PERFECT TWO... (Well almost)

1.2K 11 0
                                    

"Ano padating na daw ba sila?" Tanong ni Vic kay Kim habang abala sa pagtuturo sa bago nilang bartender. Apat na tAon ng magkasosyo si Vic at Kim dito sa restobar nila at isang beses kada buwan ay dito na nakagawian ng mga bullies na magbonding.
"Eh nagmessage si Cams on the way na daw sila ni Cienne"
sagot naman ni Kim. Ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mika.
"Ui mga wafz na miss ko kayo!"
Sabay hug kay Kim.
"Ako wala bang hug?" Ang sabi ni Vic. "Eh pumunta ka kaya dito, alangan ako pa ang pumunta dyan sayo heheh" ngiti ni Mika kay Vic.
Biglang bumukas ulit ang pinto at ang kambal parang may pinagtatalunan. "Hay nako etong si Cams wala sa sarili, naticketan tuloy kami ng buwaya hmp!" Mabilis na sabi ni Cienne habang isa isang yinakap ang mga kaibigan.
Napatawa nalang silang lahat at napakamot ng ulo si Cams.
"San ba table natin?" Tanong ni Cienne.
"Ayon sa right side corner. What do you prepare girls, cocktail, hard or beer?" Tanong ni kim.
"Pwede bang kumain muna gutom na ako di pa ko naglunch kanina. " sabi nman ni Mika.
"Ako gusto ko hard..Black coffee. Lol!" panloloko ni Camz.
Napansin naman ni Vic na wala pa si Carol kaya "Camz si Carol ba hindi darating?"
"Hmm wag mo na asahan Vic, may atraso nanaman yon na tinataguan" sabi ni Camz.
"So nasa bahay mo sya right now?" Tanong ni mika habang kumakain ng green olives na pulutan sana nila mamaya.
"Ano pa nga ba, don nman ang lungga ng daga pag may naghahabol na pusa hahaha!!!" Tawang malakas ni Cienne. Sabay ng pagdating ng waiter para ilapag sa mesa ang pinahandang pagkain ni Vic sa mga kaibigan. "Bilisan nyong kumain mga ladies at kanina pa ko nauuhaw. " sabi ba naman agad ni kim eh hindi pa nga sila nakakasubo.
"Ano naman koneksyon ng pagkain namin sa uhaw mo? Kami ba ang iinom para sayo? Lunurin kita ng alak dyan eh. " saad ni Cienne.
"Wow grabe hard! Hindi nya kasi ako mahal hehehe!" Pagbibiro ni kim na ikinatahimik ng lahat.
Nagpatuloy nalang sila sa pagkain hanggang matapos at nagpalabas na si Vic ng isang bote ng tequila, salt and lemon.
Lumipas ang apat na oras na hindi nila namamalayan dahil sa sobrang saya ng kanilang kwentuhan. Tumba na ang dalawang bote ng tequila at nagbebeer nalang sila dahil pauwi narin naman sila pagtapos ng tag iisang bote nila. "Kimtot kamusta nga pala si Mela? Ilang buwan narin syang di nagpapakita samin ah... "
"Ok lang sya Miks, mas lalo kasing naging busy. Sya na naghahandle ng business ng parents nya ngayon eh. "
"Bigtime na pala si Fo ah" sabat ni Vic
"Not as bigtime as Carol pare, biruin mo hindi na nagtratrabaho pero sumusweldo parin hahaha.... " saad ni Kim.
"Kamusta naman yung pastry shop nyo kambal? Bat kasi ayaw nyo pa imanage yung chinese resto nyo mas ok yon"
"Eh kaya na ni ate Cha yon mag isa. " sagot ni Camz
Nang biglang nagsuka si Mika. Patayo na sana sya para ihabol sa banyo pero hindi na nya kinaya.
"eeiiiwww, yuck Mikz pati sakin tumalsik. " nandidiring sabi ni Cienne.
"Sandali Miks kuha ako ng face towel tsaka tshirt ko sa cabinet para makapagpalit ka" sabay alis ni Vic papuntang office room nila ni Kim.
"Guys sorry ha, biglang hinalukay yung tyan ko. Shet tinamaan na yata ako"
Tamang balik ni Vic "Oh Miks punta na sa banyo dali, ayusin mo na sarili mo. Ihahatid nalang kita sa bahay mo. Ako na magdrive ng car mo iwan nalang dito yung sakin. "
Nagpaalam na ang lahat sa isat isa. Till next month nanaman ulit sabi ni Camz at nagsilabasan na sila maliban kay Vic na hinihintay pa si Mika at sya nalang din daw ang magsasara ng bar kaya nauna na din si Kim.
Habang nagdadrive si Vic ay napapatingin sya kay Mika na nakatulog na sa passenger's seat. Kinuha ni Vic ang cellphone nya at may tinawagan
"Hello"
"Hello babe! Pauwi kana ba?"
"Yup babe pero i'm driving home Mika first. Medyo nalasing eh. "
"Ah ok babe, tatayo narin ako to cook breakfast para kain ka muna maya bago mag sleep. "
"Ok po" then inoff na ni Vic ang phone nya, malapit narin naman na sila sa bahay ni Mika.
Pinatay na ni Vic ang engine bago nya niyugyog ng bahagya para gisingin si Mika.
"Miks dito na tayo, gising kana."
"Maya na Vic please hilo pa ako eh."
"Eh Miks hinihintay na kasi ako ni Shiela."
Bigla namang naalimpungatan si Mika sa narinig nya kaya dali daling tumayo at lumabas sa sasakyan.
"Ah Vic thank you for dropping me home. Gusto mo muna ba pumasok? Care to have some coffee with me?"
"Next time siguro Miks, magcocomute pa kasi ako, iniwan ko na yung car ko eh."
"Hm ok. Thank you anyway naabala pa kita."
"Hahah! Para namang first time mo lang akong naabala. Sige na pasok kana."
Tumalikod na si Mika at naglakad papuntang pinto.
"Ah Miks..."
biglang harap ni Mika "Yes Vic?"
"Yung key ng car mo tsaka yung bag mo don't forget to bring inside din."
"Aw shoot, sleepy na talaga ko." Bumalik ulit sya sa car para kunin gamit nya then locked the car's door.
"So pano i got to go na ha? Idouble lock mo yung pinto. Mag isa ka lang yata ngayon." Saad pa ni Vic bago tuluyan ng umalis.
"Ingat ka!" Pahabol ni Mika.
Ngumiti nlang si Vic at nag wave ng kamay nya.
Pagpasok ni Mika nilock nya na ang pinto at sumandal muna sa pintuan.
"Ahhh! Ano ba gagawin ko? 5 in the morning na pala. Tama, shower nalang muna ko. Grabe amoy sa katawan ko yung nilabas ko kanina. Malamang nagsaya ang mga pato kung nataon na napagala sila sa bar hahah!"
Dali daling nagpunta ng banyo si Mika at naligo. Nang natapos na, chineck nya kung may schedule sya for photo shoot. "Tamang tama libre, i have all the day to sleep."
Papasok na sana sya ng bedroom ng magring ang cellphone nya.
"Sino namang istorbo ito at pagkaaga agang tumatawag."
dinampot nya ang telepono sa table at nakita nya sa caller ID ay MAMA kaya agad nyang sinagot.
"Oh ma, napatawag ka?"
"Morning anak. Ireremind ko lang sayo tonight ang arrival ni Kiefer, why don't you bring him to some fine cozy restaurant iha?"
"Ma secretary na pala kayo ni Kief ngayon at alam nyo na mga sched nya hahah!!"
"Mika alagaan mo naman ang asawa mo."
"Correction ma, kalived-in at hindi pa asawa."
Biglang nanahimik sa kabilang linya kaya napabuntong hininga nalang si Mika.
"Ok ma ganito nalang, puyat po kasi ako so i really need some sleep. Bakit di nalang po kayo ang magpareserve ng table for two tapos imessage nyo nlang sakin kung saan para when i fetch Kief sa airport eh diretso na kami don. Good idea diba ma?"
"Oh sya, ikaw talagang bata ka oo. Matulog kana nga."
"I love you ma!" Then pinatay na ni Mika ang phone nya.
Nahiga sa king size bed at agaran ng nakatulog.
Pagdating naman ni Vic sa bahay ay niyakap agad sya ni Shiela.
"Hmm nandito na ang babe ko, musta ang sessions with the bullies? Tara na sa kitchen at kumain na tayo, nahanda ko na ang breakfast babe."
"Ayos naman, masaya. Ayon nalasing yung isa."
"Bakit may problema ba yon?"
"Wala naman siguro, nasobrahan lang inom kasi nag enjoy." Hanggang sa matapos silang kumain na nagkwekwentuhan.
"Ano babe pahinga kana? Pasok narin ako sa office may kliyente ako na imimeet ng maaga eh."
"Ok babe, palit lang ako damit then tulog na. Ingat ka magdrive ha?"
"Yes babe. I love you Victonara ko!"
Nag ayos narin ng sarili si Shiela at hindi na inistorbo si Vic umalis na sya.
Magtatakip silim na ng magising si mika kaya napabalikwas sya at nagmamadaling nagbihis. Tinignan nya ang message ng mama nya habang umiinom ng kape. Kinuha na ang car key at tuluyan ng lumabas para sunduin si Kiefer. Pagdating nya ng airport ay nakita nyang nakatayo na at naghihintay si Kiefer sa arrival area. Pinuntahan nya ito. Huminto sya sa tapat ni Kiefer at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Get in bilis!" Sabi ni Mika at agad namang sumakay si Kief at pinaandar na ni mika ang sasakyan.
"I miss you so much honey, Mika my darling!"
"I miss you too hon. So how's the flight?"
"Ok naman. Naisara ko na ang deal sa isang client. Si dad na bahala sa mga signing of papers kaya nauna nako umuwi."
"That's good hon. Gutom kana ba? Diretso na tayo sa resto kung san nagpareserved si mama for us ha?"
"That would be fine hon. Oo medyo gutom na nga ako."
Masaya si Mika at may kasama nanaman sya. Ganito palagi ang sitwasyon nilang dalawa. Lagi kasing umaalis si Kief para sa mga business meetings and deals na madalas ay sa labas ng bansa. Nasanay narin siguro. Tatlong taon narin silang nagsasama sa iisang bahay. Para kay Mika mas ok ang set up nilang ganito for now kasi pareho din naman silang busy sa kanya kanyang trabaho.
Meanwhile sa bahay ni Camz.
"Camz di mo man lang ba ako yayayain mag dinner bago ko umalis?"
"Hay naku Carol lahat nalang inasa mo na sa akin. Tignan mo hindi nanaman ako nakapasok sa trabaho today. Tatalakan nnman ako ni kambal nyan. Buset ka!"
"Hahaha!!! Ang sweet mo talaga Camz."
"Alis na, tsupe at wag ka ng babalik ha! Ginagawa mong taguan tong bahay ko."
"Oo na aalis na nga oh. Love you Camz! Sa uulitin ha?" Papreskong sabi ni Carol at lumabas na para umuwi sa condo nya.
Habang nakahinto si Carol sa pagdadrive at hinihintay ang green light ay may nakita syang isang pamilyar na tao na may kasamang papasok sa isang mamahaling restaurant. Kinuha nya ang cellphone at dinail ang numerong kabisadong kabisado nya.
"Dad? Where are you?"
"Im in a middle of important meeting iha. Bakit?"
"Ah, wala lang. Kameeting mo ba eh isang kasing edad kong babae na mukhang model ng birth control pills?"
"Abay tarantado ka talagang bata ka!"
Palinga linga ang ama ni Carol at parang may hinahanap.
Napa smirk si Carol at bago pa nag green light ay ibinaba nya ang window sa driver's side ng sasakyan at shock ang ama. Pinaharurot na nya ang sasakyan at bago pinatay ang cellphone ay
"Dad bayaran mo yung utang ko sa casino ha? Sinisingil na ako eh. Namiss ko na si mom so i might try to visit her tomorrow sa bahay. Thanks dad!" End of conversation.
Isang linggo ang lumipas....
Sa bar ay dagsa ang tao ngayong gabi. Pati sila Vic at Kim ay tumutulong narin para mapabilis ang trabaho. Sinenyasan ni Kim si Vic na punta muna sila sa office kaya dumiretso na si Vic at sumunod si Kim.
"Par, Vic sensya na ha tumawag si Mela eh uwi daw ako ng maaga ngayon so mga 9 pm alis nako ha? Bahala kana muna dito."
"Sure pare. Basta tomorrow night ako naman maaga uwi ha? Gusto daw ni Shiela magsabay kami dinner. Magkasama nga sa iisang bahay pero halos di naman daw kami nagkakatagpo. Mimiss nya na daw ako hehehe!!" Tawa ni Vic
"Oh eh di second honeymoon na yan?" Loko naman ni Kim.
"Bakit kayo ba ni Mela pang ilang honeymoon nyo na tonight? Kunwaring nag isip si Kim at "Hmm malamang sa malamang hindi pa naman lalagpas sa dami ng honeymoon nyo ni Shiela whahahah!!! So pano alis nako."
"K, ingat wafz. Regards kay Fo."
Pag uwi ni Kim sa bahay nadatnan nya si Mela sa sala na nanonood ng news sa tv.
"Oh sweety nandito kana pala."
Itinaas lang ni Kim ang susi ng bahay na parang sinasabing di na nya kailangang magdoorbell pa at may susi naman sya.
"Regards daw sabi ni Vic." Sabi ni Kim habang naglalakad papuntang kusina. Sumunod naman si Mela.
"Sandali sweet iinit ko muna pagkain, lumamig na kasi. Hugas kana ng kamay mo then maupo kana." Na sinunod naman ni Kim.
Habang kumakain ay nag uusap sila. Nang matapos ay naligo na at tabing nahiga sa kama. Yumakap si Mela kay Kim at umunan sa kaliwang braso ni Kim.
"Sweet sasamahan mo ba ko bukas sa doctor's check up ko? 9 am po iyon." Sabi ni Mela.
"Oo naman sweety." Sabay halik sa noo ni Mela.
"Goodnight sweet. Mahal na mahal kita." Bulong ni Mela sa tenga ni kim.
"Mahal na mahal din kit Mela." At natulog na sila.
Kinaumagahan....
"Hello Kief hon?"
"Oh hon napatawag ka. Something's wrong ba?"
"No hon everything's fine with me pero si mama kasi tumawag, dadaan daw sila ni tita sa bahay natin tonight. Can you make it for dinner ba? Mga 7pm."
"Ofcourse hon. I'll be home by then."
"So order nalang tayo ng food sa resto ha kasi di nako makakaluto mamaya eh. 4:30 pm pa kc tapos ng photoshoot ko."
"No problem with me." Sagot naman ni kiefer.
"Ok hon. Got to go. See you tonight. Love you." Inoff na ni Mika ang phone nya.
That night...
"Kief hon padating na daw sila mama, naayos ko narin yung table baba kana dito." Sigaw ni mika.
"Coming!" Habang bumababa ng hagdan si Kief. Maya maya ay may nagdoorbell na.
"Ako na magbubukas Miks." Pagbukas ng pinto ay sinalubong agad ng yakap ng mama ni Mika si Kief.
"Iho kamusta? Meet your tita Susan. Tomorrow morning flight nya pabalik ng Canada eh so sabi ko daan muna kami dito."
"Hello nice to meet you iho. Well namiss ko rin yung pamangkin kong si Mika, almost 8 years ko na sya di nakita." Sabi ng auntie
"Wow tita you never aged a bit, walang binagbago lalo ka pang sumexy" sabi ni mika papalapit sa auntie niya to give a hug.
"Tuloy po kayo. Naprepare na ni Miks yung dinner kayo nlang po talaga hinihintay namin.... "
"Call me tita narin iho" baling ng auntie kay kief
Ng matapos sila magdinner ay naupo muna sila sa sala at nag offer naman si Mika ng peach flavored tea.
"Ang sabi ni bhaby hindi pa daw kayo kasal? So kelan ang balak nyo para naman makauwi ako ulit dito sa pinas." Basag ng aunti sa katahimikan.
Si kief ang sumagot
"Eh tita sakin kasi anytime na sabihin ni mika na gusto nya na magpakasal right away po papakasalan ko sya heheh."
"Tita wala pa po kasi sa plano. " Sabat naman ni Mika.
Bigla ng nag aya si bhaby sa pinsan nito at masyado naraw silang ginabi. Sayang naman daw ang room reservation nila sa century park hotel kung ilang oras lang ilalagi nila.
"Thank you for visiting us tita, ma. welcome po kayo always dito sa bahay namin ni Mika"
Nang makaalis ang dalawa...
"So hanggang kelan ka walang plano magpakasal Mika?" Tanong ni kief na nakayuko at ikinalukot ng noo ni Mika.
"Kief sigurado naman na sa panahon na yon ikaw at ikaw lang din pakakasalan ko, wag masyadong atat!" Sabay akyat papuntang kwarto.
Same time that night kauuwi lang din ni Cienne sa bahay. Pagbukas na pagbukas palang nya ng pinto...
"San ka galing mas nauna pako sayo nakauwi." Bungad agad ni Van.
"Sa trabaho, overtime. May tinapos kami ni Camz na mga deliveries."
"Sigurado ka ha?" Tanong ni Van na may hawak ng bote ng beer.
"Van not now ok. Pagod ako i just want to rest. " Dumiretso na si cienne sa banyo.
Samantalang....
"Kim wafz ikaw na bahala dito ha?"
"Oo oo na shooo! Bilisan mo baka mapalo kana ni Shiela"
"Bye" yan nalang nasabi ni vic sa sobrang pagmamadali.
Nang medyo malapit na sya sa bahay nila tumawag si Vic
"Hello babe what time ka ba darating?"
"I'm on my way na babe. What's for dinner ba?"
"I just cooked sinigang na sugpo at bistek tagalog. Then i baked banana cake and blueberry muffin. Come hurry home babe miss miss you na so much eh."
"3 mins. Nandyan nako. Sandali ibaba ko muna sa kanto tong sexy chick na kasama ko baka awayin mo eh."
"Whehehe patawa ka Victonara Galang! Isama mo nga dito at ng mailampaso ko hahaha!!!"
"I love you Shiela Pineda!" Pinatay na ni Vic dahil nasa tapat na sya ng bahay nila.
Pagpasok nya...
"Wooohooo amoy palang ng pagkain nakakabusog na. Swerte ko talaga sayo babe." Banat ni Vic
"Happy 5th year anniversary babe!" Sabay yakap at halik ni Shiela sa lips ni Vic.
Busog na busog si Vic sa sobrang dami nyang nakain. Ng malapit ng magmidnight ay nag aya na si shiela sa bedroom.
"Vic shower together?" In shiela's flirty tone.
"Hmm you go ahead, sunod ako. Ubusin ko lang tong beer."
Matapos nilang sabay maligo at magbihis ng pantulog, usually mga old shirt ang gamit ni Vic na pantulog then boxer short. Si Shiela naman ay mahilig sa silk sexy lingerie.
"Vic happy?"
"Very happy." Sagot ni Vic sabay smack sa lips ni Shiela
"Mahal na mahal kita Vic. Babe can we stay like this forever?"
"Mahal na mahal din kita Shiela. Sapat na sakin yung alam kong palagi kang nandyan sa tabi ko. Hanggat ako lang ang binibigyan mo ng karapatan na mag may ari ng puso mo, you can keep me forever and i assure you hinding hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasakit ng damdamin mo." hinigpitan ni Vic ang pagkakayakap nya kay Shiela hanggang parehong makatulog na sa ganoong posisyon.
Alas 3 ng madaling araw ng makauwi si Kim sa bahay. Si Mela nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro.
"Bat gising ka pa sweet?"
"Hinihintay kita sweety. Di ako makatulog."sagot ni Mela.
Napailing nalang si Kim. Si Mela yung tipo ng taong sa umaga isang mabangis na tigre at sa gabi naman ay isang maamong kuting. Maraming kinatatakutan sa buhay si Mela at ang nag iisang taong nagbibigay ng lakas para sa kanya ay si Kim. Nang makapagbihis ng pantulog si Kim ay tumabi na sya kay Mela sa bed. Ibinaba na ni Mela sa side table ang book at pinatay ang lampshade. Humarap sya kay Kim at ikinulong sa dalawang palad nya ang magkabilaang pisngi ni Kim.
"Kimtot, sweet..."
"Hmm???"
"Salamat na kahit pagod na pagod kana eh lagi mo parin akong inaalagaan, iniintindi... pinapasaya.... minamahal."
Humalik sa ilong ni Mela si Kim bago nagsalita "Everything for my Mela. Hanggat kaya ko... hanggat alam kong napapasaya pa kita... na ako parin yung pinaghuhugutan mo ng lakas para magkaron ng tiwala sa sarili mo na kaya mo, na matapang ka. I will never give up on you Mela. Mamahalin kita ng panghabang buhay Mo".
"I swear to God Mela". Dagdag pa ni Kim.
Humalik na si Mela sa lips ni Kim and say goodnight at tumalikod na. Yumakap naman si Kim sa likod ni Mela to let her feel na she is always safe in Kim's arms. Kasabay ng pagpikit ng mata ni Kim ay pagpatak naman ng luha sa mga mata ni Mela....
*************************************
End of chapter 1

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon