"Grabe naman Ron ang dami nito para sakin ba lahat to?" tanong ni Kiarra ng makita ang mga pasalubong.
"Oo sayo lahat yan dahil yung sa kuya mo nakuha na nya hehehe...
"Anong kaguluhan to." bungad nila Kiyota kasama ang KAINAN at si Zeigh.
"Hi." bati ni Zeigh ng makita si Kiarra.
"Ikaw ba si Zeigh aba naman kuya jackpot ka maganda naman pala. Ako nga pala si Kiarra ang nag iisang pinaka maganda at pinaka sexy na kapatid ni kuya Nobunaga." pakilala ni Kiarra at natawa sila Maki at Jin.
"Panget kamo." bulong ni Kiyota.
"Ako pala si Zeigh kapatid ni Toru Hanagata."
"Oh bakit parang nalungkot ka?" tanong ni Kiyota sa kapatid.
"Eh kasi kuya akala ko okay na di pa pala schoolmate lang pala ako sa kanya."
"Eh ano bang gusto mo schoolmate naman talaga kayo. Isa pa hindi kasi ang tulad mo ang tipo ni Hanagata kaya wag kana mag assume na magugustuhan ka nun." pang aasar ni Kiyota habang tumatawa.
"May naikwento si kuya sakin meron syang babaeng nagugustuhan at nag ngangalang Kiarra." sabat ni Zeigh.
"Talaga? Ibig sabihin gusto ako ng kuya mo? Ate Zeigh I love you na."
"Baka naman gusto mo kong ipakilala sa kanila Kiarra." singit ni Ron.
"Ay sorry. Nga pala si Ron ang kababata namin ni kuya." pakilala ni Kiarra.
"Hi Ron." bati ni Jin.
"Nagbabasketball kaba?" tanong naman ni Maki.
"Oo point guard ang position ko." sagot ni Ron.
"Talaga? Gusto mo pumasok sa KAINAN." sabe ni Jin
"Wag na pre dahil sa SHOYO sya papasok hindi ba Ron." sabat ni Kiyota
"Pag iisipan ko kung sa SHOYO ako papasok o sa KAINAN." sagot na lang ni Ron.
"Ron wag mo liligawan si Zeigh at Amber samin na yun ni Jin." bulong ni Kiyota.
"Oo naman. Alam mo naman si Kiarra ang gusto ko." sagot ni Ron.
Paglabas ni Hanagata nagulat sya ng makita si Aika. "Anong ginagawa nya rito nakauwi na pala sya."
"Aika....
Hindi sumagot si Aika at nagmadali itong maglakad.
"Aika." pagtawag ulet ni Hanagata.
Huminto naman si Aika at ngumiti.
"Kamusta kana? Hindi sana ako pupunta rito pasensya kana kung nagpakita pa ako sayo."
"Kamusta na kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Hanagata..
"Masaya naman." sagot ni Aika..
"Masaya? Bakit hindi yun ang sinasabe ng mga mata mo para kang naiiyak Aika. Nung pinili mo sya at iwan ako masaya kaba talaga?" tanong ni Hanagata.
"Gusto mo ba malaman ang totoo? Sinagot ko sya kasi hindi mo ko kayang pahalagahan ni hindi mo nga masabe sakin na mahal mo ko huli na ng malaman ko na gusto mo ko. Lage ka nagpaparinig sakin na gusto mo ko pero di mo naman pinapakita. Oo Hanagata di ako masaya sa kanya kahit na matagal na kaming magkarelasyon kasi hindi ko magawang kalimutan ka."
"Bakit mo sya sinagot kundi mo sya mahal? Para ano para saktan ako?" tanong ulet ni Hanagata.
"Hindi ganun Hanagata...
"Anong hindi ganun Aika? Alam mo kung gaano kasakit mawalan. Nang iwan ako ng ex ko dahil namatay sya alam mo yun pero ginawa mo rin iwan ako." bulyaw ni Hanagata.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...