FEARLESS

511 9 4
                                    

"Cienne, balikan natin yung panahon na sampung taong gulang ka pa lamang, meron kang isang bagay na gustong gusto pero hindi mo nakuha. Ano ito?" Tanong ni Dr. Fernandez.
First stage palang sila ng therapy kaya inaalam ng Dr. kung paano at kailan ba nagsimula ang pananakit ni Cienne sa sarili.
"Gusto kong magpabili ng dollhouse kay daddy. Nakita ko ito sa window ng isang toy store." Saad ni Cienne.
"Anong naramdaman mo nung una mo itong makita?" Tanong ulit ng Dr.
"Naramdaman kong para sa akin ito, sa akin lang at hindi pwede mapunta sa iba." sagot ni Cienne.
"Binili ba ng daddy mo ang dollhouse para sayo?" Sunod na tanong kay Cienne.
"Hi..hindi. Ayaw ni mommy. Masyado daw mahal." Sagot ulit ni Cienne.
"Anong nangyari pag uwi nyo ng bahay?" Dirediretsong tanong parin ng Dr.
"Masama loob ko kay mommy kaya hindi ako kumain ng panggabihan. Pinagalitan nya ako, wag daw ako tatayo hanggat hindi ko kinakain ang pagkain ko. Sabi ni daddy bibilihin namin bukas pero nag away na sila ni mommy. Pero gusto ko yung dollhouse na iyon. Sa akin yon!" Salaysay ni Cienne. May galit sa huling salitang binitiwan nya.
"Ang dollhouse na gusto mo ang naging dahilan ng pag aaway ng parents mo, anong ginawa mo Cienne?" Tanong pa ng Dr.
"Nanlamig ang buo kong katawan tapos... tapos wala nako maramdaman. Namamanhid ako. Natakot ako. Kaya ininom ko ang tubig na nasa baso sa harapan ko. Dugo! Nakita kong may humalong dugo sa tubig. Sumigaw si Camille. Tarantang pumunta si daddy sa amin. Pilit nyang kinukuha ang baso sa akin na nasa bibig ko parin. Wala akong maramdaman.... wala!!!" Sigaw ni Cienne sa Dr.
"Pagbilang ko ng tatlo kailangan bumalik kana sa kasalukuyan Cienne. Isa...dalawa...tatlo..." kasabay ng pagpitik ng Dr. ay parang natauhan at nagising si Cienne sa isang mahimbing na pagtulog.
"Extreme obssesssion. Yan ang dahilan ng pananakit mo sa sarili. Hindi mo matanggap na hindi mapunta sa iyo ang bagay na gusto mo." Saad ng Dr.
"Doc will i overcome this?" Tanong ni Cienne at ngumiti si Dr. Fernandez.
"Ofcourse iha. That's why you are here right now. First you have to willingly undergo all the process to heal you. You have to accept that you are sick and i am here to help you. Step by step tayo.This is it for now. See you on your next schedule. Good day Cienne." Tumayo na si Dr fernandez para ihatid palabas si Cienne.
"Thank you doc." Cienne said before she walks out from the Doctor's office.

Nagdadrive na si Cienne papunta sa pastry shop. Dito na sya didiretso at naghihintay na si Camille sa kanya. Wala syang natatandaan sa mga pag uusap nila ng Doctor pero naramdaman nyang masakit ang labi nya kaya kinapa nya ito. Pagtingin nya sa daliri may bahid ito ng dugo. She bit her lower lip pala kanina at hindi nya ito namalayan.
"Shit the broken glass! Yun siguro topic, yung basong kinagat ko dati." Isip isip ni Cienne at hindi naman sya nagkamali.

Pagpasok nya ng shop ay sinalubong agad sya ni Camille.
"How was it Kambal?" Tanong agad ni Camille. Tinutukoy ang session ni Cienne sa Doctor nya.
"So far so good naman." Ngumiti si Cienne and drop her bag sa isang upuan.
Niyakap nya si Camille. Yakap na mahigpit. Nanghihina ang katawan nya at umaasa syang baka sa yakap na ito ay mabigyan sya ng konting lakas ng kapatid.
"Are you scared Cienne?" Nag aalalang tanong ni Camille. Umiling si Cienne.
"No Camz. I.. i just want to feel that i am not alone with this. Makakaya ko to, magbabago ako." Saad ni Cienne na nakayakap parin.
"We are always here for you kambal. You've got to try harder Cienne and whatever the outcome might be, lagi mo lang tatandaang mahal na mahal ka namin at hindi magbabago yon." Sabi naman ni Camille.
Kumawala lang sila sa pagkakayakap ng magring ang cellphone ni Cienne. Kinuha nya ito at nakitang tumatawag sa kanya si Mela.
"I have to answer this kambal, don muna ko sa office ha?" At nagtungo na nga sya sa kanilang maliit na opisina.

"Hello Mela?" Bungad ni Cienne. Hininaan nya ang boses nya para di marinig ni Camille.
"Cienne i want you to be our wedding planner.... i won't take a NO for an answer. Just a simple wedding Cienne. Bahala ka na kung saan but i want it to be done as soon as possible. You have two months to prepare." Mabilis na sabi ni Mela.
"Wait...what? ako? Why me?" Tanong ni Cienne, nabigla sa sinabi ni Mela.
"Your idea remember? Ikaw may gusto na magpakasal kami ni Kim kaya ikaw narin ang incharge sa preparations. Cienne please....." sabi sa kabilang linya.
"Sinabi mo na ba sa kanya na pumapayag kana?" Tanong ni Cienne.
"Hindi pa. But i will tell her tonight. Cienne???"
"Hmm... ano yon Mela?"
"Thank you." At nawala na si Mela sa linya. Napabuntong hininga na lamang si Cienne. Kailangan nyang kumalma. Mag isip kung ano at saan magsisimula. Kim and Mela getting married... kaya ba nyang makita? She didn't quite sure kung bakit ba nya hiniling kay Mela na pakasalan si Kim. Is it connected sa obssession parin ba na issue sa pagkatao nya? Kung obssess sya kay Kim bakit hiniling nyang tuluyang makasal ito kay Mela? Isa lang ang alam nyang rason sa pagpayag nya; dahil si Mela lang ang nag iisang tao na handang ibigay ang pinakaaasam nya na pag aari nito at ang hinihingi lang na kapalit ay alagaan, pasayahin at mahalin ito.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon