EIGHTEEN

723 109 7
                                    

Pinuntahan ni Kiyota ang kapatid at nakita nya itong umiiyak.

"Bunso umiiyak ka." pang aasar ni Kiyota.

"Tumatawa ako kuya dun kana nga inaasar mo nanaman ako."

"Wag kana umiyak hindi naman na mahal ni Hanagata si Aika kasi ang sabe nya mas mahal daw nya yung nag ngangalang Kiarra hehehe."

"Talaga kuya? O baka naman sinasabe mo lang yan para di ako umiyak. Kuya panget ba talaga ako kaya walang nagkaka gusto sakin?" tanong ni Kiarra.

"Hindi ka panget walang nilalang ang diyos na panget tandaan mo yan. Inaasar man kitang panget pero hindi yun totoo magkamukha nga tayo di ba hahaha. Isa pa hindi naman lahat ng lalaki aamin sa taong gusto nila tulad ni Hanagata na walang lakas ng loob na umamin sayo pero dahil ayaw nya maulit yung nangyare sa kanila ni Aika dati umamin sya dahil mahal ka nya." paliwanag ni Kiyota.

"Salamat kuya. Masaya ako dahil ikaw ang naging kapatid ko kahit lage mo kong binubully I love you kuya."

"Bully nga ako pero ikaw sumbungera hahaha. I love you too wag kana umiyak ha di kana nga maganda umiiyak kapa lalo ka tuloy pumanget hahaha."

..............................

Maagang nagising si Hanagata at nakita nyang nagluluto ng almusal si Zeigh.

"Good morning kuya." bati ni Zeigh

"Anong oras ang uwi mo?" tanong ni Hanagata saka naupo.

"Mga 7:30 siguro kuya sasama kasi ako kanila Kiyota manonood kami ng laro ng MEURADAI ngayon tapos pupunta kami sa bahay ni Jin." sagot ni Zeigh..

"Bakit anong meron sa bahay nila Jin?" tanong ni Hanagata.

"Mag aaral kami ni Kiyota....

"Bakit sa bahay pa ni Jin wala bang bahay si Kiyota at ikaw? dun pa talaga sa bahay ni Jin. Ikaw Zeigh baka di pag aaral yang inaatupag mo hah." panenermon ni Hanagata sa kapatid.

"Kuya wala kabang tiwala sakin? Nakita mo naman average ko wala akong bagsak. Ang totoo kaya ako pupunta sa bahay ni Jin para turuan si Kiyota dahil di sya makakasama sa laro kapag di nya naipasa yung exam nya. Pagtutulungan namin ni Amber at Jin na turuan si Kiyota. Kuya hindi ako gagawa ng ikakasira ng tiwala mo nangako ako sayo di ba." sabe ni Zeigh saka nagtungo sa kwarto...

"Bakit ba napaka drama ng mga babae nag tanong lang naman ako hay." napapakamot na lang si Hanagata saka pinuntahan si Zeigh sa kwarto.

Maaga naman dumating si Allen sa gym at nakita nyang si Hasegawa palang ang tao. "Good morning." bati ni Hasegawa.

"Morning." tipid na sagot ni Allen.

"Nag almusal kana ba?"

"Hindi pa wala akong gana." sagot ni Allen.

"Bakit dahil nakita mo ko? Hindi ba pwede maging magkaibigan na lang tayo kesa lage mo kong inaaway." sabe ni Hasegawa..

"FYI hindi kita inaaway. Isa pa wala talaga akong ganang kumain sa umaga." paliwanag ni Allen at napangiti naman si Hasegawa.

"Wag kang ngumiti hindi bagay sayo." pagsusungit ni ni Allen saka umalis

"Hindi daw nya ako inaaway sinusungitan lang menopause na siguro yung babaeng yun lageng masungit." bulong ni Hasegawa.

Tinawagan naman ni Fujima si Hanagata na hindi ito makakasama sa practice dahil may lakad sila ni Maki kaya naman ng maihatid ni Hanagata si Zeigh sa school ng KAINAN dumiretso na agad sya sa gym...

"Bakit late ka Toru?" tanong ni Allen.

"Hinatid ko kapatid ko may problema ba dun Allen."

"Wala naman sige magpalit kana." utos ni Allen.

"Ayos tong babaeng to." bulong ni Takano habang nakatingin kay Allen.

"Papasok kaya sya." bulong ni Hanagata habang iniisip si Kiarra.

"Hanagata nasaan si captain Fujima?" tanong ni Hasegawa habang kumakain ng Ice cream.

"May lakad sila ni Maki. Ang aga aga Ice cream ang binabanatan mo." sabe ni Hanagata at tumawa naman si Hasegawa.

"Bakit gusto mo ba si Allen ang banatan ko." pang aasar ni Hasegawa.

"Di ka uubra dun."

Pagpasok naman ni Kiarra dumiretso agad sya sa classroom para mag review dahil ngayon ang exam nila.

"Kiarra may naghahanap sayo." sabe ni Miles ang classmate nya

"Aika....

"Pwede ba tayo mag usap." sabe ni Aika.

Lumabas ng classroom si Kiarra para kausapin si Aika.

"Tungkol saan ang pag uusapan natin?" tanong ni Kiarra.

"Tungkol sana kay Hanagata. Alam ko na ikaw ang babaeng mahal ni Hanagata ngayon nakikiusap ako sayo pwede bang wag mo syang sagutin oras na ligawan ka nya. Alam kong hindi madali yung hinihiling ko sayo pero ayoko sya mapunta sa iba Kiarra mahal na mahal ko si Hanagata." pakiusap ni Aika.

"Mahal ko rin sya Aika hindi ko kayang gawin ang gusto mo." sagot ni Kiarra..

Umiyak si Aika at lumuhod sa harap ni Kiarra.

"I'm begging you Kiarra may nakaraan kami ni Hanagata at alam kong hindi parin nya yun nakakalimutan...

Walang magawa si Kiarra kundi maawa kay Aika. "Anong ginagawa mo Aika." bungad ni Hanagata kasama ang team at si Allen.

"Papasok na ako may exam pa ako." sabe na lang ni Kiarra ng akmang aalis na ng pigilan sya ni Hanagata.

"Mag usap tayong tatlo." seryosong sabe ni Hanagata saka hinawakan ang kamay ni Aika at Kiarra.

Wala naman reaksyon si Allen dahil di naman nya kilala si Aika lalo na si Kiarra kaya naman umalis na lang ang tatlo para kumain.

"Sino ba yung dalawang babaeng kasama ni Toru?" tanong ni Allen.

"Yung isa na blonde ang buhok si Aika yun yung black naman ang buhok si Kiarra parehong may gusto kay Hanagata." sagot ni Takano habang tumatawa.

"Hay naku nakakasira ng bait ang love kaya kayo isa isa lang hah." sabe ni Allen sa dalawa.

"Wala nga akong girlfriend." sagot ni Takano.

"Ikaw?" tanong ni Allen kay Hasegawa na tahimik lang kumakain.

"Wala rin." tipid na sagot ni Hasegawa.

"Bakit wala? akala ko ba maraming babaeng naghahabol sayo."

"Gusto ko yung challenging ayoko ng ako yung hinahabol." paliwanag ni Hasegawa.

"Ako rin gusto ko rin ng challenging wala na kasing trill hindi pa naman ako magaling magpakilig." sabe ni Allen

"Ako magaling ako dyan kaya lang di eeffect sayo yun mataray ka.". pang aasar ni Hasegawa.

Hindi na lang kumibo si Allen dahil naalala nya ang kaibigan nyang si Rekori.

✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon