THE SWEETEST GOODBYE

433 12 4
                                    

*** TRUE LOVE IS A SACRED FLAME THAT BURNS ETERNALLY, AND NONE CAN DIM ITS SPECIAL GLOW, OR CHANGE ITS DESTINY. TRUE LOVE SPEAKS IN TENDER TONES, AND HEARS WITH GENTLE EAR, TRUE LOVE GIVES WITH OPEN HEART AND TRUE LOVE CONQUERS FEAR. TRUE LOVE MAKES NO HARSH DEMANDS IT NEITHER RULES NOR BINDS, TRUE LOVE HOLDS WITH GENTLE HANDS THE HEARTS THAT IT ENTWINES. ***
___________________________________

Eto na ang araw na pinaka aasam asam ni Kim, ang araw na mas lalong magpapatibay ng pagsasama nila ni Mela. Si Cienne ang pinaka abala sa lahat. Magaganap ang kasal sa Puerto del Sol beach resort sa Bolinao Pangasinan. Eto ang napiling lugar ni Mela. Family and closed friends lang ang mga imbitado. Nagpareserved narin si Cienne ng ilang Sitio Amore rooms para sa mga bisita at isang Mansion Villa Room para sa ikakasal. Sina Mika at Shiela ang bridesmaid. Si Cienne ang gusto ni Mela para maging maid of honor pero tumanggi ito kaya kay Camille napunta ang pwesto at si Carol naman bilang alalay ni Kim. Ang pari na magkakasal ay manggagaling pa sa Bagiuo.

The night before the wedding ay nagsidatingan na ang lahat ng expected guest sa Puerto del Sol. Sobrang excited ang lahat sa kasal na magaganap kinaumagahan. That night, lahat ay inanyayahan ni Cienne para magtipon sa Cafe del Sol. Isang pre-wedding party para igoodluck si Mela at Kim. Lahat ay nandoon na maliban sa ikakasal.
"Cienne nasan naba yung dalawa, tagal naman nila magpakita." Excited na tanong ni Mika. Katabi niya si Kiefer sa inukupang lamesa.
"Hintay lang sandali. Nasa Villa pa sila inaayusan si Mela. Pupunta nako don para sunduin." Sagot ni Cienne
"Kinareer mo talaga pagiging wedding planner ha!" Sabat ni Carol. Nginitian naman ito ni Cienne.

Kumatok ng tatlong beses si Cienne sa pintuan.
"Come in!" Rinig nyang sigaw sa loob kaya inopen nya na ito. Nakita nyang ready na si Kim sa suot nitong white slacks na tinernohan ng faded yellow polo shirt at black casual shoes. Si Mela ay patapos naman ng make upan. Sumenyas si Kim kay Mela na mauuna na syang lumabas.
"Mauna nako sunod nalang kayo ni Mela ha Cienne." sabi naman nya ng magkasalubong sila ni Cienne.
Ilang minuto pa bago natapos ang make up artist at lumabas narin ito agad.
"How do i look Cienne?" Tanong ni Mela pero nakatingin parin sa sariling reflection sa salamin.
"You...you look perfect Mela." Sabi ni Cienne and Mela made a half smile.
Tinulungan narin ni Cienne si Mela para isuot ang kanyang simpleng yellow dress na tinernohan lang nya ng flat black sandals.
"Ah Mela kaya mo ba maglakad bukas sa buhangin,baka mahirapan ka. Dapat pala pool side nalang, my mistake talaga!" Bulalas ni Cienne.
"Walang problema. flat shoes naman gagamitin ko. I like your idea na beach wedding. Thank you Cienne!" Saad ni Mela pero hindi parin tumatayo sa kinauupuan.
"So let's go?" Masayang tanong ni Cienne. Pero parang nagdadalawang isip parin si Mela kung tatayo na o mag stay muna ng konti sa room.
"Naghihintay na silang lahat sayo Mela. " Saad ni Cienne.
"Cienne, na...natatakot ako. Bigla kong naramdaman ang takot." Humarap si Mela kay Cienne at humawak ito sa mga kamay nya.
"Cienne...a...ayaw ko pa mawala Cienne!" Garalgal na sabi ni Mela. Niyakap na lamang ito ni Cienne. She wants to comfort her friend. Tell her na everything will going to be ok pero sa isip at puso nya alam nyang sobra sobrang takot at hirap ang nararamdaman ni Mela kaya itinikom nalang ang mga labi at mas hinigpitan ang yakap dito.

Naglalakad silang dalawa dahan dahan patungong cafe del sol. Hawak ni Cienne ang kanang kamay ni Mela. Sobrang lamig ng kamay nito dahil sa kaba na pilit itinatago.
"Mela will you tell them tonight?" Tanong ni Cienne. Umiling si Mela. Hindi na raw kailangan pang sabihin para hindi maapektuhan ang magaganap kinaumagahan.
"Ano ba sa tingin mo kung bakit todo make up ang pinagawa ko sa mukha ko tonight?" Natawa nalang silang dalawa sa tanong ni Mela. Magaling ang make up artist na nakuha ni Cienne, nagawa nyang itago ang maputlang mukha ni Mela at naging maaliwalas ito. Kung hindi lang sa payat na katawan ni Mela, kahit si Cienne ay mapapaniwalang wala itong itinatagong karamdaman.
Ganon nga ang nangyari, maliban kay Cienne, Kim at sa parents ni Mela, lahat ng nandoon ay paniwalang paniwala na nagdiet lamang si Mela para magkasya ang damit pangkasal. White lies!
Sa buong gabi ng kasiyahan ay hindi nawala sa tabi ni Mela si Kim. From time to time tinatanong nito kung ok lang sya. Mela is so grateful for this night, lahat ng mga taong malapit sa puso nya ay kasama nya ngayong gabi. Wala na syang mahihiling pa. Umaapaw ang saya ni Mela, isinantabi muna ang takot na nadarama.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon