TWENTY THREE

633 106 10
                                    

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Kiarra kay Hanagata.

"May pupuntahan tayo."

"Oo nga alam kung may pupuntahan tayo pero saan nga tayo pupunta?" tanong ulet ni Kiarra.

"Ipapakilala kita sa kanya." sagot ni Hanagata

Samantala nagtaka naman sila Kiyota at Sakuragi kung bakit nawala si Hanagata at Kiarra.

"Nasaan na yung kapatid ko?" tanong ni Kiyota kay Zeigh.

"Umalis sila Kiyota. Ngayon kasi darating ang magulang ni Hanagata at ipapakilala nya si Kiarra." sagot ni Maki.

"Wag ka mag alala Kiyota mabait ang mga magulang ni kuya Toru for sure ako magugustuhan nya si Kiarra." ngiting sabe naman ni Zeigh.

"Ang mga magulang mo kaya magustuhan ako?" tanong ni Kiyota.

"Oo naman oras na mahanap ko na sila ipapakilala kita sa kanila pangako yan." sabe ni Zeigh at ngumiti naman si Kiyota.

Pag dating nila sa airport nakita agad ni Hanagata ang Mommy nya.

"Ma." pagtawag ni Hanagata.

Agad naman lumapit ang mama nya at tinignan si Kiarra "Sino sya?" tanong ng mama nya.

"Ah ma sya si Kiarra." pakilala ni Hanagata.

"Kiarra? How about Aika?" mataray na tanong nito.

"Ma matagal na yun si Kiarra na ang gusto ko." sagot ni Hanagata.

"Ako po pala si Kiarra Kiyota kapatid ng nag iisang Nobunaga Kiyota nice meeting you mam." ngiting pakilala ni Kiarra.

"Anak paki kuha naman tong maleta ko gusto kong magkwento ka sakin pag uwi natin." sabe nito na hindi man lang pinansin si Kiarra.

Kinuha ni Hanagata ang maleta ng mama nya at kinuha naman ni Kiarra ang bag nito. "Ako na iha mahal yan baka masira." pagtataray nito.

"Pasensya na po." hinging pumanhin ni Kiarra.

Nagulat si Hanagata kung bakit ganun ang pakikitungo ng mama nya kay Kiarra. "Ma wag mo naman tarayan si Kiarra." bulong ni Hanagata.

"Okay. Nasaan nga pala si Zeigh marami akong pinamili para sa kanya ganun din kay Aika....

"Ma pwede ba wag muna banggitin si Aika nakakahiya kay Kiarra." sabe ni Hanagata na hindi maiwasan mainis.

"Okay lang yun Hanagata." sagot na lang ni Kiarra.

Dumiretso sila sa bahay at masayang masaya sila Zeigh at ang team ng makita ang mama ni Hanagata.

"Tita aba lalo kang gumaganda hah." pambobola ni Sendoh.

"Tita." bati ni Fujima.

"Ang lalaki nyo na hah pero ikaw Fujima at Ryota hindi ata kayo lumaki." pang aasar nito.

"Tita naman nang asar pa." napapasimangot ni Ryota.

"Sya ba ang mama ni Hanagata?" tanong ni Kiyota.

"Oo Kiyota ang ganda noh." sagot ni Maki.

Si Sakuragi, Kiarra, Rukawa at Kiyota lang ang hindi nakakakilala sa mama ni Hanagata.

"Ma si Kiyota nga pala kapatid ni Kiarra." pagpapakilala ni Zeigh.

"Nice meeting you iho ikaw ba manliligaw ni Zeigh wag mo paiiyakin tong anak ko hah." sabe nito kay Kiyota.

Natuwa naman si Kiyota dahil napaka bait ng mama ni Hanagata sa kanya.

"Wag po kayo mag alala hinding hindi ko po sya sasaktan. Nice meeting you tita." sabe ni Kiyota at niyakap ang mama ni Hanagata.

"Nakakatuwa ka naman halika pumasok kayo sa loob magluluto ako." sabe nito sa team.

Nagtataka si Kiarra kung bakit pag dating sa kuya nyang si Kiyota hindi ganun ang pakikitungo kumpara sa kanya kanina.

"Ayaw ba sakin ng mama mo?" tanong ni Kiarra kay Hanagata.

"Hindi ka palang nya kasi kilala kaya ganun sya." sagot ni Hanagata

"Bakit kay kuya hindi sya ganun bakit sakin parang iba." sabe ni Kiarra at hinawakan naman ni Hanagata ang kamay nya.

"Gusto ka nya okay wag kana malungkot sige ka papanget ka." biro ni Hanagata saka hinalikan sa pisnge si Kiarra.

Ngumiti na lang sya at pumasok na sa loob kasama ng team....

Tinawag ng mama ni Hanagata ang team para sabay sabay ng kumain. "Grabe tita pag nagluto talaga kayo parang fiesta sa dami." sabat ni Mitsui.

"Minsan ko lang kasi kayo makasama. Ikaw iho anong pangalan mo?" tanong nito kay Rukawa.

"Kaede Rukawa po."

"Para kang si Toru hindi pala salita. Ikaw naman iho anong pangalan mo?" tanong naman nito kay Sakuragi.

"Hanamichi Sakuragi po ang pinaka magaling sa buong distrito ng KANAGAWA wahahaha."

"Naku tita wag kayo maniniwala dyan gung gong yan eh." sabat ni Kiyota at nainis naman si Sakuragi.

"Tumahimik ka baka gusto mong pakainin kita ng saging." sabe ni Sakuragi.

"Nakakatuwa kayong dalawa. Bakit nga pala hindi nyo kasama si Allen?" tanong nito kay Fujima.

"Nabalitaan nyo na po pala na nakabalik na sya hayaan nyo tita isasama ko sya." sagot ni Fujima.

"Ah tita kilala nyo na po ba si Kiarra?" tanong ni Jin.

"Yes kilala ko na sya."

"Alam nyo tita nakakatuwa yang si Kiarra nung unang pasok nya sa SHOYO hinalikan nya agad si Hanagata." kwento ni Takano at siniko sya ni Toru.

"Talaga? Malanding babae ka pala kung ganun." pang iinsulto nito kay Kiarra.

"Ah tita nagkakamali po kayo sa ibig sabihin ni Takano hindi po ganun." paliwanag ni Fujima.

"Hindi po malanding babae ang kapatid ko. Pinalaki po kaming maayos ng mga magulang namin." paliwanag din ni Kiyota.

"Siguro ikaw lang iho ang pinalaki ng maayos ng mga magulang mo pero itong si Kiarra I dont think so kung maayos nga ba ang pagpapalaki sa kanya. Walang matinong babae na hahalik sa isang lalaki maliban na lang kung nagmamahalan sila." seryosong sabe nito.

"Nagmamahalan kami ma kaya ginawa ni Kiarra yun tsaka ginusto ko yun ma." pagtatanggol ni Hanagata.

Hindi mapigilan ni Kiarra na maiyak sa harap ng team dahil sa mga sinabe ng mama ni Hanagata.

✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon