KIARRA Point Of View...
Ako nga pala si Kiarra simpleng ganda pero ubod ng bait hahaha. Nag iisa akong kapatid ni kuya Nobunaga ang totoo gusto ko mag aral sa KAINAN kaso ayaw ni kuya dahil ayaw nya akong kasama. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya akong kasama ganung pareho naman kami ng ugali hindi nga lang ako mayabang tulad ni kuya...
Habang naglalakad ako papuntang school may lalaki akong nabunggo ang malas pa tumilapon ang dala dala nyang baon sa mukha ko.
"Ano ba naman nyan." naiinis syang tumingin sakin.
Napaka tangkad nya at napaka gwapo kaso mukhang masungit.
"Miss bulag kaba? Hindi naman ako pandak para di mo ko makita." pagsusungit nya.
"Sorry na hindi ko naman sinasadya eh. Gusto mo palitan ko na lang ang baon mo." sabe ko habang tinatanggal ang mga dumi sa mukha ko.
"Hindi na kailangan." sagot nya saka naglakad.
Hinabol ko naman sya para magpakilala at huminge ng dispensa.
"Ako nga pala si Kiarra anong pangalan mo?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Hanagata." tipid na sagot nya.
"Hanagata nice meeting you sorry nga pala kanina. Saan ka nga pala pumapasok? Gusto mo sabay na tayo alam mo...
"Miss pwede ba ayoko ng maingay kung gusto mo sumabay pwede tumahimik ka."
Hindi ko alam na ayaw pala nya ng maingay ang bibig ko naman kasi wala ring preno sa pagsasalita.
"Pwede na lang mag tanong."
"Isang tanong lang." seryosong sabe ni Hanagata
"Dalawa pwede."
"Ayoko." sagot nya..
"Sige isa na lang. Saan ka pala nag aaral basketball player kaba? Ang tangkad mo kasi tsaka ang gwapo mo kaso...
"Kaso ano?" tanong nya..
"Wala Hanagata pwede ba tayo maging magkaibigan?"
"Ayoko nga." sagot nya saka iniwan ako..
Dahil makulit ako hinabol ko ulit sya. "Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Saan kaba kasi nag aaral?" tanong ko ulet..
"SHOYO." sagot nya..
"Talaga? Alam mo dun din ako mag aaral ang galing naman sana magka classmate tayo. Ilan taon kana pala Hanagata?"
"Bakit ba ang dami mong tanong mag lakad ka ng di nagsasalita pwede ba yun."
"Ok ang sungit." bulong ko...
Hindi nga ako nagsalita tulad ng sabe nya at sabay kaming naglakad ng hindi nag uusap.
"Hanagata." pagtawag ng babae..
"Oh Ashley at Fujima kayo pala." ngiting bati ni Hanagata.
"Marunong pala syang ngumiti bakit sakin di sya ngumingiti." bulong ko habang nakatingin kay Hanagata.
"Sino sya? Kaibigan mo?" tanong ni Ashley.
"Hindi ko kilala yan." sagot ni Hanagata..
Sarap sapukin ng lalaking to hindi daw nya ako kilala eh nagpapakilala ako sa kanya.
"Ako pala si Kiarra." pagpapakilala ko saka ngumiti kay Fujima at Ashley.
"Ako naman si Kenji Fujima nice meeting you Kiarra."
"Ashley nga pala."
"Sa SHOYO rin ba kayo nag aaral? Alam nyo dapat sa KAINAN ako kaso ayaw ng kuya ko mag mag aral ako dun. Mabuti na lang nakilala ko kayo hindi na ako mahihirapan kasi may kaibigan na ako pwede ba kayo maging kaibigan."
Natatawa naman si Fujima at Ashley sakin samantalang naiinis naman si Hanagata. "Anong nakakatawa? Ayaw nyo ba akong maging kaibigan?" tanong ko.
"Nakakatuwa kasi ang personality mo kung kaibigan lang walang problema sakin yan tanungin mo yung isa." sabe ni Fujima sabay turo kay Hanagata.
"Okay lang ba sayo Hanagata maging magkaibigan tayo?" tanong ko.
"Ayoko." sagot nya saka naglakad.
"Pasensya kana Kiarra mula ng umalis si Aika sa SHOYO ganyan na yan kasungit." kwento ni Fujima.
"Sinong Aika girlfriend nya o ex nya?" tanong ko naman.
"Hindi nya girlfriend hindi rin nya ex." natatawang sagot ni Ashley.
"Eh ano kaibigan?" tanong ko ulet.
"Si Aika mag aaral dati ng SHOYO pero umalis na at sa America nag aral dahil kay Hanagata. Wala silang naging relasyon pero gusto nila ang isat isa nalaman na lang namin na may boyfriend na si Aika." kwento ni Fujima.
"Akala ko ba gusto nila ang isat isa? Eh bakit may boyfriend na yung Aika?" pagtatakang tanong ko.
"Kasi binalewala ni Hanagata yung nararamdaman ni Aika." sagot ni Ashley.
"Hindi nga namin alam kung magmamahal pa yan si Hanagata dahil mukhang wala na syang planong mag mahal mula ng mamatay ang ex nya at umalis si Aika." sabe ni Fujima.
"May ex sya? Ano naman nangyare sa ex nya at ano kinamatay?" tanong ko.
"Malalaman mo rin yan Kiarra sa ngayon hindi kami dapat ang magkwento nyan." sabe na lang ni Fujima.
"Ang daldal mo gurl tara na." sabe ni Ashley at hinawakan ako sa braso.
Hindi ko alam bakit bigla akong nacurious kay Hanagata kaya siguro ang sungit nya at madalang ngumiti dahil dun sa Aika.....
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...