"Napapadalas yata uwi mo ng late ngayon, masyado bang busy?" Tanong ni Mika sa kadarating na si Kiefer. Mag aala-una na kasi ng gabi. Mainit ang ulo ni Mika. She was so disappointed na hindi man lang nito naalala ang anniversary nila. Nagmamadali pa man din syang umuwi ng hapon para maipagluto ito ng mga paburito nya, isusurpresa nya sana ito. Pero namuti na ang mata kakahintay hanggang sa nakatulog narin sya na nakangudngod sa dining table.
"Hindi ka nalang sana umuwi!" Sabi pa nya. Kumamot nalang sa batok si Kiefer. Isa isang tinignan ang mga nakahain sa lamesa na ngayon ay nanlamig na. Kasing lamig ng babaeng kaharap nya.
"Miks isinama kasi ako ni dad sa birthday party ng anak nung kompanyero nya. Sorry na hon oh." At lumapit sya kay Mika para halikan ito sa pisngi pero iniwas nito ang mukha. Umupo na lamang si Kiefer sa kabilang side ng table. Pagkainis ang nakikita nya sa mukha ni Mika, hindi ito maipinta.
"Hon sorry na nga sabi, wag ka na magalit please...." saad ni Kiefer.
"At anong gusto mo matuwa ako? Aba Kiefer Ravena sana man lang tumawag ka para naman di nako nag effort pang lutuin ang mga putragis na ito!!!" Mas lalong napalakas na ang boses ni Mika.
"A..ano ba kasing meron hon?" Tanong na mas lalong ikinagalit ng isa.
"Anong meron? Itinatanong mo kung anong meron ngayon ha? Wala punyetaaa!!!" At inihampas ng todo lakas sa mesa ang kanyang mga palad.
Sa pagkabigla ni Kiefer sa ginawa ni Mika ay naalala nyang anniversary nga pala nila. Lahat na ng klase ng pagmumura ay dumaan na sa isip nya habang paulit ulit na nilalamukos ang sariling mukha. Aminado sa sarili na maling mali sya at nawala sa isip nya ang halaga ng araw na ito.
"Hon... hindi naman masasayang yung effort mo. Gutom narin naman ako, tara kain na tayo." Sabi ni Kiefer, baka sakaling mabawasan ang galit ni Mika.
"Kumain ka mag isa mo!!!" Tumayo si Mika at padabog na nilisan si Kiefer sa kusina.
"Lakas ng toyo ng babaeng to." Bulong nalang nya sa sarili at nag umpisa ng lantakan ang mga nakahain kahit pa nga nagsesebo na ang ibang putahe.
Bumalik ulit si Mika at ibinato kay Kiefer ang isang bagay na hawak nya. Sapol ito sa noo.
"Aray ko naman Mika! Nababaliw kana yata,nakikita mong kumakain yung tao." Pagkainis din ni Kiefer dahil nasaktan sa bagay na tumama sa noo.
"Ayan! Ayan ang regalo ko sayo para naman hindi mo masabi na wala akong kakwenta kwentang tao leche ka!" At tumalikod na ulit ito, nagtungo na ng kwarto. Hinanap ni Kiefer sa lapag ang kaninang tumama sa noo nya. Nakita. Nya ito sa ilalim ng mesa at dinampot. Tinanggal ang giftwrap at inopen ang box. Napangiti siya sa nakita... isang gold rolex watch na limited edition. Napailing siya, "Babawi nalang ako Mika." Isip niya."Sweet nasan kana?" Si Kim kausap si Mela sa cellphone habang naghihintay na umusad ang napakahabang traffic.
"Nandito pa ko sa bahay nila mama. Doon nalang tayo magkita sweet, male-late lang ako ng bahagya." Saad ni Mela. Tinutukoy ang shop na pag aari ng isang kilalang fashion designer. Ngayong araw kasi ang appointment nila para mamili at magpagawa ng damit pangkasal. Late narin nakarating si Kim kaya nagmadali na syang pumasok. Pagbukas nya ng pinto ay tumunog ang windchimes at napatingala sya sa kisame.
"Finally dumating narin ang kanina pang hinihintay." Sabi ng baklang designer.
"Sorry medyo na late ako." sabi ni Kim.
"Dear wag ka sakin magsorry, don mo yan sabihin sa pakakasalan mo kanina pa sya naghihintay jusko!" Sabi ng designer at itinuro kay Kim ang isang room para doon daw sila maghintay sa kanya dahil ipapalabas pa nya ang mga bagong design nyang pangkasal. Kahit nagtataka kung panong mas nauna pang dumating si Mela ay sumunod nalang si Kim sa sinabi ng designer na si Magenta. Pagbukas nya ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang maputi at chinitang babae.
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito Cienne?" Tanong agad ni Kim.
"Di ba sinabi ni Mela sayo na pinapunta nya ko dito?" Tanong din ni Cienne.
"Hi..hindi. Sabi nya lang medyo male-late sya." Saad ni Kim.
"So hindi mo alam na ako ang organizer ng kasal nyo?"
"Hindi! Wala syang nabanggit sakin." Iling ni Kim.
"Aba eh pambihira! O ngayon alam mo na eh di big WOW!" sabi ni Cienne at biglang pasok naman ni Magenta.
"Uy LQ agad di pa nga naikakasal" sabi nito. Nanlaki ang mata ni Cienne. Magsasalita sana sya pero naunahan na ulit sya ng designer na mahadera.
"Alamm nyo di na bago sakin ang same sex marriage. Marami na ko naging kliyente na tulad nyo. Yung iba gusto pareho silang nakagown. But i assumed yung isa sa inyo gusto mag tuxedo." sabi nito at biglang tingin kay Kim. Napangiti nalang si Kim.
"Pero....nagka..." hindi pa tapos magsalita si Cienne ay sumingit na ulit ang designer.
"Wala ng pero pero darling. Now, now na. Halika na dito at isukat mo na ang wedding gown." Sabi nito kay Cienne.
"Hindi kasi ako...." at pinutol na ulit ni Magenta ang sasabihin sana ni Cienne.
"Naku wag ka maniwala sa pamahiin na bawal magsukat ng pangkasal darling. Mas magandang sinusukat para lapat na lapat sa katawan mo." Sabat ulit nito at hinila na si Cienne palabas ng waiting room para ihatid sa dressing room. Napatigin nalang si Cienne kay kim habang hila hila sya ng baklang designer. Napataas balikat naman si Kim sa mga nangyayari. Sumunod ay tinawag narin si Kim ng alalay nito. Isusukat narin sa kanya ang white tuxedo na nagmula pa daw sa france. Naunang natapos si Kim kaya naghintay na muna siya sa isang violet na sofa kaharap ang salamin na kasing laki ng wall. Manghang mangha sya sa itsura nya, bagay na bagay ang suot nya at sa wari ay isa siyang ganap na prinsipe. Hindi pa man sya natatapos sa kanyang pagmumuni muni ay nasa harapan narin nya si Cienne. Napatulala sya sa kagandahang kanyang nakita. Daig pa nito ang isang prinsesa sa suot na gown. Para namang biglang nahiya si Cienne, proweba ang kanyang namumulang mga pisngi. Lumapit si Kim sa kanya.
"You... you look great Cienne." saad ni Kim na nakalimutan na yata kung paano kumurap.
"Perfect!!!" Sigaw ni Magenta at parang kilig na kilig pa. Inayos ang posisyon ng dalawa paharap sa salamin. Si Kim sa likod at pinayakap sa bewang ni Cienne. Inanggulo naman ang mukha ni Cienne paharap kay Kim. Nagkatitigan sila. Matagal. Parang nag uusap ang kanilang mga mata. Naramdaman ni Cienne na mas humigpit ang yakap ni Kim sa bewang nya. Natauhan sya at biglang napatawa ng malakas. Napatawa narin si Kim.
"Unggoy ka. magpaputi ka ng konti bago ang kasal ha, puti pa naman yang suit mo." Pagbibiro ni Cienne kay Kim.
Walang kaalam alam sa isang pares ng mata na nakamasid sa kanila kanina pa.
Si Mela, kitang kita nya ang bawat nagaganap sa loob ng shop. Ang bawat saya ng dalawang nandodoon. Ang ningning ng kanilang mga mata. Ang yakap ni Kim sa bewang ni Cienne. Nang hindi na makayang panoorin pa ay dahan dahan nyang isinara muli ang pinto at napasandal sa pader. Tila nanghihina ang kanyang tuhod.
"You want this to happen Mela. Ikaw ang naglalapit sa kanilang dalawa. Fear and pain has no place this time. Deal with it!" Pagreremind nya sa sarili.
Habang naglalakad pabalik ng sasakyan ay tinawagan nya si Kim. Pero hindi ito sumasagot kaya nag iwan nalang sya ng message sa voicemail.
"Sweet hindi nako makakapunta, di kasi dumating si ka Ronald so wala magdadrive. Nandyan naman si Cienne so kung ano nalang mapili nyong pangkasal, that would be fine for me also...... I.... see you later Kimmy." She pressed the end button. Binuksan ang pinto ng sasakyan at naupo sa passenger's seat.
"Bring me home na po ka Ronald." Matamlay na sabi ni Mela. Hindi narin nagtanong ang driver at sinunod nalang ang utos ng anak ng kanyang amo.Si Mika, mag iisang oras ng naghihintay sa restaurant kung saan si Kiefer mismo ang nagpareserved para magdinner sila. Tumingin si Mika sa wristwatch nya, ang 8pm na usapan ngayon ay sobrang lagpas na. Kinuha ni Mika ang kanyang cellphone but not to call Kiefer, instead she dialled Camille's digits. Pangatlong ring ay sinagot nato ni Camille.
"Oy napatawag ka?" Sabi ni Camille.
"Are you free tonight ba?" Tanong ni Mika.
"Ahh im waiting for Carol, we are planning to go to Vic's bar kasi. Why?" Saad naman ni Camille.
"Can i join you guys? Wala kasi akong magawa eh." Sabi ni Mika at tumayo, kumuha sa bag ng 100 pesos at inilapag sa mesa bago tuluyang naglakad palabas ng restaurant.
"Sure, sure Miks. We'll meet up there nalang. See yah!" And end the conversation.Nagkasalisi si Mika at Kiefer. Ten minutes after Mika left ay dumating si Kiefer. He asked the waiter kung may dumating bang babae kanina, the waiter nod and told him she'd left already. He called Mika several times but didn't answer her phone. Worse is the next attemp call he made, naka off na ang cellphone ni Mika. He just dicided to go home nalang.
Nagulat si Vic ng makita nya si Mika. She never expected na pupunta ito tonight. Si Carol at Camille lang ang inaasahan nya.
"Naligaw ka. Anong satin?" Tinatanong kung anong gustong inumin ni Mika.
"Bigyan mo ko ng malalasing agad ako." Sagot nito at inukupa ang isang pwesto.
"Bad mood ka yata tonight hahah!" Tawa ni Vic. Pumunta sa bartender at nagpagawa ng drinks para kay Mika. Pagbalik ni Vic ay dala na nya ang sex on the beach cocktail para kay Mika at vodka and orange naman ang sa kanya.
"Ano to? Malalasing ba ko dito? Eh parang four season juice lang!" Reklamo ni Mika.
"Why don't you taste it muna bago ka magreklamo. Pinadamihan ko yan ng Vodka." Sabi ni Vic at umupo sa tabi ni Mika. Bahagyang nagkadikit ang kanilang braso, agad inurong ni Mika ang sarili palayo ng konti kay Vic.
"Oh ano nakuryente ka sakin noh? Hanggang ngayon ba naman Miks may hidden disire ka parin sakin?" Pagbibiro ni Vic sabay tawa ng pagkalutong lutong.
"Baliw! Feelers ka masyado." Maikling sagot ni Mika.
Dumating narin si Camille at Carol to join them. San mig lights lang ang inorder ng dalawa. Nang matapos ni Mika ang iniinom nya ay umorder pa sya ng ilang shots of tequilla.
"Problemado Miks?" Tanong ni Camille.
"Ewan ko nga dyan, gusto magpakalasing." Singit ni Vic.
"Ikaw ba naman yayain ng dinner, dumating ka before the time na napag usapan tapos iinjanin ka lang pala, ano mararamdaman mo?" Tanong ni Mika to no particular one.
"Outch yon Miks." Sabi ni Carol.
"Ay nako Carol pag sa akin ginawa mo yang ganyan ihahambalos talaga kita sa bato na puno ng pako." Kunwaring pagtataray ni Camille.
"Eh baka naman may dahilan kaya di nakapunta." Sabi nalang ni Vic.
"He'd better have good one....malapit na syang buminggo sakin."Pasuray suray sa paglalakad si Mika. Gusto syang ihatid ni Vic but she insist na kaya pa nya magdrive. Ilang hakbang nalang ay nasa pintuan na sya ng bahay pero sa tingin nya parang pagkalayo layo pa nito. Bumukas ang pinto.
"Where have you been Mika? Kanina pa ko naghihintay sayo." Sabi ni Kiefer at akmang aakayin si Mika dahil nakita nyang hirap na itong maglakad sa kalasingan.
"Hep! Dyan ka lang.... kaya.. ko.. sa..sarili ko." Pautal utal nitong sabi.
"No you're not!" At bigla syang binuhat ni Kiefer. Pagpasok sa loob ay ibinaba sya ni nito sa malambot nilang sofa.
"Nagpunta ko. Pero nakaalis kana daw." Sabi ni Kiefer. Tumawa ng nakakaloko si Mika.
"Bakit....you expect me ba to...to wait for you... forever?" Tanong ni Mika.
"Something happened kasi kanina sa company, so nagpatawag ng urgent meeting si dad..." explain ni Kiefer.
"Dad....dad...dad! Lagi nalang dad! Wala nabang bago? Eto ba yung sinasabi mong Mika babawi ako sayo? Ano naglalaro nalang ba tayo ha?" May gigil sa bawat salitang binitiwan ni Mika.
"Miks im sorry..."
"Lagi ka nalang sorry ng sorry! Kaunti nalang ang pasensya ko Kiefer! I'm trying my hardest to make this relation work.... sa bawat pagpupursige ko na ilapit ang sarili ko sayo mas lalo mo naman ako binibigyan ng dahilan para layuan ka!" Itinulak si Kiefer palayo sa kanya.
"What do you want me to do? Ginagawa ko rin naman ang lahat para satin ah. pakakasalan kita, ayaw mo naman. I don't understand you Mika!" Galit narin ang tono ni Kiefer.
"Hindi ako tulad ng isang trophy, dahil nakuha mo na ay basta mo na lamang pababayaan sa isang tabi. Huwag mong hintayin na pagsisihan ko ang desisyon kong pinili kita. At yang kasal na sinasabi mo? Mangyayari lang yan pag nakita ko ng karapat dapat na kitang mahalin." Tumayo na si Mika at pasuray suray paring naglakad patungong banyo.
"So after all this years hindi mo parin ako magawang mahalin? Lahat ng nangyayari sa tin wala lang yon sayo Mika?" Tanong ni Kiefer.
Lumingon ulit si Mika at nag smirk ito.
"Not a bit. I'm just trying to be a good daughter here. Sa nanay ko ikaw magpakasal!"
___________________________________
End of Chapter 12
BINABASA MO ANG
For You I Will
RandomThe "Bullies" and their so called life. The year is 2020, may kanya kanya na silang buhay na tinahak pero syempre a promise needs to be kept, na kahit gaano sila ka-busy sa mundong ibabaw, hinding hindi puputulin ang ugnayan sa isa't isa kahit na ng...