THE SHOW (Great pretender)

544 10 0
                                    

Isang gabing umuulan, nasa bedroom na si Camz ng marinig nyang tumunog ang doorbell. Pagsilip nya sa peephole ay nakita nyang basang basa sa ulan si Carol. Binuksan nya agad ang pinto at hinila si Carol papasok sa bahay
"Are you out of your mind Carol? Look at you! Gosh di ko na alam gagawin sayo."
"Towel lang kailangan ko Camz...please." Nanginginig ang katawang sabi ni Carol.
"Pag ikaw nagkasakit hindi kita aalagaan!" Sigaw ni Camz at binato ang towel kay Carol
Pumunta naman agad si Carol sa bathroom
"Camz pahiram narin ng damit!" Sigaw naman ni Carol.
Ng matapos sya maligo at makapagpalit pinuntahan nya si Camz sa kusina na nagtitimpla ng hot choco
"Oh ayan inumin mo para mainitan katawan mo." Sabay abot ng tasa kay Carol
"Salamat Camz ha."
"Hoy may bayad lahat ng kabutihang loob ko para sayo, nililista ko lahat Carol."
Napatawa nalang si Carol at ininom ang hot choco nya.
"So tell me Carol, ano nanaman napasukan mong gulo ha?"
"Eh Camz di ko naman alam na magsisters pala si Stephany at Mariel. Nagkabukingan nung binigyan ko sila ng gifts. Same bracelet kaya hinahunting ako ng brother nila. Buti nalang nakalusot ako kanina. Shet muntik na talaga ko. hahaha!!!"
"Natuwa ka pa! Kelan ka ba talaga titino Carol? If i can still remember hindi ka naman ganyan ka garapal nung college years natin ah"
"I'm just having fun Camz, ayoko naboboring sa buhay."
"Oo nga pala bullies night bukas ng gabi, don't tell me hindi ka nanaman pupunta." Pahayag ni Camz.
"Dadalo po ako promise."
Tumayo na si Carol at pumunta na ng kwarto
"Camz dito nalang ako tulog sa bedroom mo ha? tabi tayo please."
"Ano pa ba magagawa ko eh nakahilata kana sa kama ko."
"Nytnyt Camz! Love you."
"Sige na matulog kana. May gagawin pa ko eh." Napangiti si Camz habang naglalakad pabalik sa kusina. "Carol sa mga simpleng paglalambing mo bayad na lahat ng mga utang mo." isip ni Camz.

