STAY WITH ME

489 12 2
                                    

"Pa si... si Mela" tanging nasambit ni Kim ng sagutin ng ama ni Mela ang telepono. Naririnig nya ang pagnanangis ng ina nito sa kabilang linya. Puno ng paghihinagpis at kalungkutan ang nadarama nilang tatlo.
"A...anak, umuwi na kayo ni Mela, i...iuwi mo na ang anak ko." garalgal na boses ng ama. Tinignan ni Kim si Mela, hawak hawak nya ang malamig ng kamay nito. Nagbabakasakaling magkaron ng isang himala. Na tugunin ang mga katakot takot na dalangin nya. Sa buong buhay ni Kim ngayon lang sya kumapit ng ganito sa kanyang mga dalangin, dahil kung totoo ngang may Diyos, hindi nya hahayaang masaktan ang puso ng taong nagmamahalan. Not in this way and not in this moment. Pero ano pa bang himala ang inaasahan nya kung halos isat kalahating oras ng walang pintig sa bawat pulso ng katawan ni Mela.
"Pa, pabalik na po kami." Sabi nya sa ama. Lulan sila ng ambulansya pabalik ng Manila.

"Hoy kambal kanina ka pa mukhang tensyonado dyan ah, ano ba kasi ang inaalala mo?" Tanong ni Camz sa kapatid dahil hindi ito mapakali. Kaninang umaga ay nakabasag pa ito ng tasa.
"Camz, sa tingin mo ba ayos lang kaya sila Mela?" Tanong naman ni Cienne dito.
"For sure happy sila ngayon. Honeymoon nga kambal eh, inggit ka noh?" At tumawa pa si Camille.
"I feel something isn't right kasi eh. Kinukutuban ako Camz." Pag aalala ni Cienne.
"Hay nako kambal napaparanoid ka nanaman. Hithit pa ng katol ha?" At iniwan nya na si Cienne sa office para tulungan ang mga tauhan sa mga orders.

Samantala, tanghali na ng magising si Vic. Paglabas nya ng kwarto ay nakita nyang nakahiga sa sofa si Shiela.
"Oh walang pasok?" Tanong ni Vic. Nakita nyang yakap yakap nito ang pusang regalo nya tatlong taon na ang nakakalipas.
"May sakit ka ba?" Tanong nya ulit dito.
"Tinamad lang today." Maikling sagot ni Shiela.
"Bago yan ha. Sana araw araw tamarin ka." Sabi ni Vic at dumiretso ng kusina. Sumunod naman si Shiela sa kanya.
"Nagluto na ko. Gusto mo ba kumain na or itimpla muna kita ng hot coffee?" Tanong ni Shiela.
"Halika nga dito! Ang gusto ko, yakapin muna ako ng sexy at magandang babe ko." Vic spread her arms, waiting for Shiela to hug her. At hindi naman sya nadisappoint. Hindi lang yakap ang natanggap nya, hinalikan pa sya nito sa labi. Pero ng titigan nya ang mga mata ni Shiela, she saw some kind of bitterness... no, it's like coldness. Yung pakiramdam na parang meron syang itinatago. Yung pakiramdam na dapat kang matakot. Pero hindi nalang ito binigyan ni Vic ng ibang ibig sabihin. Maaaring bad mood lang ito ngayong araw, kaya naupo na si Vic at nagbasa ng newspaper habang hinihintay ang mga pagkain na ihahain ni Shiela sa lamesa.

Sa morgue na dineretso ang katawan ni Mela. Nandoon narin at naghihintay ang mga magulang nito. Niyakap agad ng ina ang anak na wala ng buhay. A very painful scenario for the three of them. Ang pinakamamahal nila, hindi na magbabalik pa.
"Kim anak, sige na umuwi kana muna. Magpahinga ka. Kami na muna ang bahala dito. Itatawag ko nalang sayo kung saang funeral homes sya paglalamayan." Sabi ng ama, awang awa sa itsura ni Kim. Sumunod na lamang sya sa sinabi ng ama ni Mela.
Nasa labas na sya ng magring ang cellphone nya. Nakita nyang si Cienne ang tumatawag.
"Hello Kim? I'm sorry pero kailan ba kayo babalik ng Manila ni Mela?" Agad na tanong ni Cienne ng sagutin ni Kim ang cellphone.
"Nandito na kami Cienne. Pwede mo bang tawagan ang mga barkada? I... i have something to tell." Saad ni Kim.
"Something bad happen ba to Mela?" Tense na tanong ni Cienne.
"What do you know about her?" Galit na tanong ni Kim.
"Wa...wala. Sige tatawagan ko na sila. Hintayin ka nalang namin dito sa shop." Kabadong ini-off ni Cienne ang cellphone.

Lahat sila ay nandoon na. Hinihintay na lamang si Kim. They are all puzzled kung bakit at kung ano ang sasabihin ni Kim sa kanila. Si Cienne at Vic ay parang nag uusap ang mga mata. Nilapitan ni Vic ito at inakbayan.
"Kalma ka lang Cienne. Hindi pa naman natin alam kung ano ang sasabihin ni Kim eh." Payo ni Vic.
Si Carol naman ay may kausap sa cellphone. Si Mika at Camille ay nagkwekwentuhan. Biglang bumukas ang pintuan ng office kung nasaan sila. Lahat ay napatingin kay Kim. Mugtong mugto ang mga mata nito. Hindi na nagawang humakbang pa at napaluhod nalang ito sa sahig. Dinamayan agad ito ni Vic at Mika, inalalayan at ipinaupo sa upuan. Iyak lang ito ng iyak. Sa sobrang awa ay niyakap na sya ni Mika.
"Wala na si Me...Mela, i...iniwan na nya ako." Napaiyak na silang lahat. Nagyakap yakap. Wala ni isa sa kanila ang makapagsalita.

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon