THIRTY ONE

550 108 4
                                    

Pag gising ni Zeigh nakita nya ang kuya nya na nanonood ng basketball.

"Kuya wala kabang pasok?" tanong ni Zeigh.

"Meron." tipid na sagot ni Hanagata.

"Eh bakit hindi kapa kumikilos? Sige ka baka malate ka nyan." sabe ni Zeigh saka naglakad papuntang kusina.

"Zeigh mahal ka ni kuya lage mo tatandaan yan." seryosong sabe ni Hanagata saka pinatay ang tv.

Nagtaka si Zeigh kung bakit ganun ang sinabe ng kuya nya sa kanya.

"Kuya iiwan mo ba ako?" tanong ni Zeigh

"Hindi kita iiwan kapatid kita eh. Gusto ko lang malaman mo na kahit hindi tayo magkadugo mahal kita at tinuring kita bilang kapatid tandaan mo yan Zeigh lage ka mag iingat I love you. Sige na maliligo na ako." sabe ni Hanagata..

Hindi nya alam kung bakit bigla syang kinabahan. "Bakit ganun magsalita si kuya parang nagpapaalam na sya." bulong ni Zeigh.

Nauna naman pumasok si Kiarra at hindi na nya ginising ang kuya nya. Hindi pa man nakakarating si Kiarra sa school ng may humarang sa kanya.

"Hi miss ikaw ba si Kiarra?" tanong ng lalaki.

"Ako nga sino kayo?" tanong ni Kiarra.

"Sya nga ata yung kapatid nung Kiyota." bulong naman ng isang lalaki.

"Bakit nyo kilala ang kuya ko? Wag nyong sabihin may balak kayong masama sa kanya."

"Sumama ka samin.....

Walang nagawa si Kiarra kundi sumama. "Saan nyo ba ako dadalin kung pera lang ang kailangan nyo bibigyan ko kayo wag nyo lang akong patayin. Maawa naman kayo sakin hindi ko pa nga nararanasan magka boyfriend eh." mangiyak ngiyak na pakiusap ni Kiarra.

"Kami rin naman wala pang girlfriend since birth kaya tumahimik ka dyan."

"Talaga? Wala kang naging girlfriend? Ang gwapo mo tapos walang nagkagusto sayo." sabe ni Kiarra.

"Binusted kasi ako pag tapos kong ibigay lahat hindi naman pala ako mahal." kwento nito at naawa naman si Kiarra.

"Kawawa ka naman. Eh bakit hindi mo subukan ulit magmahal?" tanong ni Kiarra.

"Miss kinidnap ka namin hindi para makipag daldalan samin." sabat ng isang lalaki.

"Ang sungit mo naman. Ano bang pangalan mo kuya?" tanong ni Kiarra.

"Darwin." sagot nito.

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo Darwin bagay sa itsura mo." ngiting sabe ni Kiarra.

"Talaga hehehe."

"Alam nyo ba may gusto akong lalaki balak ko na nga syang sagutin ngayon kaya lang kinidnap nyo ko kaya di ko tuloy sya masasagot hay." sabe ni Kiarra at nalungkot naman ang apat na lalaki kasama na dun si Darwin.

"Gusto mo sagutin mo muna sya bago ka namin kidnapin tutal naman hindi pa tayo nakakalayo." sabe ni Richard.

"Talaga? Ang bait nyo naman."

"Hindi naman talaga namin balak kidnapin ka. May kasalanan kasi ang kuya mo ganun din si Hanagata sa boss namin." seryosong sabe ni Darwin.

"Bakit ano bang kasalanan ni Hanagata at ng kuya ko sa boss mo?" tanong ni Kiarra.

"Pasensya kana Kiarra hindi namin pwedeng sabihin. Hindi naman kami masamang tao napag utusan lang kami dahil kailangan namin ng pera pasensya kana kung nadamay kapa."

"Alam ko naman mabait kayo pwede bang wag nyo nalang saktan ang kuya ko at si Hanagata. Ako nalang ang dalin nyo sa boss nyo handa naman akong mamatay." sabe ni Kiarra.

Samantala pupungas pungas naman si Kiyota ng magising. "Hindi manlang ako ginising. Anong oras naba." sabe nito saka tumingin sa relo..

"Naku lagot late na ako. Yare nanaman ako nito kay Jin." sambit ni Kiyota saka nagmamadaling kumilos..

Hinatid naman ni Hanagata si Zeigh sa KAINAN bago sya pumasok sa SHOYO. "Thank you kuya ingat ka."

Pag alis ni Hanagata sa KAINAN dumiretso na agad sya sa SHOYO pero hindi pa man nakakalayo ng may babaeng lumapit sa kanya.

"Hi." ngiting bati ng babae kay Hanagata.

Hindi naman pinansin ni Hanagata ang babae at dire-diretso syang naglakad. "Masyado kana man snabero hindi kana man masyadong sikat." sabe nito at nainis naman si Hanagata.

"Hindi pala ako sikat bakit nagpapacute kapa sakin." pagsusungit ni Hanagata sa babae.

"Ano kayang gagawin mo oras na malaman mong may nangyare sa kaibigan mo o di kaya sa taong mahal mo."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Hanagata.

"Wala sige maiwan na kita."

Nagmamadaling pumunta sa SHOYO si Hanagata para makita si Kiarra.

"Nasaan si Kiarra? Wala paba sya? Dumating naba sya?" sunod sunod na tanong ni Hanagata sa team..

"Wala pa sya. Bakit kaba nagmamadali Hanagata?" tanong ni Fujima.

"Hindi kaya sya yung...

Hindi na naituloy ni Hanagata ang sasabihin at lumabas ito ng gym para hanapin si Kiarra. Nakailang tawag na rin sya sa dalaga pero cannot be reached ito..

Sinubukan naman tawagan ni Hanagata si Kiyota para tanungin kung magkasama ang dalawa. "Hello pre bakit?" tanong ni Kiyota sa kabilang linya..

"Si Kiarra ba naka alis na ng bahay? Magkasama ba kayo?" tanong naman ni Hanagata.

"Kanina pa sya naka alis wala paba sya dyan? Akala ko nga magkasama na kayo hindi ko na kasi sya matawagan eh." sagot naman ni Kiyota.

Biglang kinabahan si Hanagata ganun din si Kiyota.

"Wag mong sabihin pre na may nangyareng masama sa kapatid ko." sabe ni Kiyota sa kabilang linya...

"Nasaan ka? Magkita tayo." sabe ni Hanagata..

"Ako na lang pupunta dyan. Pakiusap wag mo muna ipaalam sa team." sabe ni Kiyota at sumang ayon naman si Hanagata sa gusto nito.

Dumiretso nga si Kiyota sa school ng SHOYO para makipagkita kay Hanagata. Wala naman alam sila Fujima ganun din ang team dahil hindi nga sinabe ni Hanagata na nawawala si Kiarra...

✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon