BROKEN WINGS

505 10 2
                                    

FLASHBACK:
Pauwi ng dorm si Kim, ginabi na sya dahil namasyal sila ni Mela. Everytime she'd get the chance, bumabawi sya sa kasintahan in any ways. Hindi na kasi sila madalas magkita nito, masyado na silang busy pareho sa school at pagpractice ng Volleyball. Graduating na sila this year, hindi na uubra ang pabanjing banjing lang. Plus mas nadadalas narin ang pagsumpong ng hika ni Mela, hindi nga malaman ni Kim kung bakit gustong gusto parin ni Mela magvolleyball gayong bumibigay na ang katawan nito. Kapag mahal mo talaga ang ginagawa mo o ang isang bagay, mahirap itong sukuan.

Malapit na sya sa pinto ng dorm ng marinig nyang may tumawag sa pangalan nya. Nilingon nya ito.
"Oh pare, kaw pala." Sabi ni Kim.
"Musta Kimmy?" Tanong ni Van.
"Ayos naman daw ako sabi ko. Hahah! Ba't napadpad ka rito?" Si Kim, ipinatong ang isang paa sa pader para ayusin ang sintas ng sapatos nya.
"Hmm.. pare gusto ko sanang ligawan si Cienne kung ayos lang sayo?" Diretsahang tanong ni Van.
"Oh..eh bat ako tinatanong mo, hindi naman ako si Cienne." Sagot ni Kim.
"Gusto ko kasi makasigurado na hindi mapupunta sa wala pag inumpisahan ko na syang ligawan." Saad ni Van.
Hindi umimik si Kim. Parang may dumaan na anghel sa pagitan nilang dalawa sa ilang minutong katahimikan.
"Tapatin mo nga ko Kim, may pagtingin ka ba kay Cienne? Halata kasi yung sobrang closeness nyo eh." Sabi ni Van.
"Kaibigan ko lang si Cienne." Maikling sagot ni Kim.
"Ahh... just making sure lang pare. Tsaka may Mela ka na nga pala." Sabi ni Van at sumandal sa pader.
"Alam mo naman pala eh!" Inis na sagot ni Kim. Hindi alam kung saan patungo ang usapan nila.
"Pero hindi kasi yon yung sagot sa tanong. Hindi ko tinanong kung ano mo si Cienne, ang tanong ko kung may pagtingin ka ba sa kanya." Saad ni Van.
"Bakit ba ang dami mong tanong? Kung liligawan mo sya eh di ligawan mo!" Tumalikod na si Kim at kinuha ang susi ng dorm sa bulsa.
"Kim wag mo paasahin si Cienne sa wala. Hayaan mong maranasan nya ang isang normal na relasyon. Kim bigyan mo ko ng pagkakataon na maiparamdam sa kanya yon." Sabi ni Van. Napatigil si Kim sa pagbukas ng pinto. Hinarap nya ulit si Van. Luminga linga muna sya sa kadiliman ng lugar, sinisigurado na walang makakarinig sa sasabihin nya.
"Ipangako mo sakin na hinding hindi mo sya sasaktan Van." Sabi ni Kim, tinititigan ang mga mata ni Van.
"O..oo naman! Pangako yan." Sabi ni Van. Hindi nagpapatalo sa titigan.
"You're right. She deserves more... please, make her happy." Sabi ni Kim at yumuko ito.
"Ganon nalang yon Kim?" Tanong ni Van.
"What do you want of me ba?" Iritableng tanong ni Kim.
"I want you out of the way..." says Van directly in Kim's face. Napapikit si Kim. Huminga ng malalim.
"Deal is done! Iiwasan ko na sya... basta tuparin mo ang pangako mo." Sabi ni Kim. Inilahad ni Van ang kamay , asking for a shakehand, as the seal of what they have both agreed to each other.
Kim accepted her defeat, yes, she loves Cienne... secretly. Pero hindi yon sapat para iwanan nya si Mela. Kay Mela sya committed, she don't want to break her heart, lalo na ngayong sya ang nagiging lakas at sandalan nito.

Pagbukas ni Kim ng pinto panandalian syang natulala, nasa harap nya ang magkambal.
"Ah... kanina pa kayo dito?" Tanong ni Kim.
"Hindi. Nga...yon lang. Ano kasi.. lalabas kami ni Camille para bumili ng ice cream. Di..diba Camz?" Pinandilatan ni Cienne ang Kambal, nagets naman ito ni Camille.
"Ah..eh oo, oo. Mainit kasi kaya ayon mag ice cream nga kami. Gusto mo sumama Kimmy?" Pilit na ngiti ni Camille.
"Sige kayo nalang. Pagod ako eh. Itutulog ko nalang. Salamat sa alok." sabi ni Kim at pumunta na sa kwarto.
Nang makabili na ang magkambal, hindi na muna sila umuwi. Nagyaya si Cienne pumunta muna ng park para magpahangin. Magkatabi silang umupo sa bench. Nakatulala lang si Cienne, parang may gumugulo sa isip.
"Hoy kambal kanina ka pa tulala dyan. Ano ba kasi yung ginagawa mo sa pintuan kanina? Para kang tuko na nakadikit doon." Sabi ni Camille.
"Camz, narinig ko si Kim, kausap nya si Van." Tugon ni Cienne.
"Oh my! You mean... magpapakababae na si Kim?" Nanlalaking mata ni Camille.
"Hindi kambal! Sa sinabi mo, para mo naring sinabi na meron na ngang lumilipad na elepante!" Saad naman ni Cienne.
"Ikaw Cienne umaandar nanaman yang pagkachismosa mo ha! Bawal makinig sa usapan ng ibang tao." Si Camille, itinaas ang dalawang kamay para mag inat.
"Kahit ako yung topic nila?" Tanong ni Cienne.
"Ano ba kasi narinig mo ha?" Pabalik na tanong ni Camille.
"Hu..humingi si Van ng permiso kay Kim para ligawan ako." Nakayukong sabi ni Cienne.
"Eh bat sa kanya? Eh ano sabi ni Kim?" Tanong ulit ni Camille.
"Sabi nya, siguraduhin nya lang daw na hindi nya ako sasaktan. Tapos..."
"Oh tapos? pabitin ka naman kambal!" Sabi ni Camille.
"Tapos... iiwasan na daw ako ni Kim." Malungkot na sabi ni Cienne.
"Sandali nga Cienne, yung closeness nyo ba ni Kim in a different level na?" Tanong parin ni Camille.
"I don't know Camz. But... i think, i'm starting to fall in love with her." Amin ni Cienne.
"You bad! Alam mo namang may relasyon si Kim at Mela. Pareho natin silang kaibigan. Pigilan mo yan Cienne, problema lang yan." Payo ni Camille.
Hindi na umimik si Cienne.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon