ART OF LETTING GO

143 4 3
                                    

"Shit! Ano ginagawa mo dito?" Napabalikwas si Kim sa kama. Hindi inaasahan sa pagdilat ng mata ay halos isang dangkal nalang ang mukha ni Cienne sa mukha niya. Magdamag na magkayakap.
"You asked me to stay last night." Sabi ni Cienne habang nag iinat. Pangiti ngiti pa ito. Tumingin sya kay Kim.
"Oh ano bakit parang takot na takot ka? Hindi ako multo oy! tsaka excuse me wag na wag mong maiisip na pinagsamantalahan kita kagabi. Uuwi na sana ko pero pinigilan mo ko." Paliwanag ni Cienne at nauna na syang tumayo. Iniwan si kim sa kama na nakabalot sa kumot. Isa isa ring pinulot ang mga nagkalat na bote ng alak habang pailing iling pa.
"Tumayo kana dyan! Sa kusina lang ako para magluto ng breakfast." Pahabol pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Paglabas ng kwarto ni Kim ay nakita nyang nakahain na sa lamesa ang pang agahan na niluto ni Cienne.
"Hot coffee or cold freshmilk?" Tanong ni Cienne. Kahit sa kitchen counter ito nakaharap, malakas ang pakiramdam nyang nasa kusina narin si Kim. Hindi ito sumagot sa tanong nya pero narinig nyang inurong nito ang upuan at umupo sa harap ng hapagkainan. Ngumiti bahagya si Cienne bago humarap at magtungo sa isang di okupadong upuan.
"Tara kain na tayo, pasensya ka na ha yan lang kasi yung nakita kong mailuluto na nasa ref mo. Gusto mo ba magrocery tayo mamaya?" Masiglang tanong ni Cienne.
"Pano ka nakapasok dito?" Malamig na tanong ni Kim.
"Bi..binigay kasi ni Vic yung susi kagabi, icheck ko daw kung ok ka lang." Nakangiting sagot ni Cienne. Binabalewala ang malamig na pakikitungo ni Kim sa kanya. Iniisip nalang na may pinagdadaanang mabigat ito kaya hindi dapat sya maging sensitive masyado at magpa epekto.
"Akina yung susi, ayaw ko may pumapasok dito ng hindi ko nalalaman." At inilahad ni Kim ang kamay nya. Tila may bagay na tumusok sa puso ni Cienne dahil naramdaman nyang kumirot ito. Napatitig sya sa kamay ni kim na nakalahad parin.
"Bahay ko to, walang kahit na sino ang may karapatan na maghawak ng susi maliban sa akin kaya ibalik mo na." Saad pa nito.
"You don't have to remind me kim, alam ko bahay mo to pero teka muna, hindi naman ako kung sinu sino lang. Kaibigan mo ako! At si Vic ang nag abot sakin ng key kaya sa kanya ko rin isasauli." Sabi ni Cienne, nag iinit ang kanyang dalawang tenga sa pagkainis.
"And don't worry, hindi ako nandito para kaawaan ka and it seems you are okay naman pala so i better go na." Saad pa ni Cienne bago tuluyang tumayo upang kunin ang bag so she can go home.
"Cienne pakiusap lang, hayaan nyo muna ko makapag isa. Hindi naman ako katulad mo na suicidal so i don't need a babysitter." Sabi ni Kim na lalong ikinainis ni Cienne.
"Damn you! From now on never expect to see me again!" Bulalas ni Cienne.
"Good. That's what i really need." Malamig na tugon ni Kim.
Maluha luha si Cienne at nagmamadaling nilisan ang bahay ni Kim. She knows she can never kept her promise to Mela... Cienne gave up.

   Kahit walang appointment si Cienne sa doctor nya ay dito nya naisipang magpunta. The only thing that she wants right now is to calm herself and she needs her doctor's help. Wala namang ibang pasyente na naghihintay kaya sinabi ng secretary ng doctor na dumiretso na sya sa room ni doctor Fernandez. Nagulat pa sya ng ibang doctor ang nandoon.
"I think i entered the wrong room, sorry." Nahihiyang sabi ni Cienne at lalabas na sana siya
" oh no wait, patient kaba ni dr. Fernandez?" Tanong nito kay Cienne.
"Ahhm... Yes. Pero off duty yata sya today so i will come back nalang nextime." Saad ni Cienne.
"Hmm actually he left yesterday papuntang U.S to attend a one week seminar. Hi, im dr. Justine Tiu and i will be his tempory replacement till he gets back." Smile pa nito.
Medyo nashock si Cienne at di maiwasang titigan ito. Napakabatang doktor, almost her age at malakas ang dating. Sinuway ni Cienne ang sariling isipan agad agad sa idea na ito.
"Yes miss? Tititigan mo nalang ba ako or you want to consult on something?" Ngiti ulit nito. Parang natauhan naman si Cienne at sinabi nya ang dahilan ng biglaang pagpunta rito.

   Samantala, napadaan naman si Carol sa bar ni Vic at Kim.
"Rolly si Vic?" Tanong ni Carol sa isa sa mga waiter.
"Eh ma'am Carol wala pa nga po eh, di parin po tumatawag kung dadating ba o hindi." Kakamot kamot sa ulo ang waiter. 
"Okay i will just call her. Salamat Rolly." Pero nakakailang attempt na sya ng tawag at di parin ito sinasagot ni Vic.
"Well i guess pupuntahan ko nalang sya sa bahay nya. If ever magkasalisihan kami please tell Vic to call me." Sabi ni Carol sa waiter bago umalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For You I WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon