TWENTY SIX

633 107 9
                                    

"Nag enjoy kaba Kiarra?" tanong nito ng matapos silang mag shopping at manood ng cine.

"Ako tita nag enjoy sulit na sulit." sagot ni Sakuragi at natuwa naman ito dahil napaka friendly at napakatotoong tao ni Sakuragi.

"Natutuwa ako na nag enjoy ka Sakuragi. Nasaan nga pala si Zeigh?" tanong nito ng hindi makita si Zeigh.

"Saan ba tayo pupunta Kiyota? baka hanapin na tayo."

"Pasensya kana ito lang kasi ang alam kong paraan para masolo ka kasi naman lageng naka bantay ang kuya mo sayo. Zeigh will you marry me." seryosong tanong ni Kiyota.

"Ano? Bakit nagmamadali ka? Hindi pa nga kita sinasagot." sabe ni Zeigh.

"Edi sagutin mo na ako tapos saka ka mag oo sa proposal ko." ngiting sabe ni Kiyota.

"Aba magaling alam ba yan ni Hanagata." bungad ni Sendoh kasama si Rukawa.

"Sapalagay ko hindi." sagot naman ni Rukawa.

"Hindi mo ba ako mahal Zeigh dahil hindi ako gwapo katulad ni Rukawa at Sendoh? dahil hindi ako kasing galing ni Maki at Fujima? Sorry hah ito lang kasi ako Zeigh walang maipagmamalaki sayo pero mahal kita sana hayaan mong mahalin kita." sabe ni Kiyota saka tumakbo.

"Lagot ka." pang aasar ni Rukawa kay Zeigh.

"Binusted mo ba?" tanong naman ni Sendoh.

"Hindi ko sya binusted mahal ko si Kiyota pero hindi pa pwede gusto ko munang hanapin ang tunay kong mga magulang sana maintindihan nya yun." paliwanag ni Zeigh na hindi mapigilan maiyak.

Nakita naman ni Sakuragi at ng team si Kiyota na nakaupo habang nakayuko.

"Ayun pala si unggoy eh." sabe ni Sakuragi habang tumatawa.

"Hindi nya kasama si ate Zeigh." bulong ni Kiarra.

"Iho may problema ba?"

Nakatingin naman si Hanagata at Kiarra kay Kiyota dahil alam nilang hindi ito okay.

"Ayos lang po ako tita uuwi na po ba kayo? Pwede po bang maiwan na lang muna ako dito." sabe ni Kiyota at nagtaka naman ang team.

"Bakit ka magpapaiwan?" tanong ni Maki.

"Wala lang gusto ko lang mag isa." sagot ni Kiyota saka umalis.

"May nangyare ba?" tanong ni Allen kay Kiarra.

"Hindi ko alam kanina naman okay sila ni ate Zeigh." sagot naman ni Kiarra.

"Aba si Unggoy seryoso." pang aasar pa ni Sakuragi at tumakbo para habulin si Kiyota.

"Ano kayang nangyare sa kanila." napapaisip na tanong naman ni Jin.

Dumating naman si Zeigh kasama si Sendoh at Rukawa. "Saan ba kayo nagpunta?" tanong ni Mitsui sa dalawa.

"Umihi." sagot ni Sendoh habang nakatingin kay Zeigh.

"Tara na uwi na tayo." sabe na lang ni Zeigh.

"Mag usap tayo mamaya sa bahay." bulong ni Hanagata sa kapatid.

"Pero wala pa si Hanamichi at Kiyota hindi ba natin sila hihintayin?" tanong ni Ryota.

"Ma pwede bang mauna na kayo ni Allen maiiwan na muna kami ni Zeigh at Kiarra dito." sabe ni Toru sa mama nya.

"Sigurado ba kayo? Sige mauuna na ako at pagod nadin ako."

Nauna ng umalis sila Jin Koshino Allen Hasegawa Takano at Fukuda.

"Ate Zeigh okay ka lang ba?" tanong ni Kiarra.

"Oo." tipid na sagot ni Zeigh.

Samantala kinausap naman ni Sakuragi si Kiyota. "Bakit ganun pre ang sakit."

"Ang alin ang masakit?" tanong ni Sakuragi.

"Itong puso ko pre. Mahal na mahal ko si Zeigh ng makita ko sya nainlove agad ako sa kanya wala syang katulad pre."

"Hahaha si Zeigh pala ang problema mo unggoy. Alam mo ganyan din ako kay Haruko dati ng una ko syang makita nainlove agad ako pero minsan pala susubukin din tayo kung gaano tayo katatag pag dating sa love. Akala ko ng makita ko si Haruko yun na yung babaeng para sakin hindi pala dahil dumating si Aicelle sa buhay ko yung tunay na magmamahal sakin. Ang dami ko rin natutunan sa love sa dami ba naman ng babaeng bumasted sakin pero ngayon masaya na ako. Minsan kasi kailangan mo munang masaktan bago ka maging masaya malay mo sinusubok ka lang nya kung hanggang saan katatag yung pagmamahal mo para kay Zeigh. Ayokong sabihin to pero sa nakikita ko naman sa kanya mahal ka nya dipa nga lang sapat kung ilang percent magtiwala ka sa henyo papunta ka palang nakabalik na ako." seryosong sabe ni Sakuragi kay Kiyota.

"Maaasahan pala tong panget na to. Bakit ang talino nya." bulong ni Kiyota habang nakatingin kay Sakuragi.

"Ano bilib kana ba sa henyo wahahaha."

"Hindi noh." sagot ni Kiyota.

"Tara na unggoy hindi bagay sayo umiyak ang panget mo hahaha." pang aasar ni Sakuragi.

"Pwede ba iwan muna ako kung aasarin mo lang ako."

"Hindi kita iiwan kasi alam kong kailangan mo ko." ngiting sabe ni Sakuragi at natouch naman si Kiyota

"Pinaiiyak mo kong panget ka."

"Wahaha wag kana umiyak laro na lang tayo." sabe ni Sakuragi at niyakap si Kiyota.

"Ang baho mo naligo kaba?" tanong ni Kiyota

"Ikaw na nga yayakapin nagrereklamo kapa wahahaha."

"Anong nagrereklamo ang baho mo talaga." sabe ni Kiyota.

Nakita naman ng team sila Sakuragi at Kiyota na magkayakap. "Himala." bulong ni Maki ng makita ang dalawa.

"Yan si Sakuragi kahit na malakas mang asar maasahan mo." sabe ni Sendoh.

"Hay naku parehong gung gong." bulong ni Rukawa.

"Natutuwa ako na makita silang ganyan." sabe naman ni Fujima.

"Parehong mayabang pero parehong may puso kahit di nila sabihin mahal nila ang isat isa." sabe na lang ni Mitsui.

Natuwa naman ang team ganun din si Kiarra at Zeigh ng makita ang dalawa....

✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon