Umiiyak naman si Kiarra habang nakayakap kay Hanagata. "Hindi ko na uulitin tahan na." pag aalo ni Hanagata at mahigpit na niyakap si Kiarra.
"Hindi ko akalain na pervert ka pala Hanagata wala kasi sa itsura mo."
Imbes na mainis si Hanagata tumawa lang ito ng malakas. "Ako pervert hindi mo ata kilala ang isang Hanagata. Kiarra next time na magkikita tayo hindi kana lang iiyak sa takot kundi iiyak kana lang sa sarap."
Iniwan na ni Kiarra si Hanagata para pumunta sa library. "Hi Miss." bati ng lalaki
"Hi din." bati naman ni Kiarra.
Umupo ang lalaki sa tabi ni Kiarra at wala itong ginawa kundi titigan sya.
"Alam nyo kuya kung nagpunta lang kayo dito para titigan ako bibigyan ko na lang kayo ng picture ko hehehe. Hindi kasi ako makapag focus sa ginagawa ko." biro ni Kiarra.
"Ah ganun ba sorry. Ako nga pala si Miggs bestfriend ni Hanagata at kababata nya ikaw ba si Kiarra?" tanong ni Miggs.
"Ako nga paano mo naman nalaman?" tanong ni Kiarra.
"Paano ko hindi malalaman may scandal kayo ni Toru." sabe ni Miggs at pinakita ang video na naghahalikan sila ni Hanagata.
Halos pagpawisan si Kiarra ng makita ang video nila ni Hanagata.
"Naku lagot ako nito kay kuya."
"Dont worry hindi to kakalat dahil ako lang ang may copy sinend sakin ni Takano at Hasegawa. Hindi ko akalain na hahalikan mo si Hanagata kasi mailap sa babae yun."
"Ang totoo diko naman talaga gagawin yun inutos kasi nya yun eh. Ako naman si tanga ginawa pero kasi masunurin ako kaya ko ginawa." kwento ni Kiarra...
"Miggs tara na." pagtawag ni Hanagata.
"Pwede bang mamaya na nag eenjoy akong kausap si Kiarra." sagot ni Miggs.
"Kumalat naba ang scandal namin dalawa?" tanong ni Hanagata saka naupo sa tabi ni Kiarra.
"Well hindi pa naman ikalat ko ba?" tanong ni Miggs...
"Wag naman hindi ko naman talaga sinasadya eh. Hayaan nyo bukas na bukas mag tatransfer ako sa RYONAN."
"Bakit dun ka lilipat dahil crush mo si Sendoh?" tanong ni Hanagata.
"Hindi noh ayoko lang kasi na magkaroon ako ng issue sayo lalo na sikat kapa baka iba isipin mo sakin. Ayoko na rin guluhin ang tahimik mong mundo." paliwanag ni Kiarra.
"Gusto kong guluhin mo ang tahimik kong mundo Kiarra."
"Talaga ba hehehe."
"Joke assuming ka halika na Miggs." sabe na lang ni Hanagata saka lumabas ng library..
Tawang tawa si Miggs habang naglalakad sila ni Hanagata. Sa sobrang inis naman ni Kiarra sumigaw sya ng malakas.
"Bwesit ka Hanagata ipapakulam talaga kita makikita mo." inis na sigaw ni Kiarra.
"Miss wag kayong maingay library po to at hindi perya."
Biglang naisip ni Kiarra na nasa library nga pala sya. "Sorry po."
"Pare ayos si Kiarra di mo ba sya gusto? Kung ayaw mo sa kanya pwede bang ligawan ko sya?" tanong ni Miggs
Hindi naman kumibo si Hanagata at seryoso lang itong nag lakad. "Ano pare pwede ba?" tanong ulet ni Miggs.
"Bakit nagpapaalam ka sakin? Unang una di kami close ng babaeng yun pangalawa wala akong pakialam kung ligawan mo sya." sagot ni Hanagata.
"Sigurado kaba dyan? Alam mo mukha syang masaya kasama nakakatuwa yung mga ganung babae hindi boring at tsaka ang daldal nya hehehe."
"Ikaw ang bahala kung gusto mo syang ligawan." sabe na lang ni Hanagata..
"Alam mo pare kaya ka ganyan kasi nadala ka kay Aika tama ba? Pero hindi naman lahat katulad ni Aika iba si Kiarra sa kanya pare. Oo pareho sila ni Aika na makulit pero paano kung hindi kana man iwan ni Kiarra sa ere.....
Naisip ni Hanagata na tama si Miggs magkaiba si Kiarra at Aika pero para sa kanya iiwan parin sya ng mga babaeng mamahalin nya katulad ni Aika at ng ex nya...
"Walang forever Miggs kaya wag kana magtiwala sa love."
"Ang bitter mo sa love pare. Sige liligawan ko si Kiarra pero walang sisihan sa huli kapag napasagot ko sya." sabe ni Miggys.
"Bahala ka."
Nang matapos ang klase ni Kiarra umuwi syang mag isa dahil wala pa naman syang close sa school maliban kay Ashley at Sasaki.
"Hay sana ka batch ko na lang si Ashley at Sasaki para sabay sabay kami. Mag isa nanaman tuloy akong uuwi." sabe ni Kiarra habang naglalakad
"Wag mong kausapin ang sarili mo nakakabaliw yan." bungad ng matangkad na lalaki.
"Sino ka?" tanong ni Kiarra.
"Hindi mo ko kilala?" tanong ng lalaki.
"Eh kung kilala kita hindi naman ako mag tatanong eh sino kaba?" tanong ulet ni Kiarra.
"Hehehe ako si Hisashi Mitsui ang pinaka magaling na 3 point shooter ng SHOHOKU."
"Weh pinaka magaling ka? Teka paano ko maniniwala na magaling kang maglaro kung di ko naman nakita." sabe ni Kiarra.
Kinuha ni Mitsui ang bola nya sa bag at nag dribble ito pinaikot ikot pa nito ang bola sa kamay nya. "Ano naniniwala kana ba? Wala kasing ring dito kaya ito lang mapapakita ko sayo."
"Ang galing mo nga ikaw na ang idol ko."
"Ayos ba? Ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Mitsui.
"Kiarra nice meeting you Mitsui."
Sabay na naglakad si Mitsui at Kiarra habang masayang nagkukwentuhan. "Alam mo bang masarap mag laro ng basketball nakakawala ng problema." kwento ni Mitsui.
"Talaga. Ang kuya ko manlalaro din kaso hindi sa SHOYO kundi sa KAINAN."
"Sinong kuya mo sa KAINAN?" tanong ni Mitsui.
"Si kuya Nobunaga." sagot ni Kiarra.
"Ano magkapatid kayo ni Kiyota? Hanep may kapatid pala yung unggoy na yun. Bakit hindi kayo magkamukha ikaw tao yung kuya mo hayop." pang aasar ni Mitsui.
"Hindi ko nga rin alam bakit di kami magkamukha kung sabagay maganda ako sya panget hahaha."
"Ayos ka hehehe." sabe na lang ni Mitsui.
Natutuwa si Mitsui dahil nakilala nya ang kapatid ni Kiyota na si Kiarra. Hinatid pa nya si Kiarra bago ito tuluyang nagpaalam....
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...