Nang sumunod na gabi...
"Yeeessss!!!! Complete attendance tonight wooohoooo!!!" Hiyaw ni Kim.
"Nababaliw lang ang peg Kimmidors?" Saad ni Mika habang tumatawa.
"Maupo na nga kayo don sa table natin, sobrang gulo nyo, naaabala ibang customers oh!" Suway ni Vic sa mga kaibigan.
"Sandali group picture muna tayo." Sabi ulit ni Kim.
Kanya kanyang post ang ginawa nilang anim. "Click!"
"Ayown! Post ko to agad sa instagram whahaha!!!" Si Kim galak na galak.
CAPTION: Bullies signing in... Complete attendance bheybe!
Agad agad nagcomment si Mela. "Kimmy don't drink too much, baka ibang bahay mauwian mo whehehehe! Hello bullies!"
Sumunod naman si Aby. "Bullies are still alive, be very afraid lol! Enjoy the night guys... Daughterf you behave!"
"Hahah! Grabe naman si motherf." Sabi nalang ni Vic.
"Aww! Inggit much kami ni baby Ri... See you soon guys." Comment ni Jessy.
"Now i'm jealous!" Pagbibirong comment ni Shiela na sinang ayunan ni Kiefer.
At maging si ate Cha ng kambal ay nakigulo narin. "Kambal make your ate Cha proud... hihihi. Hi bullies, mwuah!"
Kung sinu-sino pang nagcomment na fans nila mula noon hanggang ngayon. The volleyball world indeed made them famous na kahit hindi na sila naglalaro ay nandyan parin todo suporta ang mga fans nila.
Naparami narin sila ng iniinom. Si Carol at Vic ay madalas hatakin ng mga kung sinu-sinong bebot para isayaw sa dancefloor. Meron kung makakapit ay parang mga tuko, pinagbibigyan nalang nila dahil may mga tama narin sa nainom na alak. Si Kim naman ay kawawa sa pang aasar ni Camz at Mika.
"Cienne hilahin mo narin si Kim sa dancefloor para matuwa din tulad nung dalawa don." Biro ni Mika.
"Hay nako, manigas sya dyan noh! Itim na nga, suot pa itim. Natural mapagkakamalan syang anino hahaha!" Tawang malakas ni Cienne.
"Dihamak naman akong mas gwapo sa dalawang yon kung sa pag uugali ang pagbabasehan." Pagtatanggol ni Kim sa sarili.
"Kambal bat tahimik mo, may LQ kayo ni Carol?" Tanong ni Cienne kay Camz
"Cienne cut it out, wala lang sa mood tonight. LQ para lang sa mga lovers, we're not even closed to that at hinding hindi mangyayari." Sabay tungga ng bote ng beer.
"Tulak ng bibig... kabig ng dibdib... lalala..." kanta ni Mika na kinikilig.
Sobra sobrang kasiyahan at isang tanong ang magpapabaligtad sa sayang nararamdaman nila sa gabing iyon.
"Cienne, minsan ba sa buhay mo minahal mo ako?" Diretsahang tanong ni Kim. Malakas na ang loob dahil may tama narin ito sa siyam na bote ng beer na nainom. Ang kaninang masayang mukha ni Cienne ay napalitan ng pagkamuhi.
"Hindi ka ba nangingilabot sa tinatanong mo Kim?" Nanggigigil na tanong ni Cienne.
"May asawa akong tao Kim at ikaw may Mela Tunay ka na sobrang nagtitiwala sayo!" Tumayo si Cienne at nagpaalam na sa mga kaibigan. "Mauna na ko sa inyo, tumawag na si Van eh pinapauwi na ko. Thank you for this night." Tumalikod na si Cienne na di man lang nagawang tignan si Kim.
Nang di na makapagpigil si Kim ay dali dali nyang sinundan sa labas si Cienne, hinablot ang braso para pigilan sa paglalakad.
"A...arrayyy ko!" Hiyaw ni Cienne na sobrang nasaktan at ikinabigla ni Kim. Hawak hawak ni Cienne ang braso nyang nasaktan. Tinanggal ni kim ang kamay ni Cienne at itinaas ang sleeve ng suot at nanlaki ang mga mata nya sa nakita, isang malaking pasa na nangingitim masyado.
"Cienne, si... si Van ba gumawa neto?"
"Kim wala kang alam at wala kang pakialam."
P_ta Cienne kaibigan mo ako... kami!!! Bat di mo sabihin na sinasaktan ka ng asawa mo?"
"For what? May magagawa ba kayo?" Nagsimula ng tumulo ang luha sa mata ni Cienne.
Bigla syang niyakap ni Kim at napayakap narin sya ng mahigpit na lalo nyang ikinaiyak.
"Cienne, a...ayaw kong nasasaktan ka ng ganito. Ma..mahal kita Cienne... kaibigan kita eh."
Itinulak ng malakas ni Cienne si Kim na muntik na itong matumba. Mas lalong tumindi ang paghagulgol ni Cienne.
"Manhid na manhid na ako! Hindi ko na nga kilala ang sarili ko at hindi ko narin alam kung kakayanin ko pang magmahal. Matagal ng namatay ang puso ko kaya hayaan mo na ako! Utang na loob tantanan mo ako Kim!"
"Cienne..."
"Just go! I don't need some pity coming from you, save that for yourself." Sabi ni Cienne na papiyok piyok dahil sa pagpigil nyang umiyak pa ulit.
Wala ng nagawa si Kim, laylay balikat nyang iniwan sa labas si Cienne. Pagpasok ng bar ay hinarap nya agad si Camz.
"Camz alam mo bang sinasaktan ni Van si Cienne?" Tanong ni Kim na ikinagulat ng mga kaibigan.
"Imposible!" Sabi ni Camz
"Si Cienne... sobrang galing nyang... hmm... ang galing nyang ano...." hindi naituloy ni Kim dahil si Cienne na ang nagtuloy. Pumasok pla ulit sya at hindi napansin ng mga kaibigan.
"Magpanggap? Great pretender? Yon ba gusto mong sabihin Kim?"
"I... i'm sorry Cienne, kala ko umalis kana." Sabi ni kim na nakayuko.
"For all i know, hindi lang naman ako ang nagprepretend sa grupong ito." Habang isa isang tinitignan ang mga kaibigan.
"Cienne lasing kana, iuuwi na kita." Sabi ni Camz.
"No kambal hindi ako lasing. Totoo naman sinasabi ko diba? Wow ang saya saya... shet isang gabing lahat parang walang problema and then what? ha?" Mapait na ngumiti si Cienne at nagpatuloy
"Pag kanya kanya na ulit tayo ng landas... ayan na ulit ang lungkot. Ang... ang sakit. Haharap nanaman sa realidad na hindi perpekto ang buhay. So sabihin nyo sakin, sino ang hindi nagprepretend lang dito?....Wala!!!" Iyak na ulit ng iyak.
Si Mika at Carol nakayuko nalang. Si Vic sumesenyas kay Kim na pumunta muna sa office. Naglakas na ng loob si Camz tumayo para hilahin si Cienne palabas dahil halos nakuha na nila atensyon lahat ng tao sa bar.
"Sorry guys! Cienne and i, we need to go na." Saad ni Camz habang hinihila ang kamay ni Cienne. Bago pa sila makalabas, sagad lalamunang isinigaw ni Cienne: "Kim!!! You f_ck_ng LIAAARRRR!!!!!
Natulala nalang si Kim, hindi alam kung ano irereact. Vic just give Kim a tap on her shoulder and "Pare, Kim i think you should go narin.... rest your mind pare sige na."
Tumayo nalang si Kim, kinuha ang jacket at car key nya sa office at lumabas na ng bar. Ni hindi na nya nagawang magpaalam pa sa natirang mga kaibigan sa loob.
Ang tatlong naiwan pa ay lunong luno sa nangyari. Si Mika na ang unang bumasag sa mahabang katahimikan. "Haist! Whatta night!"
"So ano, sabay sabay na ba tayo uuwi o you two wants to go ahead narin?" Tanong ni Vic.
"Hintayin kana namin Vic, isasara mo narin naman na tong bar." sagot naman ni Carol.

While Camz is driving, hindi na nya mapigilan na hindi magsalita pa.
"God Cienne! You just ruined everything tonight!"
Hindi parin nagsasalita si Cienne. Napipikon na si Camz, dahil hindi sya pinapakinggan ng kambal.
"I will tell mom and dad you know. Kahit kay Ate Cha sasabihin ko din. I will tell them kung ano nangyayari sayo. " Saad ni Camz.
"Let me handle this ok. Problema ko to, huwag kang pakialamera!" Galit na sabi ni Cienne.
"Aba kambal this is all wrong... at..at wag mong sabihin na hindi ako pwedeng makialam. The last time i checked, ako parin ang kambal mo and i have all the rights para panghimasukan ang buhay mo... lalo na kung nasasaktan kana." pinipigil ni Camz ang emosyon para hindi tuluyang pumatak ang luha.
"Camz they don't need to know right now. I promise aayusin ko to and i am the one to tell them, in a right time." Mahinahon na sabi ni Cienne.
"Sinasabi mo bang pagtakpan kita?" Tanong ni Camz.
"Ngayon lang Camz, please..." sagot ni Cienne.
"Sa. Susunod na mangyari pa ulit yang mga pasa sa katawan mo, i'm sorry Cienne pero hindi na ako mananahik pa."
"Sa.... salamat kambal." sabi nalang ni Cienne.
"Sa bahay ka nalang muna matulog. Bukas kana umuwi kay Van ok?" Sabi ni Camz at hindi na sumagot si Cienne

