TEN

790 104 5
                                    

Naisipan ni Kiarra na ipagluto si Hanagata ng almusal kahit na nga ba para sa kanya malabong maging sila. "Bakit ba masaya ko eh tanggapin nya o hindi okay lang." sabe ni Kiarra habang inaayos ang baon nya at ang baon na ginawa nya para kay Hanagata.

"May sayad kaba? Bakit nagsasalita ka mag isa? Isa pa bakit dalawa yang baon mo?" tanong ni Kiyota ng makita na dalawa ang laman ng paper bag.

"Ano kasi kuya yung isa para sakin yung isa para kay Hanagata." sagot ni Kiarra.

"At kailan kapa nagluto ng baon ng lalaki? Ako ngang kuya mo di mo mapagluto si Hanagata pinagluluto mo ang lakas ng tama mo."

"Bakit ikaw malakas rin naman tama mo kay ate Zeigh pareho lang tayo kuya. Gusto mo pag luto mo rin sya sigurado kikiligin yun." sabe ni Kiarra.

"Aba oo nga ayos yang naisip mo hehehe."

"Ang galing ko hehehe." bulong ni Kiarra saka naglakad palabas..

Hindi na sya nagpaalam sa kuya nya dahil ayaw nyang tanungin sya nito. "Kung mautak si kuya mas mautak ako laking bonakid ata to HAHAHAHA."

Hindi pa man nakakapasok sa loob nakita nya si Hanagata na nakatambay sa gate. "Aba akalain mong hinihintay ako ng prince charming ko. Ang ganda ko talaga hehehe." sabe ni Kiarra saka nilapitan si Hanagata.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Bakit late naba ako? Maaga pa tsaka wala naman tayong usapan dalawa."

"Halika na." agad na hinawakan ni Hanagata ang kamay ni Kiarra.

"Saan ba tayo pupunta?" naiinis na tanong ni Kiarra.

"Pupunta tayo sa science lab." sagot ni Hanagata.

"Anong gagawin ko dun?" tanong naman ni Kiarra.

"Pwede ba wag ka maraming tanong sumama kana lang."

"Hanagata." pagtawag ni Miggs.

"Sabi ni sir dismiss daw wag kana pumunta dun. Hi Kiarra." bati ni Miggs at binigyan ng magandang ngiti ang dalaga.

"Hi din." bati naman ni Kiarra.

Nagtaka si Kiarra ng bitawan sya ni Hanagata at maglakad mag isa.

"Ano nanaman kaya ang problema nun. Sige Miggs hahabulin ko lang nireregla ata." natatawang sabe ni Kiarra saka tumakbo.

"Toru...

"Hanagata...

"Pogi....

Hindi lumilingon si Hanagata kahit anong tawag ni Kiarra sa kanya.

"Hoy bingi kaba? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo." sigaw ni Kiarra at hinarap si Hanagata.

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo?" tanong ni Hanagata.

"Ikaw hehehe....

Napangiti na lang tuloy si Hanagata sa kakulitan ni Kiarra kaya hinawakan nya ulit ang kamay nito. "Ang kulit mo." sabe ni Hanagata....

"Maganda naman. Alam mo pinagluto kita teka may baon kaba?" tanong ni Kiarra.

"Oo meron pero kung pinagluto mo ko yung sayo na lang ang kakainin ko."

"Nyemas naman ang sweet nya." bulong ni Kiarra.

Pumunta ang dalawa sa rooftop para dun kumain. "Bakit naman dito tayo kakain?" tanong ni Kiarra.

"Kasi ayoko ng maingay gusto ko tahimik lang habang kumakain." sagot ni Hanagata.

"Ah ganun ba kaso maingay ako habang kumakain okay lang sayo yun?"

"Okay lang."

Hindi maiwasan ni Kiarra na titigan si Hanagata dahil ang cute nito kung kumain.

"Alam mo ang pogi mo tas ang cute mo pa virgin kapa ba?" tanong ni Kiarra...

Muntik ng maibuga ni Hanagata ang kinakain nya sa tanong ni Kiarra.

"Ano bang klaseng tanong yan. Kumain kana nga lang."

"Nag tatanong lang naman. Ilan nga pala ang kapatid mo? May nanay at tatay kapa ba?" tanong ulet ni Kiarra.

"Alam mo hindi ka nauubusan ng tanong. Pwede kumain kana lang."

"Gusto kasi kita makilala kaya marami akong tanong sayo. Bakit nga pala Toru name mo?"

"Tanong mo sa nanay ko kung bakit? Hindi ko alam Kiarra."

"Eh ano bang name ng nanay mo?" tanong ni Kiarra.

"Alam mo para kang reporter bukas lahat ng tanong mo sasagutin ko wag ngayon okay na?"

"Bakit di pwede ngayon?" tanong ulit nito.

"Alam mo pag di kapa tumahimik hahalikan na kita." seryosong sabe ni Hanagata.

Hindi na nga nag tanong pa si Kiarra at tahimik lang itong kumain.

"Ang mama ko at papa ko hindi ko kasama wala sila rito. Si Zeigh hindi ko totoong kapatid pero kinupkop ko sya dahil walang mag aalaga sa kanya sa madaling salita nag iisang anak lang ako. Ang pangalan ng nanay ko Hazelmin Kaisuki Hanagata ang tatay ko Lenard Haruki Hanagata. Okay naba yun?" tanong ni Hanagata kay Kiarra.

"Ang ganda pala ng name ng nanay mo bakit ikaw Toru?"

"Bakit ano ba problema sa pangalan ko unique nga eh."

"Eh san kana man pinaglihi ng nanay mo?"

"Hindi ko alam Kiarra basta ang alam ko ayoko ng makulit."

"Ayaw mo ng makulit pero lapit ka ng lapit sakin alam mo bang makulit ako." sabe ni Kiarra sabay ngiti kay Hanagata.

"Alam mo kasi boring ang buhay ko kapag di kita nakikita o nakakausap. Masaya ka kasi kasama Kiarra hindi ko alam basta nakakalimutan ko lahat ng problema ko pag kasama kita." seryosong sabe ni Hanagata.

"May problema ka? Anong problema mo?" tanong ni Kiarra.

"Ikaw ang laki mong problema sakin. Tumayo kana papasok na tayo."

"Grabe naman problema pala ang dulot ko sa kanya." bulong ni Kiarra.

Hindi naman maiwasan ni Hanagata na ngumiti habang nag lalakad papuntang gym.....

✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon