Natapos ang klase ni Kiarra at dumiretso sya sa library. Nakita naman sya ni Miggs at nilapitan ang dalaga.
"Saan ang punta mo?" tanong ni Miggs.
"Sa library ikaw?...
"Sa puso mo hehehe hindi joke lang sa library din. Gusto ko sana humiram ng book sana payagan tinatamad kasi ako sa library gumawa."
"Ah ganun ba edi kung ganun sabay na tayo....
Nakita naman ni Hanagata at Fujima ang dalawa na magkasama. "Hindi mo ba lalapitan?" tanong ni Fujima.
"Hindi na." tipid na sagot ni Hanagata.
Hindi nalang kumibo si Fujima at ngumiti na lang. "Oh paano uwi na ako may date ako pa ako." sabe ni Fujima.
Bumalik si Hanagata sa gym at nakita nya si Takano at Hasegawa na masaya habang may katext. "Aba mukhang may ka chat kayo hah." bungad ni Hanagata.
"Ako wala si Hasegawa tanungin mo. Mukhang mapapasagot na nya si Shayne." kwento ni Takano.
"Talaga?....
Binasa ni Hanagata ang text at chat ng dalawa at kinikilig sya sa mga pinagsasabe ni Hasegawa kay Shayne. "
"Ganyan kaba manligaw Hasegawa? Ang sweet kahit sinong babae bibigay." sabe ni Hanagata....
"Ayoko sya mawala sakin kung mahal ko sya bakit di ko pa aminin. Isa pa kung mabusted man ako okay lang atleast sinubukan ko pero nakita nyo naman mukhang di ako mababusted." pagyayabang ni Hasegawa.
"Iba ka talaga Hasegawa sana all." sabe na lang ni Takano
"Sana all nga." sabe naman ni Hanagata.
"Si Kiarra di mo ba crush?" tanong ng dalawa.
"Hindi ko crush yun at kahit kailan di ko sya magugustuhan. Wala nga ako nararamdaman para sa kanya tsaka wala akong pakialam sa babaeng yun." sagot ni Hanagata.
Narinig naman ni Kiarra lahat ng sinabe ni Hanagata sa kanya kaya tumakbo ito palabas ng gym.
"Pupuntahan pa naman kita para ibigay ko sayo tong soda yun pala wala ka palang pakialam sakin. Napaka sama mo pala Hanagata sabagay hindi mo nga naman magugustuhan ang isang katulad ko." sabe Kiarra.
Hindi nya napigilan umiyak dahil sa mga narinig nya. "Naku masamang umiiyak nasasad si lord." bungad ni Mitsui kasama si Jewel.
"Sino sya?" tanong ni Jewel.
"Sya si Kiarra Kiyota ang girl version ni Kiyota. Kapatid ni Kiyota yan mahal ang ganda noh." sabe ni Mitsui sa girlfriend nyang si Jewel.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Jewel.
"Nakakainis kasi yung Hanagata na yun napaka sama pala ng ugali nun."
"Toru Hanagata? Inaway ka ni Hanagata?" tanong naman ni Mitsui.
"Akala nya hindi ko narinig ang mga sinabe nya na kahit kailan daw di nya ako magugustuhan. Sabihin nyo nga panget ba ako? hindi naman di ba?" tanong ni Kiarra sa dalawa.
"Lokong Hanagata sinabe nya yun. Hindi ka panget at walang nilalang na panget si God ay meron pala si Sakuragi." sabe ni Mitsui habang tumatawa.
Nabatukan naman sya ng girlfriend nyang si Jewel. "Loko ka wala na nga yung tao dito inaasar mo pa. Friend namin si Hanagata gusto mo kausapin namin sya. Hindi nya dapat sinabe yun sayo masakit nga naman yun tsaka di ka panget." sabe ni Jewel.
"Thank you ate. Ano nga pala ang pangalan mo." tanong ni Kiarra.
"Jewel. Wag kana umiyak kain na lang tayo libre ni Mitsui."
Napapakamot na lang si Mitsui dahil ang akala nya magdadate sila ni Jewel. "Naman akala ko masosolo ko na." bulong ni Mitsui saka sinundan ang dalawa.
Pumunta sila sa restaurant ni Uozumi para makita rin ang team ng RYONAN. "Sino yun ang ganda." bulong ni Fukuda.
"Tingin nga." usisa naman ni Sendoh.
"Hoy kumain na kayo libre na nga yan." sabat ni Satomi na kasama rin ang RYONAN.
"Umupo si Kiarra at Jewel at nilapitan naman ni Mitsui ang RYONAN." Long time no see." bati ni Mitsui
"Sino yung babaeng kasama ni Jewel?" tanong ni Satomi.
"Kapatid ni Kiyota." sagot ni Mitsui.
Naibuga ni Satomi, Fukuda at Koshino ang kinakain nila ng malaman na may kapatid pala si Kiyota.
"Nagbibiro kaba? Yang kagandang babae na yan kapatid ni Kiyota?" hindi makapaniwala si Satomi habang nakatingin kay Kiarra.
"Hindi sila magkamukha." sabe ni Fukuda.
"Eh bakit pala kasama nyo sya?" tanong ni Koshino.
"Nakita namin sa daan umiiyak dahil kay Hanagata." sagot ni Mitsui.
"Kay Hanagata? Bakit girlfriend ba sya ni Hanagata?" tanong ni Uozumi.
"Hindi ata ewan ko kung may relasyon sila o wala basta ang alam ko sinaktan sya ni Hanagata." kwento ni Mitsui.
Dumating naman si Kiyota kasama si Maki at Jin. "Kuya." pagtawag ni Kiarra.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kiyota.
"Nagsasayaw malamang kakain." pamimilosopong sagot ni Kiarra.
"Hi Kiara." bati ni Jin.
"Hi kuya Jin nagpapacute ka nanaman sakin." biro ni Kiarra.
"Panget mo." pang aasar ni Kiyota sa kapatid.
"Mas panget ka." sagot naman ni Kiarra.
"Sige Kiarra umorder ka libre ko." sabe ni Maki at nilapitan si Satomi.
"Maki ako rin." sabe ni Kiyota.
Nagtataka naman si Satomi dahil kilala pala ni Maki ang kapatid ni Kiyota na si Kiarra. "Makikilala ko rin kung sino kang Kiarra ka." bulong ni Satomi.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...