SEVENTEEN

808 109 10
                                    

Para kay Kiarra isang malaking pagkakamali na nagustuhan nya ang isang Toru Hanagata kaya naman mas minabuti na lang nyang kalimutan ang binata kesa isipin.

Walang syang ginawa kundi umiyak habang kumakain ng chocolate. "Akala ko gusto nya ako yun pala gusto parin pala nya ang ex nya. Hindi pala ex dahil di naman naging sila pero parang sila na hay ayoko na mabuhay." sigaw ni Kiarra habang umiiyak..

Dumating naman si Kiyota na kasama ang team.

"Ano iniiyak iyak mo?" tanong ni Kiyota sa kapatid.

"Wala kuya gusto ko lang umiyak." sagot ni Kiarra...

"Baliw pala yang kapatid mo parang ikaw." sabat ni Rukawa at nagtawanan sila Maki at Sendoh.

"Anong problema Kiarra?" tanong ni Jin.

"Siguro nga baliw ako dahil nagustuhan ko si Hanagata nakakainis bakit sa kanya tumibok ang puso ko."

"Gusto mo ba sa iba tumibok ang puso mo?" tanong ni Rukawa at natawa ulet sila Sendoh.

"Pwede ba Rukawa wag kang madaldal nakikita mong umiiyak na nga eh." singit ni Sakuragi.

"Nakikita ko nga di ako bulag." sagot ni Rukawa...

"Sapalagay nyo ba gusto talaga ako ni Hanagata?" tanong ni Kiarra sa team..

"Sapalagay ko hindi kaya umiyak kana ulet." pang aasar ni Rukawa at nagtawanan ang team ganun din si Kiyota.

"Ang sabe nya liligawan nya ako dipa man kami sinasaktan na nya ako."

"Paano mo naman nasabe na sinaktan ka nya?" tanong ni Maki.

"Eh nakita ko sila ni Aika magka lips to lips ako dapat yun eh." sagot ni Kiarra habang umiiyak.

"Si Aika nandito na?" tanong ni Sendoh

"Alam mo bang mahal na mahal ni Hanagata si Aika ewan ko lang ngayon." sabat ni Koshino.

"Dahil din kay Aika kaya nawala ng matagal si Hanagata remember hindi sya nagpakita sa SHOYO hindi rin sya naglaro ng dahil kay Aika tapos ngayon babalik sya para saan pa di ba?" sabe naman ni Fukuda na hindi maitago ang inis kay Aika.

"Kaya ba umiiyak ka dahil nasasaktan ka?" tanong ni Mitsui.

"Malamang iiyak ba yan kung masaya yan." sabat ni Rukawa at natawa naman ang team.

"Ibang klase ka Rukawa matulog kana lang kaya." natatawang sabe ni Sendoh.

"Panget ba ako Rukawa?" tanong ni Kiarra.

"Ewan ko si Haruko lang ang maganda sa paningin ko." sagot ni Rukawa.

"Sa madaling salita panget ka." pang aasar ni Kiyota sa kapatid.

"Alam mo Kiarra kung mahal pa ni Hanagata si Aika hindi nya gagawin na kausapin ang kuya mo at formal na ligawan ka. Si Hanagata ang taong may isang salita." seryosong sabe ni Jin.

"Oo tama." sang ayon ni Ryota.

"Eh bakit nakipag halikan sya kay Aika?" tanong ni Kiarra.

"Sapalagay mo ba gusto ni Hanagata yun? Alam mo Kiarra minsan kasi nauuna ang galit natin sa puso kaya hindi na natin hinahayaan na magpaliwanag ang isang tao." sabe ni Jin.

Nagulat sila ng dumating si Hanagata kasama si Fujima, Allen, Hasegawa at Takano.

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Hanagata kay Kiarra.

"Bakit teacher ba kita."

"Wag mo kong pilosopohin bakit hindi ka pumasok?" tanong ulet ni Hanagata.

"Eh ano naman sayo Toru kundi sya pumasok hindi kana man principal ng school." singit sa usapan ni Allen.

Natawa naman ang team kay Allen dahil sa lakas ng loob nito na sumabat sa usapan. "Anong name nun?" tanong ni Fukuda.

"Ngayon ko lang sya nakita." sabe ni Maki habang nakatingin kay Allen.

"Alam mo bang hinanap kita ilang estudyante na ang tinanungan ko pero walang makapag sabe kung nasaan ka yun pala nandito ka. Wala kana bang gagawin kundi bigyan ako ng sakit ng ulo Kiarra." bulyaw ni Hanagata.

"Wala kana rin bang gagawin kundi saktan ako? Nakita ko Hanagata na naghahalikan kayo ni Aika. Alam mo ba kung bakit di ako pumasok dahil nasasaktan ako. Ngayon sabihin mo sakin may mas lalala paba sa sakit ng ulo mo sa sakit ng puso ko ngayon." sabe ni Kiarra habang umiiyak.

Hindi nag sasalita ang team ganun din si Hanagata.

"Ano hindi ka makasagot. Kung mahal mo pa sya okay lang sakin kesa naman magmukha akong tanga at katawa tawa sa harap ni Aika." umiiyak na tumakbo si Kiarra sa loob ng kwarto.

Napapakamot na lang ang team habang nakatingin kay Hanagata.

"Bakit mo naman ginawa yun Hanagata." sabe ni Fujima na hindi makapaniwala..

"Mahal mo paba si Aika? Kung mahal mo pa sya please lang wag mo ng lapitan ang kapatid ko ayoko syang masaktan." pakiusap ni Kiyota kay Hanagata.

"Ayusin mo yan." sabe na lang ni Rukawa saka umalis kasama si Sendoh.

"Ano bang nangyare?" tanong ni Maki...

"Hinahanap ko si Kiarra pero ang nakita ko si Aika. Nag usap kami pero sinabe ko sa kanya lahat at sinabe ko rin na meron na akong ibang mahal. Hindi nya matanggap yun dahil ako parin daw ang mahal nya ayokong masaktan si Kiarra dahil mahal ko sya kaya lang kahit anong gawin ko nasasaktan ko parin sya. Minsan naisip ko tama pabang magmahal ako." kwento ni Hanagata habang umiiyak.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero naiintindihan ko din kung bakit nasasaktan si Kiarra. Labo mahal ka ni Kiarra at kung mahal ka din ni Aika pumili ka yung taong alam mong magpapasaya sayo ng hindi panandalian kundi pang habang buhay." sabe ni Sakuragi habang umiiyak.

"Ang galing ni Sakuragi matured na talaga sya." bulong ni Fujima...

✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon