"Wag kana malungkot Kiarra bibili na lang kita ng pusa." sabe ni Rukawa at nagtawanan ang team.
"Bakit pusa?" tanong ni Sendoh.
"Kasi mukha syang pusa." pang aasar ni Sakuragi.
"Tumahimik ka gung gong."
Dumating naman si Allen na may dalang pasalubong para sa mama ni Hanagata. "Allen." pagtawag ni Fujima at lumapit naman si Allen.
"Bakit nandito kayo sa labas?" tanong ni Allen.
"Kasi wala kami sa loob." pamimilosopong sagot ni Hasegawa.
"Wag kang sumabat kung hindi naman ikaw ang tinatanong ko." pagtataray ni Allen.
"Oh sya tama na yan mag aaway nanaman kayo." saway ni Fujima sa dalawa.
"Parang Mitsui at Satomi lang hah." bulong ni Ryota habang nakatingin kay Allen.
"Kiarra may problema ka nanaman ba? Wag mong sabihin si Toru nanaman." sabe ni Allen na masama ang tingin kay Hanagata.
"Hindi sya kundi ang mama nya. Ayaw ata kay Kiarra." sagot ni Fujima.
"Anong ata ayaw talaga." sabat ni Rukawa at nagtawanan sila Maki, Fujima at Sendoh.
"Hayaan mo kakausapin ko si tita. May nasabe ba syang hindi maganda sayo?" tanong ni Allen.
"Marami." sagot ni Rukawa.
"Gaano karami?" tanong ni Allen.
"Hindi mabilang." sagot ni Sendoh.
"Mga loko loko kayo ayusin nyo. Kumakatay ng tao yan si Allen." pananakot ni Fujima.
"Hindi ko alam kung bakit ganun na lang mag salita ang mama ni Hanagata sakin siguro dahil mas gusto nya si Aika para sa anak nya." sabe ni Kiarra habang umiiyak.
"Kiarra." pagtawag ni Zeigh kasama ang mama nito.
"Iha patawarin mo sana ako sa mga nasabe ko sayo. Alam kong nasaktan kita at hindi tama na husgahan kita. Kung mahal mo talaga si Hanagata pakiusap na alagaan mo sya at wag mong sasaktan dahil hindi ko sya mababantayan oras na umalis na ako." pakiusap nito kay Kiarra.
Niyakap agad ni Kiarra ang mama ni Toru bago ito nag salita.
"Pangako po tita hinding hindi ko sya sasaktan. Alam kong hindi sapat ang salita para sabihin yun pero mahal ko po si Hanagata at sa kanya lang po ako masaya kung sakali man na magkaroon kami ng problema aayusin ko kagad yun para hindi mauwi sa hiwalayan." sabe ni Kiarra.
"Teka sila naba?" tanong ni Allen..
"Naguluhan din ako." bulong ni Maki.
"Akala ko ba nanliligaw palang si Hanagata kay Kiarra." pagtataka naman ni Takano.
Natutuwa si Hanagata na makita na okay na si Kiarra sa mama nya. "Ayos ba kuya." ngiting bulong ni Zeigh sa kuya nya.
"Ayos na ayos." sagot ni Hanagata.
Umalis na si Aika at hindi na nagpaalam sa team at sa mama ni Toru.
"Masakit mag palaya pero kahit masakit okay lang dahil alam kong magiging masaya ka sa kanya. Paalam Hanagata masaya ako na makita na masaya ka ulit." sabe ni Aika at tinignan si Hanagata bago naglakad.
Tuwang tuwa rin si Kiyota dahil natanggap na ang kapatid nya ng mama ni Toru sa sobrang saya nya niyakap nya si Zeigh sa tabi pa mismo ni Hanagata.
"Ang saya ko Zeigh sobra." sabe ni Kiyota habang nakayakap kay Zeigh.
"Masaya din ako Kiyota."
"Para paraan hah." bulong ni Mitsui habang nakatingin sa dalawa.
"Halika na Kiarra mamamasyal tayo ibibili kita ng gamit gusto ko magandang maganda ka para hindi ka ipagpapalit ng anak ko." sabe nito saka hinawakan si Kiarra.
"Tita sama ako." singit ni Sakuragi.
"Ako din tita." sabe naman ni Kiyota.
"Sige sumama na kayong lahat." sabe nito sa team.
"Natapos nga ang problema mo pero mukhang sasakit naman ang ulo mo." bulong ni Fujima kay Hanagata.
"Hay naman." napapabuntong hininga na lang ni Hanagata.
Pumunta sa mall ang team kasama sila Zeigh, Allen Kiarra at ang mama ni Toru.
"Sakuragi gusto mo ba yan?" tanong nito ng makita na tinitignan ni Hanamichi ang damit.
"Masyado pong mahal yan tita wala po akong ganung kalaking pera." sagot ni Sakuragi.
"Kunin mo ako na ang mag babayad regalo ko na sayo."
"Talaga tita nakakahiya naman ang bait nyo. Oh narinig mo manang ibalot mo na yan." utos ni Sakuragi sa babae.
"Nahiya pa sya nun hah." sabe ni Mitsui at nagtawanan sila Sendoh.
"Ikaw Kiarra wala kabang gusto?" tanong nito.
"Wala po masaya na po ako na kasama kayo at ang team pati si Hanagata." sagot ni Kiarra.
"Masaya din ako na kasama kita." ngiting sabe naman ni Hanagata at hinawakan ang kamay ni Kiarra.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...