I MISS YOU, IT HURTS

603 16 6
                                    

Habang pinagmamasdan ni Kim ang mga paru-parong pinalipad matapos mailagay sa huling hantungan si Mela, parang tinangay narin ng mga ito lahat ng saya ng kanilang mga pinagsamahang alaala.
"How will i move on? Tell me Mela..." pabulong nyang sinabi. Tanging malamig na hangin lang ang naramdaman nyang yumakap sa kanyang katawan bilang tugon.
"Kahit ilang beses ko man sabihin sa sarili ko na dapat na kitang kalimutan, i know i never will." At tumingala sa makulimlim na kalangitan. Nagbabadya ito ng pagbuhos ng ulan. Tila bang maging ang langit ay sumasabay sa kanyang kalungkutan at sakit na nararamdaman.
"Kim let's go? baka abutan pa tayo ng ulan." Sabi ni Vic. Tumango lang si Kim at nagbigay ng huling sulyap sa bagong tahanan ni Mela. Wala na syang mailuluha. Hindi pa man nya tanggap pero alam nyang wala na syang magagawa. Dead end na kung baga. And now, she must face the cruel world alone and it scares her a lot dahil nasanay syang laging may Mela sa tabi nya.

That night pumunta si Cienne sa bar. Nagbabakasakaling nandoon si Kim. Pero si Vic lang ang kanyang nadatnan.
"Vic hindi pumasok si Kim?" Tanong nya dito matapos yakapin ang kaibigan.
"Ahh no. Sabi nya gusto nya muna mapag isa at mag stay sa bahay kahit ilang araw lang." Sagot naman ni Vic na abalang pumipirma ng mga post dated checks.
"Hmm sige pala una narin ako. Hindi na kita istorbohin." Sabi nalang ni Cienne.
"Cienne? Baka gusto mong puntahan si Kim sa bahay nya to check if she's ok lang?" Sabi ni Vic at binuksan ang drawer sa harap ng kanyang table, kinuha ang isang susi at inabot sa kanya.
"Duplicate key yan ng bahay ni Kim." Sabi pa nito at ngumiti kay Cienne. Tinanggap naman niya ito pero nagdadalawang isip kung pupunta ba sya o hindi. Natatakot kasi syang baka ipagtabuyan lang ni Kim dahil gusto nga nitong mapag isa muna.
"I'll go ahead na Vic. Tignan ko kung mapuntahan ko sya ngayon. Dadaan pa kasi ako kay ate Cha." Rason ni Cienne.

Habang abala ang isipan ni Cienne sa mga bagay bagay na gumugulo sa kanyang utak, para namang may mga sariling pag iisip ang kanyang mga paa at kamay. Nagulat pa sya ng huminto ang kanyang sasakyan sa tapat mismo ng bahay ni Kim. Madilim ang paligid, nakalimutan marahil ni Kim buksan ang ilaw sa labas ng bahay. Lakas loob na lumabas ng sasakyan si Cienne. Nakita niyang nakaawang ang gate. Nakalimutan ding isara. Hindi na naisip ang maaaring mangyaring kapahamakan sakaling may masamang loob na makakitang nakatiwangwang lang ang bahay na ito. Dali daling pumasok si Cienne at isinara ang gate. Sinubukan munang ipihit ang doorknob, baka pati ito ay bukas din. Nagpapasalamat sya at nakalocked naman ito. Kinuha nya ang susi sa bag at dahan dahang binuksan ang pinto. Madilim ang buong bahay. Tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nagsisilbing liwanag sa loob. Huminga ng malalim si Cienne bago tumungo sa kwarto ni Kim na bukas din ang pinto. Amoy na amoy ni Cienne ang alak sa loob ng kwarto, natisod pa sya sa isang bote na nasa lapag. Kung ilang bote ang nandoon ay hindi nya na alintana dahil nagawi na ang kanyang mga mata sa katawan na nakabaluktot na parang bola sa kama. Nilapitan nya ito at niyakap sa likudan. Awang awa sa kaibigan.
"I'm not here to comfort you, only time will do that." Bulong ni Cienne.
"Gusto ko lang malaman mo na kahit anong mangyari, nandidito lang ako palagi para sayo." Sabi pa nito.
"Kim it breaks my heart seeing you like this. Bilisan mong maghilom Kim dahil marami pang nagmamahal sayo. Marami pang masasayang pagkakataon ang darating sa buhay mo if you will just let me.... please Kim, open your heart to me. Hihintayin kita." Hinalikan nya sa pisngi si Kim. Tatayo na sana sya para umuwi pero biglang hinawakan ni Kim ang kanyang braso na nakayakap pa rito.
"Stay.... Please kahit ngayon lang. Stay with me." Sabi nito.
Niyakap nalang ni Cienne si Kim ng mas mahigpit. Paano nya matatanggihan ang taong ito, gayong alam nya sa sarili na lahat kaya nyang gawin basta sabihin lang nito.

Madaling araw at pauwi na ng bahay si Vic. Habang nagdadrive ay nireplayan nya ang message ni Camille. Nag aalala kasi ito at hindi nya matawagan si Cienne. Sinabi nalang niya na nasa bahay ito ni Kim kahit hindi nya sigurado kung nagpunta nga ito doon. Dumaan narin muna si Vic sa chowking ng makita nyang open na ito. Umorder nalang sya ng breakfast para sa kanilang dalawa ni Shiela. Naisip nyang masyado syang naging abala ng mga nakaraang linggo at medyo nawalan sya ng oras para kay Shiela. It's time to make it up to her. Mamaya ay kakausapin nya ito at sasabihin ang planong out of town para sa kanilang dalawa. She will make her choose kung sa boracay or sa palawan dahil beach baby ang kanyang mahal at tiyak na matutuwa ito sa kanyang alok. Vic's heart is thumping to her idea, naeexcite sya at medyo kinakabahan. Kung bakit kinakabahan ay hindi nya alam. Sa loob loob nya, bahala na, starting right now ay bibigyan nya na ng enough attention si Shiela because she deserves it and nothing less.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon