Nagising si Rania kinaumagahan na nasa isip niya pa rin ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot. Bumangon siya mula sa kama niya at nagpunta sa bathroom para gawin ang morning routine niya.
Palaisipan din para sa kaniya ang babaeng nag approach sa kaniya sa simbahan noong isang araw. Bakit kilalang-kilala siya nito? Bakit inakala nitong patay na siya?
She badly wants to know the truth. Pakiramdam niya kasi may hindi sinasabi ang kapatid at pinsan niya sa kaniya. They are covering something up at kung ano man iyon ay kailangan niyang malaman talaga.
She hates feeling so curious and lost. Hindi siya napapakali at kung anu-ano nalang ang tumatakbo sa isipan niya. She still can't get over of that girl in the church after the weeding. How come that she knows her but she doesn't have any slight idea who she is. Masisiraan talaga siya ng bait kapag inisip niya ng inisip ang tungkol sa babaeng iyon.
Tanungin niya nalang kaya ang kapatid niya para wala ng bumabagabag sa kaniya?
Napabuntong hininga nalang si Rania at nagbihis. Pipilitin niyang hindi na muna isipin ang mga ganoong bagay at magfocus nalang sa mga dapat na gagawin niya. Isa pa hindi siya umuwi ng Pilipinas para asikasuhin ang ibang mga bagay tungkol sa pagkataong nakalimutan niya.
Hindi na muna ito importante sa ngayon. Ang pagiging proxy ni Margareth ang kailangan niyang gampanan at hindi ang iba. Kapag nasira niya ang imahe ni Margareth at makagawa siya ng isang kaguluhan ay mahirap ng ayusin pa. Ayaw din ni Rania na mapahiya ang pinsan dahil lang sa gusto niyang malaman ang buong katotohanan sa pagkatao niya.
Nagitla si Rania ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
“Ano...” biglang natauhan si Rania ng magsasalita na sana siya ng tagalog.
“What is it?” tanong niya sa kumatok at inayos ang kaniyang sarili.
“Ma’am Margareth pinapatawag po kayo sa baba. Naroon po si Sir Zachariah na naghihintay sa inyo.” the house keeper said and then left after saying that.
Rania move quickly and hastly then she went out to meet her brother. She didn’t expect her brother to visit her so early in the morning.
When she leave her room, Rania immediately went to the living room where her brother was waiting for her.
“Ano ang ginagawa mo dito ng ganito kaaga, kuya?” Rania asked her brother and roamed her eyes the whole room to see if there’s someone else there listening or watching them.
“Tayong dalawa lang dito,” puna ni Zachariah kay Rania ng makitang palinga-linga ito sa kabuuhan ng kwarto.
Nakahinga ng maluwag si Rania at tyaka siya umupo kaharap ng kapatid niya.
“Napapunta ako rito dahil may kailangan akong ibigay sayo,” panimula ni Zach at may kung anong kinuha sa pakete ng jacket niya.
“Here...” iniabot nito ang isang box na hindi malaman ni Rania kung ano ang laman.
Inabit ito ni Rania at tiningnan ang kapatid.
“Open it,” utos ng kapatid sa kaniya at may kung anong sinasabi ang mga mata nito.
Naguguluhan at nahihiwagaan man si Rania sa pinaggagawa ng kapatid niya ay iwinaksi niya iyon.
Hindi malaman ni Rania kung bakit kumakabog ang dibdib niya habang hawak ang box. Tiningnan niya muli ang kapatid sandali at tyaka niya binuksan ang maliit na box at tumambad sa kaniya ang dalawang singsing.
“Ano ito kuya?” naguhuluhang tanong ni Rania sa kapatid niya.
“That's a wedding ring, Rania.” tugon naman ng kapatid sa tanong niya.

BINABASA MO ANG
Living With Him
RomansaForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him