"Cienne wait! Bat umalis kana agad?" Tanong ni Vic ng maabutan nya si Cienne. Sinundan nya ito ng mapansin na wala na ito sa pwesto nya.
"Eh patapos naman na kaya punta nako sa reception area para sabihing magready na mga staff doon." Sabi ni Cienne habang mabilis na naglalakad.
"Are you crying ba?" Si Vic dahil napansin nyang iba ang tono ng pananalita ni Cienne at may papunas punas pa ito ng mukha gamit ang mga kamay.
"Hi...hindi. Napuwing lang mata ko sa buhangin." Kinusot kunwari ang kanyang mga mata.
"Weeehhhh.... di nga? Patingin nga?" Pinaharap sa kanya si Cienne at bigla nyang hinipan ang buong mukha neto kaya hinampas sya ni Cienne sa kaliwang balikat.
"Aray ko naman!" Reklamo ni Vic pero di mapigilan ang tumawa.
"Bakit mo ba ko sinundan? Maya nyan may magselos." Sabi ni Cienne. Natawa ulit si Vic.
"Nagpapatawa ka? Type kita?" Biro ni Vic dito.
"Cute na cute ka kaya dati sa singkit kong mata!" Sagot ni Cienne at kinurot pa sa tagiliran si Vic. Mas nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Vic.
"Hindi kaya ikaw! Si Camille ang cute noh." Alaska ni Vic dito.
"Pareho narin yon, magkamukha naman kami engot mo!" Sabay tawa rin nito.Pagdating nila sa reception area ay pinaready na ni Cienne ang lahat. Si Vic naman ay namili na ng pwesto para sa kanilang mga bullies and partners. It doesn't take long at naupo narin si Cienne sa table na pinili ni Vic.
"Wala ka bang kapaguran Cienne?" Tanong ni Vic habang minemessage si Shiela. Isinend nya ito bago tumingin kay Cienne.
"Pagod na pagod na Vic. Pagtapos naman nito makakapahinga na ko." At nagpakawala ng mahabang paghinga.
"Hindi naman itong wedding preparations ang tinutukoy ko, i'm talking about your feeling towards Kim." Saad ni Vic. Nalungkot ang mukha ni Cienne, hindi nya magawang tignan si Vic.
"May magagawa pa ba ako Vic, tell me?"
"So is it really goodbye na sa kabaliwan mo sa kanya?" Tanong din ni Vic. Para silang nag ha-heart to heart talk puro tanong nga lamang at bihira ang sagot. Pero para kay Cienne mahalagang bagay ito na may sandali silang dalawa ni Vic. Si Vic kasi yung kaibigan na tipong tahimik lamang. Yung akala mong wala lang syang pakealam pero bigla ka nalang nya bibigyan ng panahon dahil alam na alam nyang in that very moment, you need someone to lean on.
"Oh natameme ka na dyan. Goodbye na ba talaga ha Cienne?" Tanong ulit nito. At alam na alam ni Cienne kung bakit sya kinukulit ngayon nito. Hindi dahil sa gusto talaga nyang malaman ang sagot, kundi gusto nyang maging totoo si Cienne sa kung ano talaga ang nararamdaman. She trusted Vic that much, kaya binuka ni Cienne ang kanyang labi para sabihin ang laman ng isip nya...
"No Vic. No goodbyes. This is only the beginning...for me and Kim." Cienne dropped her head in the table, si Vic naman ay napasabunot na lamang sa sarili because she knew very well what Cienne was trying to say. Last night when she saw Mela, she had a hint but never say a thing. Cienne confirmed it to her just now. Kahit nga hindi direktang sinabi nito na may mabigat na karamdaman si Mela pero napagtagpi tagpi na ni Vic lahat ng pangyayari. Bago ulit makapag tanong si Vic ay isa isa ng nagsiratingan ang mga panauhin kaya itinikom nalang ang bibig.
"There they are!" Bulalas ni Shiela ng makita ang dalawa, hinila agad si Mika at Camille patungo sa kanila.Matapos ang kainan ay sinimulan na ang pakulo. Pinasayaw nila ang newly wed ng isang lovesong ni Dan Hill na pinamagatang Never Thought that I Could Love.
"Pagod na ba mga paa mo sweet?" Tanong ni kim ng nasa kalagitnaan na sila ng pagsasayaw. Nasa bewang ni Mela ang mga kamay ni Kim at si Mela naman ay nakayakap sa leeg ni Kim.
"Ok lang sweet, di pa naman masyado." Hinilig ni Mela ang kanyang ulo sa dibdib nito, ang kanang tenga ay nakatapat sa puso ni Kim.
"You are my dream, my love and my life... i couldn't asked for more Mela. Hey look at me. Look in to my eyes. Can you see it?" Sabi ni Kim. Tumingin naman si Mela sa mga mata ni Kim.
"Yes Sweety. nakikita ko.... may muta ka!" Biro ni Mela.
"Naman sweet. di naman yan yung gusto ko makita mo." Alburuto ni Kim. Hinaplos ni Mela ang mukha nito at tinitigan muli ang mga mata ni Kim.
"I can see your soul sweet, your beautiful soul and it's staring back at me with wide smile on her lips." Sabi ni Mela at sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Narinig nila ang mga munting paghampas ng kutsara sa mga wine glass, hudyat na humihingi ang mga taong nandodoon na magkiss ang bagong kasal. Ngumiti silang dalawa.
"Yes Mela, you saw it right. at mahal na mahal ka nyang nakikita mo sa mga mata ko." Bulong ni Kim bago hinalikan muli ang labi ni Mela.
![](https://img.wattpad.com/cover/30082375-288-k545839.jpg)
BINABASA MO ANG
For You I Will
RandomThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...