"Saan natin hahanapin si Kiarra malaki tong KANAGAWA." sabe ni Ryota habang naglalakad sila kasama si Kiyota..
"Kung alam ko lang na mapapahamak sya sana hinatid ko na sya. Wala akong kwentang kuya."
"Wag mong sisihin ang sarili mo unggoy walang may gusto ng nangyare." seryosong sabe ni Sakuragi.
"May naka away ba si Kiarra?" tanong ni Mitsui.
"Wala. Hindi nakikipag away ang kapatid ko friendly sa lahat yun." sagot ni Kiyota.
"Kung ganun alam ko na. Tara." sabe ni Rukawa sabay tingin kay Mitsui at Ryota.
"Ano kayang alam nya na hindi ko alam." tanong ni Sakuragi.
Samantala naghahanap parin si Toru at sila Fujima kay Kiarra. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyare sa kanya." sabe ni Toru.
"Walang masamang mangyayare sa kanya magtiwala ka mahahanap natin sya." sabe ni Fujima at ngumiti naman si Sasaki.
Nakarating sila Rukawa kung saan dinala si Kiarra. Kitang kita ni Kiyota ang kapatid nyang natutulog habang nakatali.
"Ang galing mo naman Rukawa paano mo naisip to?" tanong ni Sakuragi.
"Henyo kasi ako." sagot ni Rukawa at ngumiti nalang si Mitsui at Ryota.
"Dumating kana pala. Mabuti naman hindi na pala kita kailangan tawagan." ngiting sabe ng lalaking nakabonet.
"Ano bang kailangan mo sa kapatid ko?" tanong ni Kiyota.
"Sa kapatid mo wala pero sa inyo ni Hanagata meron." sagot nito at sinikmuraan si Kiyota
"Aba teka lang panget parang di kana man makatao. Ano bang kasalanan sayo nitong si unggoy?" tanong ni Sakuragi.
"Ikaw lumaban ka ng patas dahil kaya kong baliin yang buto mo." seryosong sabe ni Rukawa.
"Hay naku di na ata tayo kailangan dito kay Rukawa at Hanamichi palang lumpo na yan eh." bulong ni Ryota habang nakatingin sa dalawa.
"Hindi lang sya nag iisa Miyagi marami sila." sabe ni Mitsui sabay turo ng mga lalaki sa likod ni Kiarra.
"Sabihin nyo na lang ang kailangan nyo para matapos na to. May practice pa kami." sabe ni Sakuragi at tumawa lang si Russel ang lider ng grupo..
"Practice. Hindi na mangyayare na makapag practice pa tong kaibigan nyo kaya kung ako sa inyo umalis na kayo at iwan nyo dito si Kiyota...
"Paano kung ayaw namin." pang aasar ni Rukawa.
"Miyagi dun ka, Sakuragi ayun sayo, Rukawa sayo naman yan at ako ng bahala sa isang to." sabe ni Mitsui..
"Simulan na ang laban." sigaw ni Ryota.
"Hoy panget bakit ka tumakbo." tanong ni Sakuragi kay Richard.
"Ayoko ng away. Maniwala kayo hindi namin sinaktan si Kiarra." sabe ni Richard.
"Ganun ba. Eh bakit nandito ka?" tanong ni Sakuragi.
"Eh kasi kailangan ko ng pera pero hindi ko kayang manakit ng babae maniwala ka." sabe nito at naawa naman si Sakuragi.
"Mahirap ka rin ba katulad ko? Alam mo kailangan ko rin ng pera mag isa nalang ako sa buhay ganun ka rin ba?" naiiyak na tanong ni Sakuragi saka naupo at nakipag kwentuhan kay Richard.
"Hanamichi ano ba yang ginagawa mo? Bakit mo yan kinakausap." bulyaw ni Ryota.
"Kawawa naman sya kulot mahirap lang sya katulad ko wag na nalang natin syang saktan kailangan nya kasi ng pera kaya nya nagawa yun." sabe ni Sakuragi..
"Kung pera lang ang kailangan mo marami si Rukawa nun." natatawang sabat ni Mitsui at napatingin naman si Rukawa.
"Wala akong pera utang nga ng isa dyan di pa bayad eh." pagpaparinig ni Rukawa kay Sakuragi.
"Kuya." pagtawag ni Kiarra.
"Ayos ka lang ba sinaktan kaba nila?" sunod sunod na tanong ni Kiyota.
"Pasensya kana pero wala kaming ginawa sa kapatid mo napag utusan lang kami." paliwanag ni Darwin.
"Totoo ang sinasabe nya kuya hindi nila ako sinaktan. Kuya si Hanagata hindi mo ba kasama?" tanong ni Kiarra sa kuya nya.
"Pero ang kapatid ko sinaktan nyo." sabe ni Russel na galit na galit kay Kiyota.
"Sinaktan? Ang alam ko wala naman akong naging girlfriend teka iisipin ko pero wala talaga eh." sabe ni Kiyota at nagtawanan sila Miyagi Mitsui at Sakuragi.
"Bakit nyo? Sino paba ang tinutukoy mo?" tanong ni Rukawa.
"Si Hanagata at yang si Kiyota dinedma nyo kapatid ko. Sumikat lang kayo akala nyo kung sino na kayo kundi naman kayo naging basketball player sa tingin nyo papansinin kayo ng mga babae. Kundi nyo sana gusto na bigyan ng autograph ang kapatid ko hindi nyo sana sinabihan ng masasakit na salita." sabe ni Russel kay Kiyota
"Bakit naman kasi dinedma mo ako nga gustong gusto ko may magpapa autograph sakin kaya lang lima lang ata fans ko yung apat dun napilitan pa hahaha. Dapat matuwa ka na may taga hanga ka unggoy wag mo silang dedmahin mapababae o lalaki pa yan." sabat ni Sakuragi at napangiti naman sila Mitsui at Ryota.
"Tama sya." sang ayon ni Ryota.
"Sorry kung nadedma ko kapatid mo hayaan mo hindi lang autograph ang ibibigay ko sa kanya pati picture ko. Pasensya kana." hinging paumanhin ni Kiyota.
"So bati na kayo?" ngiting tanong ni Kiarra.
"Pasensya kana kung nadamay ka. Hindi naman kami masamang tao ayoko lang talaga na masaktan ang kapatid ko dahil kung kayo rin naman ang nasa sitwasyon ko hindi ka papayag na umiyak ang kapatid mo. Wag ka mag alala wala akong ginawa sa kanya pasensya na rin kayo." sabe ni Russel at ngumiti naman sila Sakuragi at Kiyota.
"Mula ngayon barkada na tayo hah." sabe ni Sakuragi sa grupo ni Russel.
"Oo ba." natutuwang sagot naman nila Russel at Richard.
BINABASA MO ANG
✅ 𝐅𝐀𝐋𝐋𝐄𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐘𝐎𝐔
FanfictionMula ng masaktan si Hanagata kay Aika parang nawalan na rin sya ng gana sa lahat pero ng dumating si Kiarra nagulo ang tahimik nyang mundo. Sino nga ba si Kiarra Kiyota? ✍️ Started: March 5, 2021 ✍️ Finished: May 6, 2022 𝑺𝒍𝒂𝒎𝒅𝒖𝒏𝒌 𝑭𝒂𝒏𝒇�...