahay ka lang ang pakiramdam.
"Table for eight po? This way po mga madam." Says the waiter in a friendly tone. Nang makaupo na silang lahat binigyan sila ng menu at naghintay ng oorderin nila.
"Kuya ano ba specialty nyo dito?" Tanong ni Mika sa waiter.
"Ma'am masarap po yung sinigang na sugpo namin, bagnet at pakbet ilocano. Meron din ho kaming kilawin na kambing, spicy caldereta at sinanglao."
"Sige gusto ko lahat yan." Sabay ngiti sa waiter.
"Oh bat kayo nakatingin sakin lahat?" Tanong ni Mika sa mga kaibigan.
"Wa...wala naman. Sige order ka pa, baka kulang pa eh." Sarkastikong sabi ni Jessy.
"Ay oo nga. Kuya waiter Green mango shake po yung drinks ko. Thank you."
"Pambihira! Dessert Mika baka gusto mo din." Saad naman ni Cienne.
"Hmm... maya na siguro hehehe!"
Matapos kumain ay naglakad lakad pa ulit sila sa mahabang kalye ng Plaza Burgoz. Nasumpungan nila ang Legacy, isang Disco pub na kinahuhumalingang puntahan ng mga kabataan sa lugar na iyon. Pagpasok nila ay sinalubong agad sila ng isang waiter doon at iginiya sila sa isang bakanteng table. Sobrang dami ng tao, halos lahat ay nasa dance floor, yumuyogyog sa tempo ng makabagong musika. Paubo ubo si Mika dahil sa usok ng mga sigarilyong nakulong narin sa lugar na iyon. Sa sobrang ingay, nakikipagsigawan na si Jessy at Ria sa waiter para maintindihan ang order nila.
Pagbalik ng waiter may dala na ito ng isang bote ng Blue Label at mga soda in cans. Umorder din sila ng calamares, sisig at warek warek bilang pulutan. Nang makalahati na nila ang bote ng alak niyaya ng magkambal sina Mika at Jessy sa dance floor. Ang mga natira sa upuan ay nakontento nalang sa pag inom at paminsan minsan na pagsulyap sa mga kaibigang sumasayaw. Nagkakatuwaang nagsasayaw ang apat ng biglang may yumakap na isang lasing na lalaki sa likod ni Mika. Nagpumiglas si Mika pero hindi parin siya pinakawalan nito. Nakita ni Vic ang pangyayari at patakbong pumunta sa dance floor, hinablot ni Vic ang lalaki at binigyan ng isang malakas na sapak sa mukha. Susugod pa sana ang lalaki pero marami ng umawat sa kanila. Nag aya na si Jessy na bumalik sa hotel. Habang naglalakad sila pabalik, halata parin ang pagka inis sa mukha ni Vic.
"Vic hindi mo naman kailangan gawin yon eh..." malumanay na sabi ni Mika pero halatang kabado parin sa nangyari.
"At anong gusto mo? Matuwa pa ko habang binabastos ka ng tarantadong yon." Pasinghal na sabi ni Vic.
"Hi..hindi naman sa ganon. Thank you." Yan nalang ang nasabi ni Mika. Wala naring umimik na iba. Hindi narin nagsalita si Vic hanggang makarating sila ng Hotel.
"Goodnight guys! Tomorrow nga pala magkakalesa tayo then bili ng mga souvenir items. Afterwards, punta tayo ng dagat mag overnight." Sabi ni Jessy. Tumango nalang ang lahat at nagpunta sa kani kanilang rooms.
Paglabas ni Vic ng banyo ay medyo kalmado na ito.
"Vic ok kana ba?" Tanong ni Carol.
"Nakakainis lang kasi, imbis na magpasalamat nalang kung anu ano pang sasabihin." Tinutukoy ni Vic si Mika.
"Eh pare baka sobrang nerbyos nya lang. Lam mo naman yon kahit higante masyado paring matatakutin." Saad naman ni Kim na naglabas ng tatlong San Mig cans sa mini ref. Inopen nya ang mga ito at binigyan sina Carol at Vic.
"Par protective much ka kay Mika ha!" Saad ulit ni Kim.
"Kahit sino naman sa kanila ang ginawan ng pambabastos, ganon parin gagawin ko. Ayoko na may gumagago sa mga kaibigan ko noh!" Sabay tungga ng beer.
"Itulog na natin to. Maaga pa tayo gigising bukas." Sabi nalang ni Carol at nauna ng humiga sa kama.
Samantala, sa isang bar din sa Timog Ave. ay mag isang umiinom si Van. Nahagip ng mata nya ang dalawang tao na kakapasok palang dito. Hindi nya inaasahan na makikita rin ito sa lugar na tulad nito. Nilapitan nya ang dalawa na kakaupo palang din.
"Ui pare nagpupunta karin pala dito?" Tanong ni Van na ikinagulat ng dalawa.
"Van! Ah eh nagpasama lang si ano... si Trish. Kilala mo naman sya diba?"
"Ofcourse! The ex of the phenom hahaha!" Saad ni Van at umupo narin sa table ng dalawa.
"Kief punta muna ko sa Ladies room. excuse me..." tumingin si Trish kay Van at ngumiti bago umalis.
Nang makalayo na si Trish ay nag usap ang dalawa.
"Pare wag mo nalang sana mababanggit kay Cienne na nagkita tayo." Pakiusap ni Kiefer.
"Sure pare. Huwag ka mag alala, your secret is safe with me." Panloloko ni Van.
"Baliw! Hahaha!" Sabi nalang ni Kiefer.
Pagbalik ni Trish sa table ay may isang babae rin na sumunod sa kanya.
"Van i've been looking for you nandito ka lang pala. Can we go home now?" Sabi ng babae na ikinagulat naman ni Kiefer. Tinignan nya si Van na parang sinasabing care to explain?
Napatayo si Van sa gilid ng babae at inintroduce nya ito sa dalawa.
"Ah eh... Kief, Trish, si... si Pearl nga pala. Kuya nya may ari nitong bar. May inabot lang syang documents sa kuya nya so, ah... we go ahead narin." Sabi ni Van. Nakipagkamay naman si Pearl sa dalawa bago sila umalis ni Van. Sinundan nalang ni Kiefer ng tingin ang dalawang umalis. "Your secret is safe with me... well kaya naman pala." Isip ni Kief na naka smirk.
Kinaumagahan nagbreakfast muna ang magkakaibigan bago lumabas. Umarkila sila ng dalawang kalesa at inilibot sila sa lahat ng historical places ng Vigan. Tuwang tuwa silang lahat. Picture dito at picture dyan ang ginawa nila. Nang matapos ang halos dalawang oras ng paglilibot ay pumunta naman sila sa Cathedral Church. Kanya kanyang dasal at tirik ng kandila. Nagmeryenda muna sila ng Vigan empanada at ukoy bago namili ng mga pasalubong. Pagod na pagod sila pagbalik ng hotel. Sama sama muna silang nag stay sa isang room. Plakda agad si Mika sa kama. Ang kambal naman ay nanood ng cartoon network. Si Jessy ay abala sa pag aayos ng mga pinamili. Parang hindi man lang napagod. Ang apat ay nagkakatuwaan maglaro ng tong its habang umiinom ng beer.
"Madaya ka Ria, wala ka na ngang mata nasisilip mo parin baraha ko hahaha!" Sabi ni Kim.
"Hoy di ako nagchicheat ha! Marunong lang talaga ko bumasa ng baraha." Tawa ni Ria.
"Expert pare! Ayoko na. Talo na ko ng isang daan." Saad ni Carol
"Para namang ikinalugi mo masyado Carol. Barya lang naman yan sayo." Sabi ni Vic.
"Hoy kayong apat na kumag dyan magpahinga narin kayo. Walang tigil bunganga nyo kakainom. Maya punta na tayo ng dagat." Sita ni Jessy. Napakamot nalang sa ulo si Ria.
Para silang suman na magkakatabi sa bed. Naghihintay ng hudyat ni Jessy kung aalis na sila. Nakatabi si Vic kay Mika na tulog parin. Hindi maiwasang titigan ni Vic ang maamong mukha ni Mika. Pinapagalitan ang sarili sa mga bagay na tumatakbo sa isip nya.
Hapon na ng mag aya si Jessy. Daan muna daw sila ng grocery para bumili ng babaunin sa dagat.
"Sa San Ildefonso tayo Kimmy. Sa Puerto Beach Resort ni Tata Rudy." Sabi ni Jessy kay Kim na nagmamaneho.
"Seriously Jessy may kilala ka dito?" Tanong ni Camz.
"Hahaha! Actually yung cousin ko yung may kakilala. Simpleng resort lang daw yon pero tahimik tsaka magaling makisama yung mga tao don." Explain naman ni Jessy.
Nang makarating sila sa destinasyon ay nag uunahang bumaba ang magkakaibigan. Sinalubong naman sila ng isang may edad ng lalaki na nakangiti.
"Mga magagandang binibini, kayo yata yung pinagkatiwala sakin ni Paeng." Sabi ng lalaki.
"Ay pinsan ko po sya. Ako nga po pala si Jessy. Mga barkada ko po kasama ko." Sabi naman ni Jessy.
"Tata Rudy ang tawag sakin sa lugar na ito mga binibini. Halika na kayo at ituturo ko sa inyo yung kubo na pagtutulugan nyo. Nagpaluto narin ako sa mga anak ko ng pang hapunan. Pag nailagay nyo na mga gamit nyo pumunta nlang kayo sa Videoke room at don ko ipapahanda ang pagkain." Sabi ni tata Rudy.
"Nakakahiya naman po naabala pa namin kayo." Sabi ni Vic.
"Ganyan ako makitungo sa mga bisita ko. Para hindi nila malimutan ang pag stay dito." Saad ni tata Rudy.
"Salamat po tata Rudy!" Sabay sabay nilang sabi na ikinatawa ng mabait na may ari ng resort.
Matapos maghapunan ay sinamahan sila ni Tata Rudy pababa sa tabing dagat.
"Nagpagawa ako ng bonfire sa manugang ko. Baka kako gusto nyong magsaya, o magtakutan o kaya naman mag story telling a lie heheh!" Pagbibiro ni tata Rudy.
"Salamat po talaga sa kabutihang loob nyo." Nahihiyang sabi ni Jessy.
"Walang ano man ineng. Safety ang lugar na ito, hindi kayo mangangamba kahit abutin kayo ng umaga sa labas. Oh ayan na pala ang manugang ko. Naaramid mo jay bonfiren nakkong?" Tanong ni tata Rudy sa manugang.
"Wen tang." Maikling sagot nito.
"Oh pano mga binibini, magpahinga narin muna kami. Kung may kailangan kayo wag kayo mahiya na tawagin ako ha? Enjoy the night!" Tumalikod na ang magbiyenan para bumalik sa bahay.
Pinalibutan nila paupo ang bonfire. Iniready ni Ria at Jessy ang mga inumin. Nagbukas naman si Mika at Camille ng mga baong chichirya. Sinimulan na nila ang shot ng Tequilla. Kung anu ano lang ang mga napag uusapan. Madalas ay mga kalokohang nagawa nila noong college life. Naubos na nila ang isang bote. Nagbukas ulit si Ria ng isa pa. Si Jessy ang tangera.
"Guys dahil pangalawa na to, why don't we play games naman?" Sabi ni Jessy
"Anong games?" Tanong ni Mika.
"It's called 'Tell The Truth' but no mentioning of names if ever there were other people's involved." Sabi ni Jessy.
"Paano?" Tanong ni Vic.
"Ganito, pag tapos mong ishot ang tagay mo, kailangan may sabihin ka, kahit past na yan o current event lang ng buhay mo. Basta yung totoo." Explain ni Jessy.
"Alright... so sino mag start?" Tanong naman ni Cienne.
"Start sa tangera!" Suggest ni Ria.
Nang mainom ni Jessy ang tagay nya, tumahimik muna sya sandali. Naghihintay naman ang lahat sa sasabihin nya.
"Minsan naiisip ko kung, pano kaya kung isang normal na relasyon ang pinasukan ko? Magiging masaya rin kaya ako tulad ngayon? Nakakapagod kasi yung ganito, na laging dapat meron kang patunayan dahil kaunti lang yung mga nakakaintindi sa ganitong klase ng relasyon. Pero bakit ko ba iintindihin kung ano ang sasabihin ng iba? Hangga't alam kong wala akong tinatapakan na kahit sino, hindi ko isusuko kung ano ang pinaniniwalaan ko. Buhay ko to, at walang sino man ang pwedeng magdikta sakin kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin." Pagtatapos ni Jessy. Nagsalin ulit sya ng alak at ibinigay kay Ria.
"Isang tao lang naman ang minahal ko, mahal ko at mamahalin ko. Wala kong pakialam kung hindi katanggap tanggap sa both sides ng pamilya. Fuck them all! Hahaha!" Si Ria.
Sumunod si Camille
"I'm happy, in love and contented. Hinding hindi ko ipagpapalit ang tao na ito sa kahit na ano o kahit kanino." Nakayukong sabi ni Camille. Sumunod namang tumungga si Cienne.
"Galit ako sa tao na ito. Gusto ko syang saktan sa kahit na ano mang alam ko na paraan. Pero hindi ko magawa, dahil makita ko palang sya, trinatraydor nako ng sarili kong damdamin." Si Cienne na nakapikit lang.
"The more you hate, the more you love daw kasi heheh!" Komento ni Ria. Next naman ay si Vic. Lumunok muna sya bago nagsalita.
"Dati meron akong taong sobrang hinahangaan. Sobrang crush! Then isang araw, nagising nalang ako na mahal ko na pala sya. Pero bago ko pa magawa ang first move ko, napigilan na ako. Simula non, hinayaan ko nalang ang tadhana ang syang magtakda ng mga bagay na mangyayari sa buhay ko."
After Vic si Carol naman.
"Nainvolved ako sa isang sindikato. Malaki ang perang nautang ko dito dahil sa sugal. Kapalit non, gusto nila kong magbenta ng drugs sa bar ng mga kaibigan ko. Tinanggihan ko sila. Nung panahon na sinabi kong hindi ko kakilala ang isang tao na ito at alam kong nasaktan ko sya, pero ayaw ko lang madamay sya sa gusot na pinasok ko. Ayaw kong mapahamak sya sa mga matang nagmamasid sa bawat galaw ko. I will never ever let anyone hurt her coz she's too precious to me." Si Carol na nakatingin kay Camille.
"Oh yon naman pala eh, dapat kasi pinakinggan na noon pa yung explanation hahah!" Sabay siko ni Cienne sa tagiliran ni Camille.
It's Mika's turn...
"Hmm... sabi, hindi lahat ng magkasama nagmamahalan at hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama. Me..meron akong first love pero hindi nya alam na sya yon. Hindi pwede dahil magiging mas komplikado lang ang sitwasyon. Ok na sakin yung set up namin kesa naman tuluyan akong malayo sa kanya." Ngiti ni Mika.
"Oh my, mukhang kilala ko yan hahah!" Si Jessy paikot ikot pa ang mata.
"No you're not. Akala mo lang hahaha!" Si Mika.
"Defensive bruh?" Tanong ni Jessy
"Shut your big mouth Jessy!" Pinandilatan ni Mika, so Jessy zip her mouth na.
Ang last na magte tell the truth ay si Kim. Ininom nya agad ang shot nya.
"I asked her to marry me." Saad ni Kim.
"Ayown! Congrats pare!" Sabi agad ni Vic. Tuwang tuwa ang lahat. May pahiyaw hiyaw pa sila Jessy, Mika at Camille. Si Cienne na nakatitig lang kay Kim, pilit na inaalam ang kalungkutan na nakikita nya sa mukha ni Kim. At bago pa nya mabuo ang isang haka-haka, kinonfirm na agad ito ni Kim.
"But she refused. She said she can't."___________________________________
End of Chapter 6
BINABASA MO ANG
For You I Will
De TodoThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...