Samantala pauwi narin ang tatlo. Kanya kanyang drive ng kotse. Napahinto sila dahil ng red light. Naka open ang windows ng sasakyan ni Vic dahil gusto nyang mahanginan.
"Nice car!" Sigaw nung lalaki na nakahinto rin katapat ng sasakyan ni Vic. "Let's race. From here until the third stoplight ano game ka?" Tanong pa nang lalaki.
Nagconference call si Vic kay Mika at Carol.
"Guyz want some game?" Tanong ni Vic.
"Anong game?" Tanong din ni carol.
"The dude in the other lane want a race." Naka smirk na sabi ni Vic.
"I'm in!" Sabat agad ni Carol.
"Don't count me in. I'll just follow you guys, dito lang ako sa back nyo." Saad naman ni Mika.
"How much?" Baling na tanong ni Vic sa lalaki.
"10k for the winner. So game?" Sabi nung lalaki.
"Let's get it on!" Sigaw ni Vic at nagsimula na silang mag street race.
Nangunguna si Vic at si Carol pilit na sinisingitan ang lalaki. At ng maunahan nya ang lalaki "yeahhh!!!!" Hiyaw ni Carol.
Nakaconference call parin silang tatlo.
"Oh my God Vic a little bit slower please, sobrang bilis mo." Sabi ni Mika.
"Mikz relax!" Sabay tawa ni Vic.
Ng malagpasan na nila ang second stoplight, kahit madilim ay napansin nya na agad ang mga nakaharang na sasakyan sa daan na medyo kalayuan pa. "Shet Carol it's a trap!" Sabi agad ni Vic. Kaso wala na silang lulusutan ni Carol dahil bukod sa sobrang bilis nila ay nalagpasan na nila yung way to the left. "Mikz turned to the left and go home!" Mabilis na sabi ni Vic.
"Huh?" Sabi ni Mika na dahan dahang nagdadrive.
"Do as i say, damn it!" At pinatay na ni Vic ang phone nya at binagalan na pagdadrive.
Ng makita ni Mika ang tinutukoy ni Vic ay nagturned left na nga sya at kabadong tinahak ang daan na pauwi.
Ng makarating ng bahay ay agad nyang tinawagan si Vic pero answering machine lang ang nagsasalita. Hindi sya mapakali,pumasok sya sa kwarto at ginising ang nahihimbing na si Kiefer.
"Kief napatrouble si Vic at Carol. I think nahuli sila ng mga police. What to do Kief?" Sobrang tense na sabi ni Mika.
"Mikz.. Mikz calm down ok." Sabi ni Kiefer.
"Hindi ko sila macontact and you're telling me to calm down?" Sigaw ni Mika
"Mikz come beside me." nakaupo sa bed na sabi ni Kiefer at sinunod nman ni Mika. Niyakap sya patalikod ni kiefer at "Mikz, honey walang magagawa ang kaba mo ngayon. You need to calm down and get some sleep. Then tomorrow pag gising mo try to call them again. Walang masamang mangyayari sa kanila." Mahinahon na sabi ni Kiefer.
"You sure of that?" Paninigurado ni Mika.
"Yes, 100 percent sure!" Ngiti ni Kiefer kay Mika at nahiga na.
Tinanggal nalang ni Mika ang shoes at pants nya at sumiksik ng todo kay Kiefer. Niyakap sya ng mahigpit ni Kiefer. Nandon parin ang pag aalala sa mga kaibigan pero sapat na ang mga yakap ni Kiefer sa kanya para mabawasan ng konti ang kaba at takot na bumabagabag sa isip nya.
"Vic....." huling katagang narinig ni Kiefer sa nakatulog ng si Mika.
Hinalikan nya ang noo ni Mika at "Hanggang sa panaginip Mika, sya parin...." at pumikit na ito.

___________________________
End of Chapter 2

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon