"Kamusta kana Cienne?"
Kahit paidlip na si Cienne, alam na alam nya kung kaninong boses ang kanyang narinig. Halos mag iisang oras ng nakaalis si Camille at ate Cha nya sa hospital. Wala na syang inaasahang dadalaw pa sa kanya dahil gabi na at lagpas na ang visiting hour. Bago umalis sila Cha ay pinapatay nya ang ilaw sa kwarto dahil nais narin nyang matulog. Pero kahit madilim, no doubt, kilala nya kung sino ang kanyang bisita. Automatic na napatingin sya sa hugis ng taong malapit sa pinto.
"Me..Mela! Napadalaw ka." bigkas ni Cienne.
"Ok na ako, pakiswitch on nalang ng ilaw, pinapatay ko na kasi kala ko wala ng dadalaw." Saad pa niya.
Hindi parin nagsasalita si Mela, matagal pa bago nya sinindihan ang ilaw. Nang lumiwanag ay nagtama agad ang kanilang mga mata. Ngumiti si Cienne, pero hindi nya mabasa sa mukha ni Mela ang ano mang emosyon. Lumakad ito dahan dahan papunta sa kanya at umupo sa silya malapit sa kinahihigaan ni Cienne.
"A..alam ba ni Kim?" Tanong ni Cienne
Umiling si Mela.
"Hindi Cienne. Nasa bar sya ngayon kasama ni Vic. Hi..hindi ko sinabi na pupunta ako dito." Sabi ni Mela. Mahabang katahimikan ulit ang pumagitna sa kanilang dalawa. Nagpapakiramdaman kung sino ba ang dapat maunang magsalita, o kung meron bang dapat sabihin.
"Cienne... anong paborito mong bulaklak?" Tanong ni Mela.
"Huh?" Tugon ni Cienne, parang ang wierd kasi sa kanya na marami naman pwedeng itanong bakit tungkol sa bulaklak pa.
"Sabi ko anong paborito mong bulaklak?" Ulit ni Mela. Nag isip muna si Cienne.
"Hmm... marami Mela eh, pero nung tinanong mo yan, ang una kong naisip primrose." Ngiti ni Cienne.
"Primrose. Did you know that primrose is a sacred flower of Freya, the goddess of love? It symbolizes youth and young love. It means... I CAN'T LIVE WITHOUT YOU. Cienne, is there anyone whom you can't live without?" Saad ni Mela, na ngayon ay nakangiti narin sa kanya.
"Wa..wala naman Mela." Sagot agad ni Cienne na medyo kinabahan sa tanong.
"Then why do you want to end your life?" Tanong ulit ni Mela na hindi sinagot ni Cienne.
"I..ikaw Mela anong paborito mo?" Pag iiba ni Cienne sa usapan.
"Hmm, tulad mo marami rin akong gusto. Mahilig kasi ako sa bulaklak pero ang pinakagusto ko sa lahat yung daffodil. Kasi it symbolizes naman clarity, inspiration, faith, honesty, truth and forgiveness. It's the icon of beauty actually and it means... YOU ARE THE ONLY ONE." Sabi ni Mela at bahagya itong napaubo.
"Mela bakit biglaan kang napadalaw?" Tanong ni Cienne dahil hindi na nya makaya ang awkwardness na bumabalot sa kanilang dalawa.
"Visiting a friend who almost killed herself." Sagot ni Mela.
"Sa...salamat." Tugon ni Cienne at napayuko.
"Cienne, ikaw nagmamadali kang wakasan ang buhay mo. Pero may mga taong umaasa na sana, mabigyan pa sila ng kahit na isang umaga. Na sana, magising pa sila at mabigyan pa ng isang araw para makasama ang mga mahal nila. Maraming naghahangad na mabuhay pa Cienne. Huwag mong sayangin ang sayo." Payo ni Mela at ginagap nya ang isang kamay ni Cienne malapit sa dibdib nya.
"Buhay nga ako, pero pakiramdam ko patay ako. Ano pa kaibahan non sa literal na patay?" Tanong ni Cienne
"Malaki. Dahil ikaw may chance ka pa na maging masaya ang patay wala na. At... ang malapit ng mamatay, meron nalang silang nalalabing panahon para maitama at maiayos ang lahat. Kaya.... kaya ako ngayon nandirito Cienne." Saad ni Mela. Hindi maunawaan ni Cienne kung ano ba talaga ang tinutukoy nito. Gulong gulo sya sa sinasabi ni Mela.
"Anong ibig mong...." tinakpan ni Mela ang bibig ni Cienne.
"Ssshhhh... don't say anything Cienne. Hayaan mong ipakita ko sayo." Sabi ni Mela. Tumayo siya sa harapan ni Cienne. Una nyang tinanggal ang jacket nya at tumambad kay Cienne ang payat na payat na katawan ni Mela. Sunod ay tinanggal nya ang diretso at lagpas balikat nyang wig. Nagitla si Cienne sa rebelasyon ni Mela, kahit di pa nito sinasabi, alam ni Cienne na may mabigat na karamdaman ito. Nakita nyang pumatak ang luha ni Mela. Hinablot ni Cienne si Mela palapit sa kanya para yakapin ito. Habang yakap nya si Mela, rinig nya ang pagpipigil nito sa sarili para tumahan sa pag iyak.
"Cienne... i'm dying...." bulong ni Mela sa tenga nya.
"Don't say that Mela. You will survive this." Sabi ni Cienne.
"Wala nakong panahon Cienne..." sabi ni Mela at kumalas na sa pagkakayakap ni Cienne. Naupo syang muli at isa isang ibinalik ang mga tinanggal nya sa katawan.
"Mela fight for it." Cienne trying to encourage her. Napangiti si Mela.
"I already did, pero pagod nako. Tanggap ko na Cienne kung hanggang kailan nalang ang buhay ko. Pero alam mo ba kung ano yung hindi ko magawang matanggap? Na pag naiisip ko eh sobra sobra yung sakit na nararamdaman ko? Hindi ko kayang iwan si Kim ng mag isa at bigo sa buhay..." saad mi Mela, pinupunasan ang sariling luha. Hindi parin makapaniwala si Cienne, parang hindi pumapasok sa isip nya lahat ng sinasabi ni Mela. Hinawakan ni Mela ang dalawang kamay ni Cienne.
"Cienne nakikiusap ako sayo... pag wala na ko, take care of her, make her happy. Do everything para makalimutan nya na ako."
"I.. I can't do that Mela. Imposible yung hinihiling mo." Naluluha narin si Cienne.
"Cienne promise me please!!!" Mela begging her. Pareho na silang umiiyak. Si Mela, umiiyak at nagmamakaawa na tanggapin ang kanyang kahilingan. Si Cienne, umiiyak dahil naaawa sa isang kaibigan na malapit ng mamatay, sobrang desperado at ibang tao parin ang inaalala nito. Walang nahintay na sagot si Mela kay Cienne. Tumayo na ito at binigyan ng halik sa kaliwang pisngi si Cienne.
"Magpagaling ka agad Cienne. Ka..kalimutan mo na yung sinabi ko sayo. I'm sorry for asking you to do something for me. Goodbye Cienne." At tumungo na si Mela papuntang pintuan. Pero bago nya mahawakan ang doorknob
"Mela i will do it.... Only if, magpapakasal ka sa kanya." Lakas loob na bigkas ni Cienne.
Humarap muli si Mela sa kanya at ngumiti. Ngiti ng isang taong nabuhayan ng loob at tumango ito bago tuluyang lumabas ng pinto.
BINABASA MO ANG
For You I Will
RandomThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...