Nagulantang ang lahat ng makita nila Fujima at Hanagata si Allen. "Bakit ngayon lang kayo alam nyo bang late na kayo." pagtataray ni Allen.
"Kailan kapa dumating?" tanong ni Hanagata at Fujima.
"Sino ba yan?" tanong naman ni Hasegawa..
"Ang taray." bulong ni Takano.
"Hindi ba sa New York kana nakatira bakit nandito ka?" pagtatakang tanong ni Hanagata.
"Oo nga kamusta na ang team mo?" tanong naman ni Fujima.
"Actually nag quit na ako bilang manager ng football balak ko hawakan kayo. Hindi ba wala kayong manager sige na mag practice na kayo dahil gusto ko makita ang laro nyo maliban sayo Fujima at Hanagata. Kayong dalawa na nakatayo dyan anong kaya nyo?" tanong ni Allen sa dalawa.
"Ako ba?" tanong ni Hasegawa.
"Kanino ba ako nakatingin hindi ba sayo." pagsusungit ni Allen.
"Dalawa kaya kaming tinignan mo may pangalan kasi ako." pagsusungit din ni Hasegawa.
"Bakit kilala ba kita." pagtataray ni Allen
"Bakit nag tanong kaba." pamimilosopo naman ni Hasegawa.
"Opps tama na yan. Hasegawa ipakita mo kay Allen ang kaya mong gawin." utos ni Fujima.
"Bakit ko ipapakita sa kanya hindi naman sya ang manager natin. Isa pa di ko nga kilala yang babaeng yan." sabe ni Hasegawa at nainis naman si Allen.
"Ako si Allen Masuki ngayon kilala mo na ako pwede mo nabang ipakita sakin ang kaya mong gawin."
"Paano kung ayoko." pagmamatigas ni Hasegawa.
"Kung ayaw mo lumayas ka sa team hindi namin kailangan ng pasaway dito."
"Anong sinabe mo hindi ba dapat ikaw ang lumayas dito. Ano ba to captain Fujima kung yan lang ang magiging manager natin wag na lang mas mabuti pang mag quit na lang sa basketball." inis na umalis si Hasegawa.
"Edi mag quit ka." bulong ni Allen.
"Hay naman sabe ko na mangyayare to." napapabuntong hininga na lang ni Fujima.
"Ugali ni Allen ugali ni Satomi hindi nagpapatalo. Sino kaya mananalo sa kanila ni Hasegawa." napapaisip ni Hanagata habang tumatawa.
"Natatawa kapa dyan ikaw ang kumausap kay Hasegawa wag mong hayaan mag quit yun kailangan natin yun." utos ni Fujima.
"Bakit ako? May gagawin ako ikaw na." sagot ni Hanagata saka lumabas para kausapin si Kiarra...
"Hanagata." pagtawag ni Aika...
Nagulat sya ng yakapin sya ni Aika mula sa likod. "Bumitaw ka." utos ni Hanagata.
"I'm sorry patawarin muna ako. Sobra akong nagsisisi sa nagawa ko tama nga sila nasa huli ang pagsisisi. Hanagata nakipag hiwalay ako sa boyfriend ko dahil ang totoo ikaw parin ang mahal ko pwede pa naman natin subukan ulit mahal kita Hanagata walang araw na hindi kita naiisip." pagmamakaawa ni Aika.
"Anong sinabe mo? walang araw na hindi mo ko naiisip? Bakit mo ko sinaktan? bakit ka naghanap? Para ano Aika? Isa lang ang sasabihin ko sayo kaya kitang patawarin pero yung pagmamahal na gusto mo hindi ko na kayang ibigay. Aika may nagugustuhan na ako at hindi ko kaya na mawala sya sakin hindi ko kaya na pati sya masaktan ko tulad ng nagawa ko sayo dati." seryosong sabe ni Hanagata.
"So sa kanya nasabe muna na mahal mo sya bakit sakin di mo nasabe yun? hindi ba ang unfair mo sa part na yun Hanagata. Alam mong mahal kita at alam mong gusto kita pero binalewala mo ko kasalanan mo rin naman kung bakit ako naghanap dahil di ko alam kung ano ba ako sayo."
"Alam mo ba kung bakit? Dahil ayaw kitang mahalin na hindi ko pa nakakalimutan ang ex kong namatay. Nung sigurado na ako sayo dun kana man naghanap ng iba. Bakit hindi mo ko nagawang hintayin para kalimutan sya alam mo yun Aika. Wala akong nilihim sayo pero sinaktan mo ko na akala ko ikaw ang aayos sa wasak kong puso alam mong nasaktan ako nun pero iniwan mo rin ako iniwan mo ko." sabe ni Hanagata habang umiiyak.
"Patawarin mo ko Hanagata patawarin mo ko please ayusin natin to magsimula ulit tayong dalawa ipapangako ko sayo na hindi na kita iiwan."
"Hindi na mangyayare yun Aika dahil isa lang ang mahal ko si Kiarra sya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Dahil sya di nya ako kayang saktan, di nya ako kayang iwan mula ngayon ayaw na kita makita wag na wag kana rin lalapit pa sakin." sabe ni Hanagata saka tinanggal ang pagkakayakap ni Aika sa kanya.
Nagulat si Hanagata ng halikan sya ni Aika kitang kitang naman ni Kiarra na naghahalikan ang dalawa kaya naman lumabas na sya.
"Akalain mong sila na pala para akong tanga. Hindi bale marami pa naman lalaki sa mundo." umiiyak na naglakad si Kiarra.
"Aray naman." sabe ni Moroboshi ng mabangga sya ni Kiarra.
"Sorry di ko sinasadya ang tanga ko kasi."
"Okay lang. Hindi kana man tanga bulag siguro pwede pa." sabe ni Moroboshi saka inabot ang panyo nya.
"Salamat hah pasensya kana talaga ang lungkot ko kasi."
"Bakit ka naman malungkot?" tanong ni Moroboshi.
"Eh kasi yung lalaking mahal ko sila na nung ex nya teka bakit ba ako nagkukwento sayo di nga kita kilala eh." pagtataray ni Kiarra.
"Ako si Dai Moroboshi alam mo hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganung klaseng lalaki sa ganda mong yan di ka dapat sinasaktan." seryosong sabe ni Moroboshi.
"Ang bait mo naman buti kapa. Ako nga pala si Kiarra teka ilan taon kana? basketball player ka din ba? Saan ka nag aaral?" sunod sunod na tanong ni Kiarra.
"Hindi ko akalain na madaldal ka pala hehehe. Pwede bang isa isang tanong lang hehehe."
"Sige ilan taon kana?" tanong ni Kiarra.
"Pwede wag yan hehehe ayoko sabihin kung ilan taon na ako pero basketball player ako." sagot ni Moroboshi.
"Talaga alam mo ba ang kuya ko basketball player din. Proud na proud ako dun kahit mukha syang unggoy hahaha."
"Proud kapa sa lagay na yan hah. Nakakatuwa ka naman kausap kaya lang kasi nagmamadali ako pwede ko bang hingin ang number mo kung okay lang sayo?" tanong ni Moroboshi.
"Sure....
Ibinigay ni Kiarra kay Moroboshi ang number nya at natuwa naman ito.
"Sige Kiarra alis na ako sana soon mameet ulit kita bye Kiarra." pagpapaalam ni Moroboshi..
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...