Naisipan ni Hanagata na pumunta sa bahay nila Kiyota para kausapin si Kiarra bago sumama kay Dai sa hotel.
"Kiarra....
Pupungas pungas si Kiarra ng tumayo.
"Kuya ikaw ba yan."
"Toru....
"Sorry naistorbo ko ba ang pagtulog mo?" tanong ni Hanagata at biglang niyakap si Kiarra.
"Hindi naman. Anong ginagawa mo rito?"
"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Paano ko sasabihin at kung paano ko gagawin." sabe ni Hanagata saka lumuhod sa harap ni Kiarra.
"Hanagata teka lang hindi pa ako handa. Wag mong sabihin magpo-proposed ka kasagsagan ng gabe pwede ba bukas nalang."
"Dati akala ko wala ng chance na magmahal ako ulit kasi nasaktan na ako ng una at nasaktan ako ng pangalawa pero ng makilala kita nagmahal ako ulit. Hindi ko alam kung tamang lalaki ba ako para sayo? kasi alam kong walang perpektong pag ibig basta ang alam ko mahal kita araw araw. Nang makilala kita inaamin kong ayoko sayo dahil napaka ingay mo walang preno ang bibig mo pero nawindang ako ng hindi ko na marinig ang boses mo. Ang lungkot pala kapag walang maingay sa tabe mo at lalong malungkot pala kapag wala ka. Ang dami kong natutunan sayo kahit na alam kong puro kalokohan yun. Kiarra handa akong maging baliw at sakyan lahat ng kalokohan mo wag ka lang mawala sa buhay ko mahal na mahal kita Kiarra. Handa mo bang mahalin ang isang lalaking tahimik at medyo supladong lalaking katulad ko?" tanong ni Hanagata saka nilabas ang maliit na kahon na naglalaman ng sing sing.
"Putcha Toru syempre naman handang handa ikaw lang naman ang hindi handa hehehe. Hindi kana ba aalis? Hindi muna ba iiwan ang team? Hindi muna ba ako iiwan? Kasi kung ang sagot mo OO tara na sa simbahan."
"Oo hindi na ako aalis Kiarra at hindi ko iiwan ang team lalo kana. Pero bago tayo dumiretso sa simbahan pwede bang tanungin kita ng WILL YOU MARRY ME?" tanong ni Hanagata.
"Yes." sagot ni Kiarra at hinalikan ng mapusok si Hanagata.
"Teka makita tayo ng kuya mo."
"Wala naman sya dito sige na halikan muna ako. Gusto ko katulad sa mga napapanood ko yung halik na parang nakakalasing at halik na parang....
Hindi na naituloy ni Kiarra ang sasabihin ng halikan sya ni Hanagata. Nakasilip naman si Kiyota sa pintuan at napangiti nalang ito dahil alam nyang masaya na ang kapatid nya.
"Sana kami rin ni Zeigh ganyan." bulong ni Kiyota saka umalis para puntahan si Maki.
TSUKOBO VS SHOYO
Dumating ang araw ng laro ng TSUKUBO at SHOYO...
Malungkot si Fujima dahil wala na ang kaibigan nyang si Hanagata.
"Captain wag ka mag alala kahit wala na si Hanagata ipapanalo namin ang laro para sayo at para sa kanya." sabe ni Hasegawa at ngumiti na lang si Fujima.
"FUJIMA BABE Galingan mo." sigaw ni Sasaki..
"Sayang wala si Hanagata." bulong ni Aicelle na wala rin alam sa plano maliban kay Satomi, Nikay, Haruko, Kiarra at Ayako.
"Malay mo naman dumating sya sa kalagitnaan ng laro di ba." sabat ni Satomi.
Samantala nasa labas ang team kasama si Hanagata. Nakausap ni Maki ang referee na may isang player pang maglalaro at walang alam dun si Fujima.
"Akala ko ba sa second half na ako maglalaro?" tanong ni Hanagata.
"Nakita kasi namin malungkot si Fujima kaya nakonsensya kami." sagot ni Eiji.
"Meron ka nun." pang aasar ni Minami.
"Sa oras na ipakilala ng emcee ang player ng SHOYO papasok kana nagkakaintindihan ba tayo Hanagata." sabe ni Maki.
Unang pinakilala ng emcee ang player ng TSUKUBO sumunod naman ang SHOYO.
"Player number 5 TORU HANAGATA....
Halos magtaka si Fujima ng banggitin ng emcee ang pangalan ni Hanagata.
"Wala naman si Toru bakit tinawag ang pangalan nya." tanong ni Hasegawa at Takano.
"Pwede ko bang pabayaan ang team." ngiting bungad ni Hanagata kasama sila Sendoh.
Hindi napigilan ni Fujima na umiyak sa harap ng maraming tao.
"Loko ka akala ko ba aalis ka." sabe ni Fujima.
"Mas importante kayo kesa sa pag alis ko. Ano laro na." sabe ni Hanagata at niyakap si Fujima.
"SHOYO, SHOYO, SHOYO. Sigaw ng mga manonood...
Nagsimula ang laban at unang naka puntos ang SHOYO. Tuwang tuwa ang team na makitang ganado ang SHOYO na maglaro at talunin ang TSUKUBO.
"Si Hanagata at Fujima sila talaga ang buhay ng SHOYO kapag nawala ang dalawang yan wala na ang SHOYO." sabe ni Maki.
"Kaya nga." sang ayon ni Mitsui.
"Galingan nyo SHOYO talunin nyo ang TSUKUBO na yan." sigaw ni Sakuragi.
Inis na inis ang player na si Nangou kay Fujima dahil hindi manlang ito maka puntos dahil sa higpit na ginagawang depensa sa kanya.
"Nakakainis ang poging to di ako makapuntos." bulong ni Nangou ang player ng TSUKUBO.
"Ayos lang yan Nangou maganda ang ipinapakita nila." ngiting sabe ni Godai ang team captain ng TSUKUBO.
"Bakit maganda rin naman ang pinapakita ko. Hindi lang talaga ako makalusot." naiinis na sagot ni Nangou at tumawa ng malakas si Sakuragi.
"Oh ano ka ngayon wala kana man palang binatbat kay Mr. Substitute." pang aasar ni Sakuragi kay Nangou.
"Ang panget na yun nanonood rin pala sya." bulong ni Nangou sabay tingin kay Sakuragi.
"Wag mong pansinin tara na. Kung matatalo tayo ito na ang huli kong laro." sabe ni Godai at bigla naman nakaramdam ng lungkot ang team ng TSUKUBO.
Sa ilang minutong natitira nawalan na ng pag asa ang ACE PLAYER ng TSUKUBO na si Godai kaya naman nilapitan ito ni Fujima.
"Wag mong hayaan na talunin namin ang team mo. Godai ngayon kapa ba susuko? Maglaro tayo dahil alam kong may ibubuga ka." seryosong sabe ni Fujima at napangiti si Godai.
"Kenji."
Nagtataka naman si Maki maging sila Sendoh at Rukawa kung bakit ginawa yun ni Fujima.
"Nababaliw naba yang si Fujima bakit nya pinapalakas ang loob ng kalaban." sabe ni Sendoh.
"Sapalagay ko alam na ni Fujima na mananalo sila pero gusto parin nya na ibigay ng TSUKUBO ang lahat ng makakaya nila dahil para sa kanya may ibubuga ang team nila Godai." sabat ni Eiji.
"Tama ka dyan pre." sang ayon ni Kiyota.
Bago matapos ang first half binigay na ni Godai ang lahat ng makakaya nya. Sya na rin ang gumagawa ng puntos kaya naman natutuwa si Fujima dahil napaka sarap kalaban ni Godai.
Halos magtilian ang mga manonood ng makapuntos ulit ang team ng TSUKUBO.
"Nakakainis bakit di na tumitira ang SHOYO." sabe ni Kiarra.
"Okay lang yan Kiarra lamang naman sila." ngiting sabe ni Ayako.
"Magaling din naman pala ang TSUKUBO kung maglaro pero bakit hindi nakapasok sa finals ang team nila." tanong ni Aicelle.
"Dahil kulang sila sa magagaling na player." sagot ni Sendoh.
Natapos ang first half at nagtabla ang SHOYO at TSUKUBO.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...