THIS IS MY NOW

537 9 0
                                    

Anim na buwan na ang nakakaraan simula nung umalis si Camille. Nagkikita parin naman once a month ang magkakaibigan pero mas mainam daw na hindi na muna pag usapan si Camille o kaya'y makibalita tungkol sa kanya. Yan ang request ni Cienne sa mga kaibigan. Si Kim ng mga ilang buwan na ay parang laging aligaga sa sarili, pag tinatanong palaging ok lang ako ang sagot. Madalas hindi na naglalagi sa bar kaya si Vic na halos ang umako ng responsibilidad sa bar. Mukhang ok lang naman kay Shiela, sobrang napakamaintindihing partner kay Vic. Si Carol, ayon hiyang na hiyang sa kompanya ng daddy nya. Mukha na talagang tao kumpara sa dati nyang itsura na daig pa ang tambay sa kanto. Si Mika naman ganon parin, sala sa init sala sa lamig. Nasa kanya na lahat pero may kulang parin. At si Cienne pag kaharap ang mga kaibigan sya ang nagiging clown. Pinangatawanan na nya para naman daw happy moments parin kahit kulang sila.

"Im back bruh!" Message ni Jessy na ikina excite ni Mika kaya tinawagan nya agad ito.
"Hello bestfriend welcome back! So kelan ka pa dumating?" Tanong ni Mika na tuwang tuwa.
"Yesterday night besty ofcourse with my loving Ria hahaha!!!!" Tawang wagas ni Jessy.
"Ay anglande parin hihihi! I miss you so much bruha ka!" Saad ni mika.
"Any plans tomorrow after lunch bruh?" Tanong ni Jessy.
"Hmm wala, stay lang sa bahay. Last photoshoot ko today para sa isang swimwear company." Sagot ni Mika habang nagpapalit ng two-piece bikini.
"Perfect! So see you tomorrow?" Si Jessy.
"Sure bruh. Message mo nalang exact place and time ok? Got to go na bestfriend, aayusan pako eh." Nakangiting pinatay ni Mika ang phone nya.

Late night na natapos ang photoshoot kaya halos midnight na nakauwi ng bahay si Mika. Nadatnan nyang busy sa mga papeles na binabasa si Kiefer. Niyakap nya ito sa likod tsaka hinalikan sa pisngi.
"Hon hanggang dito ba naman sa bahay papeles parin yang mga pinagkakaabalahan mo..." sabi ni Mika, patungong ref para kumuha ng maiinom.
"Sandali nalang to Hon. Kumain kana ba? Nag order nalang ako ng pizza kanina. Gusto mo ba? May tinira ko para sayo." Sabi ni Kiefer habang nakangudngod parin sa mga binabasa.
"No thanks. Shower nalang muna ko then pahinga na." Tugon ni Mika.
"Ay hon bukas nga pala i'll be meeting Jessy. Dumating sya kahapon eh. Pwede bang di nako sumama sayo sa family dinner nyo?"
Napakamot nalang si kiefer sa kanang kilay nya sa tanong ni Mika.
"Si..sige. Sabihin ko nalang kanila mom and dad you're not feeling well. But next time Miks you need to come na sa mga family gatherings." Sabi nalang ni Kiefer.
"Bukas lang naman ako di makakadalo Kief..." at pumunta na sa kwarto.

Kinatanghalian nga ay nagkita na ang magbesfriend sa ibinigay na lokasyon ni Jessy.
"Miks dito!" Sigaw at kaway ni Jessy ng makitang papasok na ang kaibigan. Wala namang masyadong tao pero pinili parin ni Jessy ang pinakadulong table.
"Langya! Hanggang ngayon cheap ka parin bruha ka. Dito mo ko ide-date sa carinderia ni Aling Pacing? Wow talaga Jessy!" Sabi ni Mika at hinila ang isang silya para upuan.
"Hahaha!!! Eh san mo gusto, sa boyfriend mong bubuyog o di kaya sa sirenang adik sa kape? Masarap kaya halo-halo ni Aling Pacing... Namiss ko eh." Si Jessy habang naghahanap ng order sa menu.
Hinablot ni Mika ang menu kay Jessy at inilapag ito sa mesa.
"Aling Pacing dalawang halo-halo po!" Sigaw ni Mika. Inilapit nya ang mukha kay Jessy "Ang sabihin mo kinikilig ka parin sa lugar na to dahil sa halo-halo ni Aling Pacing eh napasagot ka ni Ria whahahah!!!" Tawang malupit ni Mika, labas lahat ng cute na ngipin nya.
"Oo na, sige ikaw na ang tama. Don't worry Miks mayang dinner i'll treat you sa Korean resto para naman wala kang masabi noh!" Kunwaring irap ni Jessy.
"Oh mga ineng eto na special halo-halo nyo. Naku anlalaki nyo na talaga!!! Buti naaalala nyo pa pumunta dito." Si aling Pacing na halos tumalsik ang mga laway sa sobrang tuwa na nakita ulit sila.
"Salamat po, pero matagal na po kaming malaki aling Pacing. Ganito napo ako katangkad dati at si Jessy ganito narin po sya kasing chopstick noon pa." biro ni Mika sa matanda
"Naku ikaw talagang bata ka, palabiro ka parin. Sya maiwan ko na kayo at may niluluto pa ko. Enjoy your halo-halo mga ineng." Umalis na ang matanda sa table nila.
"Bakit di mo sinama si Ria?" Tanong ni Mika
"Pumunta sa family nya, bumisita."
"Di parin ba ok sa kanila?"
"Di nako umaasa Miks. Basta mahal ako ni Ria at masaya kaming dalawa, ayos na sakin yon." Sagot ulit ni Jessy na ngumunguya ng yelo.
"Eh ikaw musta kayo ni Kiefer?" Tanong ni Jessy
"Ahm... we're fine. Meron ngang family dinner tonight but i told him dumating ka and i have to meet you today so ayon, pumayag naman sya." Saad ni Mika.
"Ah ok. Eh bat para kang nalugi sa itsura mo?" Tanong pa ni Jessy.
"Ofcourse not! Masaya kaya ako. Bleeh!" Belat ni Mika sa kaibigan na ikinatuwa ni Jessy dahil ganon na ganon parin si Mika. May pagka isip bata parin.
Nang maubos ang kinakain ay nag aya si Jessy na maglakad lakad muna. Napahinto sila sa isang park at umupo sa bench. Pinagmamasdan ang magandang kapaligiran.
"Miks! Naalala mo pa ba yung sabi mo sakin dati?"
"Ha? A..anong sinabi ko?" Kunot ang noo ni Mika
"Sabi mo pag naging architech na ko sakin ka magpapadesign at pagawa ng bahay mo. Tapos sa wall malapit sa main door instead na mirror ang ilalagay mo eh malaking picture frame ng lahat ng pictures nyo together with Vic." Si Jessy, pakumpas kumpas pa ng kamay.
"Bakit si Vic Miks?" Tanong pa ni Jessy.
"Ahh...ehh.. kasi.... kasi bestfriend ko sya. Tsaka... tsaka idol ko. Oo yun nga! Tama!" Awkward na sagot ni Mika. halos pagpawisan sya.
"Hallleeerrr! Eh bestfriend mo rin naman ako ah!" Sabay taas ng isang kilay ni Jessy.
"Oo nga, pero di naman kita idol eh hehehe!!!" Si Mika, pinapagaan ang usapan.
"Ang sama mo talaga Mika Reyes! I hate you na..." tampurorot ni Jessy.
"Eh ngayon kung igagawa parin kita ng bahay, kaninong pictures na ilalagay mo sa malaking frame na yon ha?" Curious masyado si Jessy.
Nag isip ng ilang segundo si Mika, "hmm... family ko Jess." Maikling sagot ni Mika.
"Bat hindi si Kiefer?" Sunod nyang tanong.
"Higit kanino pa man, family ko Jess ang pinakamahalaga sa akin. Kaya tama na ang tanong mo, kanina kapang bruha ka! Pansin ko ginigisa mo na ko." Naggalit galitan kuno si Mika.
"Ay Miks bago naman sana kami bumalik ni Ria sa Paris out of town naman tayo. Sabihan mo mga bullies. Bonding bonding tulad ng dati." Pag iiba ng usapan ni Jessy.
"Bruh maganda yang naisip mo. Sige sabihan ko sila. I'm sure maeexcite yung mga yon. Pero san naman?" Tanong ni Mika.
"Di ko pa lam eh, i'll let you know kung may naisip nakong lugar ok. So let's go na? Korean resto or sa eat all you can?" Sabay smirk ni Jessy dahil alam nyang isa sa weakness ni Mika ay pagkain. Pahihirapan nya munang mag isip at sumabog ang utak ni Mika.
"Jess di ako makapili, pwede ba puntahan nalang natin dalawa?" Pang aamo ni Mika sabay kindat sa kaibigan.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon