KINABUKASAN maagang nagising si Zeigh at nakita nya ang kuya nya na may kausap sa phone. "Sino yun kuya?" tanong ni Zeigh.
"Si Kiyota." sagot ni Hanagata.
"Ah ganun ba kuya kamusta na daw sya?" tanong ni Zeigh.
"May sakit sya at hindi makakapasok kaya pinakiusapan nya akong ihatid si Kiarra mamaya." sabe ni Hanagata at nag alala naman si Zeigh para kay Kiyota.
"Ahhm kuya pwede bang puntahan ko si Kiyota mamaya tapos ng klase ko."
"Para ano? para alagaan sya. Alam mo Zeigh nasaktan mo si Kiyota ewan ko lang kung gusto kapa nya makita." seryosong sabe ni Hanagata at nalungkot naman si Zeigh.
"Hindi ko naman sya gustong saktan. Ayoko lang maging kami na hindi ako kumpleto ni hindi ko nga alam kung nasaan ang mga tunay kong magulang. Kung ayaw na nya akong makita wala naman akong magagawa sige kuya papasok na ako." pagpapaalam ni Zeigh saka umalis.
Nagpaalam narin si Hanagata sa mama nya para pumasok at nagtaka sya ng makitang may kausap na lalaki si Kiarra.
"Alam mo bang dapat kinakausap ang bulaklak kasi nalulungkot sila. Ikaw ba mahilig sa bulaklak?" tanong ni Kiarra sa lalaki.
"Kilala ba kita miss bigla kana lang nagsasalita." pagsusungit ng lalaki at napangiti naman si Kiarra.
"Sorry hah kasi nakita kitang malungkot. Broken hearted kaba?" tanong ni Kiarra.
"Ang daldal naman nito." bulong ng lalaki saka umalis
"Iniwan ako tinanong ko lang naman kung broken hearted sya." sabe ni Kiarra.
"Kung kani kanino ka nakikipag usap. Pumasok kana nga." bungad ni Hanagata saka hinawakan ang kamay ni Kiarra.
"Uy ikaw pala yan. Good morning kumain kaba bago pumasok?" tanong ni Kiarra.
"Bakit ba ang aga aga ang daldal mo hindi mo ba talaga kayang tumahimik kahit isang araw?" tanong ni Hanagata at tumawa lang si Kiarra.
"Gusto kong maging madaldal ngayon kahit ngayon na lang. Pupunta na ako sa states pag dating ng daddy ko para dun mag aral pero maiiwan ang Kuya ko kasi kasali sya sa team."
"Aalis ka? Iiwan mo ko?" tanong ni Hanagata saka bumitaw.
"Hindi ba sabe mo gusto mo ng tahimik kapag umalis na ako magiging tahimik na ang buhay mo. Hindi naman kasi talaga ako dapat dito nag aral umuwi lang ako para bantayan si kuya pero okay naman sya kaya babalik na ako sa states." paliwanag ni Kiarra at nagulat sya ng magalit si Hanagata.
"Iiwan mo rin pala ako. Alam mo Kiarra pareho lang kayo ni Aika. Sinaktan nyo nanaman ako sana kapag umalis ka wag kanang bumalik." sabe nito saka iniwan si Kiarra.
"Ang OA naman nun nag bibiro lang ako." bulong ni Kiarra at sinundan si Hanagata sa gym.
Galit na galit si Hanagata ng dumating sa gym. "Ano nanaman problema nyan?" tanong ni Allen habang nakatingin kay Toru.
"Hanagata." pagtawag ni Kiarra.
"May problema nanaman ba kayong dalawa?" tanong ni Fujima kay Kiarra.
"Wait lang Fujima kakausapin ko lang sya." sagot ni Kiarra at nilapitan si Hanagata.
"Ano pang ginagawa mo dito umalis kana iiwan mo na ako di ba." pagtataboy ni Hanagata habang umiiyak.
"Anong iiwan sinasabe mo hahaha. Nagbibiro lang naman ako sa sinabe ko ang seryoso mo kasi. Ang galing ko noh."
"So biro yun? Alam mo Kiarra sobra kana pinaglalaruan mo ang damdamin ko pwes parurusahan kita." sabe ni Hanagata saka hinatak si Kiarra at dinala sa loob ng locker room.
Sumunod naman sila Fujima Hasegawa Allen at Takano pero nagulat sila ng ilock ni Hanagata ang loob.
"Hoy Toru ano gagawin mo kay Kiarra." sigaw ni Allen.
"Parurusahan ko." sagot ni Hanagata at nagtawanan sila Fujima at Hasegawa.
"Anong parusa? sorry na Hanagata peace na tayo."
"Ayoko ng peace gusto ko ng kiss. Alam mo Kiarra pagod na ako sayo kundi lang kita mahal tiniris na kita pero dahil mahal kita parurusahan na lang kita." seryosong sabe ni Hanagata saka nag hubad.
"Hanagata wag ka naman ganyan nagbibiro lang naman ako kanina eh. Alam mo kasi hindi pa ako handa sa ganyan takot ako masakit yan di ba." sabe ni Kiarra at tumawa lang si Hanagata.
"Anong masakit sinasabe mo magbibihis ako pumikit ka." utos ni Hanagata.
"Ang ganda pala ng katawan mo. Siguro hindi kana virgin ilang babae na kaya tumikim sayo." bulong ni Kiarra habang nakatitig sa katawan ni Hanagata.
"Walang babaeng tumikim sakin at isa pa virgin pa ako gusto mo makita."
"Ayoko nga." inis na sagot ni Kiarra.
"Ang cute cute mo Kiarra kaya mahal na mahal kita eh."
"Mahal na mahal din kita Hanagata bati na tayo hah."
"Kiss muna." nakanguso na si Hanagata ng pumasok si Allen. "Anong kiss mag practice kana."
"Sorry Hanagata kinuha nya yung susi di ako makahindi ang ganda eh." sabe ni Hasegawa at napakamot na lang si Fujima.
"Sige na mag practice kana galingan mo hah I love you." sabe ni Kiarra saka nagpaalam na sa team.
"Aga agang landian yan. Mag bihis kana Toru kung ayaw mong hindi kita pasalihin." pagsusungit ni Allen.
"Oo na nagbibihis na." sagot na lang ni Hanagata habang nakangiti.
Samantala wala naman gana si Zeigh dahil hindi nga pumasok si Kiyota.
"Are you okay Zeigh?" tanong ni Amber ng makita ito sa canteen.
"Ayos lang ako Amber." sagot ni Zeigh.
"Si Kiyota ba kaya ka malungkot? Hindi sya nakapasok kasi may sakit sya pero ang alam ko pupunta sya mamaya yun ang sabe ni Jin."
"Talaga pupunta sya. Pwede ba akong manood para makita sya Amber....
"Oo naman Zeigh ikaw paba nandun din sila Shen."
Pumunta ang dalawa sa gym at nagulat si Zeigh na nandun na pala si Kiyota.
"Zeigh iwan muna kita rito ayun si Shen puntahan mo nalang." sabe ni Amber saka pinuntahan si Jin.
"Hi Shen." bati ni Zeigh.
"Hi Zeigh nandito kaba para suportahan si Kiyota my loves ayieh."
"Oo sana kaso mukhang di naman ako papansinin." sabe ni Zeigh.
"Wait tatawagin ko si Kiyota." sabe na lang ni Shen at tinawag nga si Kiyota.
Lumapit naman si Kiyota at seryosong tumingin kay Shen. "May kailangan kaba?" tanong nito kay Shen.
"Ay seryoso hehehe. Si Zeigh may kailangan sayo." sagot ni Shen.
"Kiyota may gusto sana...
"May practice pa kami umuwi kana." sabe ni Kiyota saka umalis.
Nagulat si Shen kung bakit biglang nag bago si Kiyota.
"Anong nangyare dun."
"Sige Shen aalis na ako naalala ko may klase pa pala ako." sabe na lang ni Zeigh saka tumakbo.
Tumingin naman si Kiyota sa labas at tinignan si Zeigh.
"Mahal na mahal kita Zeigh pero wala naman akong chance ayokong masaktan sa huli kaya ibubuhos ko nalang sa laro." sabe ni Kiyota habang umiiyak.
"Okay ka lang?" tanong ni Jin kay Kiyota.
"Okay lang pre laro na tayo." sagot na lang ni Kiyota.
Sumenyas naman si Shen kay Jin kaya alam na nyang hindi okay si Kiyota ganun din si Zeigh...
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...