Kung paano natapos ang araw kahapon ni Samson ay ganoon din natapos ang araw niya ngayon. Tanging mga papel at mga folder nalang ata ang nakakasalamuha niya araw-araw. Wala na siyang oras para sa sarili niya dahil sa pag-asikaso ng kompanya nila. Pero kahit ganoon ay hindi nakakaramdam ng pagod si Samson. Kailangan niyang gumalaw at umusad. Hindi pang para sa sarili niya kundi pati na rin sa mga tao sa paligid niya.
There's nothing great happened today. Samson just sign papers all day long. Nothing special and nothing good.
Before going home, naisipan ni Samson na dumaan ulit sa puntod ng asawa niya. Simula ng mapanood niya ang video ay hindi na siya nakakadalaw pa sa puntod nito. Nahihiga kasi siya sa asawa niya. Noong isang araw niya lang talaga napagtanto na sobrang tanga at gago niya dahil hinayaan niyang masaktan ang asawa niya ng paulit-ulit. Umiyak din siya magdamag dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.
Kung maibabalik niya lang talaga ang oras gagawin niya ang lahat para mabago ang mga nangyari. Pipiliin niyang maniwala sa asawa dahil iyon ang naging pagkukulang niya rito. Hindi niya ito pinagkatiwalaan na siyang dapat niyang ginawa bilang asawa ni Rania.
Ngunit hindi, kabaliktaran ang ginawa niya. Nagpauto at nagpalinlang siya. Now he left with no wife and no friends dahil sa kabobohan niya na ngayon ay tanggap na niya.
Bumili si Samson ng isang kumpol ng bulaklak at dumiretso sa sementeryo. Pagkarating doon ay nadatnan niya si yaya Merling at butler Chad sa puntod ng asawa.
Matagal na mula ng huli nilang pag-uusap at hindi alam ni Samson ang gagawin o sasabihin sa nakakatanda. Nahihiya siya sa lahat nang mga nagawa niya. Hindi niya alam kung paano kausapin ang mga ito.
Matagal na nakatayo si Samson di kalayuan at hinintay ang mga ito na lumingon. At nang mangyari iyon ay isang mapaklang ngiti ang ibinigay ni Samson sa dalawa. Nahihiya siyang lumapit sa mga ito. Wala siyang mukhang maiharap sa mga ito.
Nang makita siya ng matatanda ay ngumiti ang mga ito kay Samson at kanapayan pa siya. Hindi alam ni Samson ang gagawin. Kakapay ba siya pabalik o ano.
Nang walang ginawa si Samson ay ang mga ito na ang kusang lumapit sa kaniya at binati siya.
"Kamusta kana hijo? Matagal ka din naming hindi nakita." Nakangiting saad ni yaya Merling. Sa pagkakatanda ni Samson ay galit sa kaniya ang matanda dahil sa mga nangyari. Kaya nagtataka siya kung bakit sobrang bait nito sa kaniya at nakangiti pa.
"Maayos naman po ako." Sagot ni Samson na hindi makatingin sa mga ito.
"Nagpunta ka ba rito para dalawin si Rania, hijo?" Dagdag tanong ni yaya Merling kay Samson.
Tango lang ang naging sagot ni Samson sa matanda at hindi pa rin makatingin ng diretso rito.
"Samahan ka namin hijo." Ani ni yaya Merling kay Samson at hinawakan ang kamay ng binata para hilahin papunta sa puntod ni Rania.
Nagpahila nalang din si Samson at ng nasa may puntod na sila ay binitawan ni yaya Merling ang kamay niya.
Inilapag ni Samson ang dala-dalang bulaklak at hinaplos ang lapida na may pangalan ni Rania.
"How are you doing love?" Malungkot na kinausap ni Samson ang puntod. His voice almost break down again.
Isang masuyong kamay ang lumapat sa balikat ni Samson na kahit papaano ay nagpapagaan sa loob niya.
"Nasa maayos na kalagayan na siya ngayon hijo. Alam kong masaya na si Rania kung nasaan man siya ngayon." Pagpapagaan ng loob ni yaya Merling kay Samson.
Niyuko ni Samson ang kaniyang ulo. "It was actually my fault and I'm sorry. As her husband, it is my duty to protect her but I also let her keep on getting hurt. She suffered a lot because of me." Huminga ng malalim si Samson para pagaanin ang loob niya. Sumisikip na rin kasi ang dibdib niya.
"She must be very disappointed in me. Hence, even if she loves me, she still chose to leave me." And Samson break into tears after saying that.
Iyon ang narealize ni Samson pagkatapos niyang mapanood ang video ng asawa. Ilang ulit na tumatak sa isipan ni Samson ang realisasyong iyon.
Kahit gaano pa siya kamahal ng asawa niya ay pinili pa rin siya nitong iwan dahil gago siya. Mangmang at bobo. Iyon ang totoo at kasalanan niya kung bakit siya nagdurusa ngayon.
"Umusad kana hijo. Tiyak na masaya na si Rania ngayon. Palayain mo na siya at palayain mo na ang sarili mo. Hindi nakabubuti sayo ang manatili sa nakaraan Samson. Nangyari na ang mga nangyari. Tanggapin mo nalang at umusad ka. Ipagpatuloy mo ang buhay mo." Pangaral ni yaya Merling kay Samson. Nakinig lang si Samson sa mga sinabi ng ginang at hindi na kinontra pa ito.
"Mauuna na muna kami sayo, hijo. Marami pa kasi kaming kailangang gawin. Sa makalawa pala dumalo ka sa kasal nina Daffney at Zachariah ha? Matutuwa ako kapag nandoon ka hijo." Nakangiting pag-imbita ni yaya Merling.
Nakangiting tumango si Samson at hinayaan ang mga ito na umalis. "Sige po manang. Mag-iingat po kayo." Tango at tapik lang din sa balikat niya ang ginawa ni butler Chad at tuluyan ng umalis ang mga ito.
Hinahaplos pa rin ni Samson ang lapida kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Wala sa sariling napangiti nalang si Samson.
"I miss you too Love." Saad ni Samson sa kawalan at pinikit ang mga mata para samsamin ang hangin.
Tumingala siya pagkatapos at pinanunood ang kalangitan. "Are you happy there Love? Pwede ba magpakita ka sakin kahit sa panaginip lang? I really miss you." Pakiusap ni Samson.
Bahagyang dumilim ang paligid dahil sa pagtabon ng itim na ulap sa araw. Mukhang uulan pa yata.
Tiningnan ni Samson ang kaniyang pambisig na relo. Papalubog na ang araw kaya naisipan na ni Samson na umuwi na baka abutan pa siya ng ulan.
Nagpaalam muna si Samson sa puntod ni Rania. Sumakay si Samson sa kotse niya pagkatapos at dumiretso sa lugar kung nasaan ang helicopter niya.
Naisipan niya kasing puntahan nalang ang isla kung saan may pinapagawa siyang bahay. Matagal na rin siyang hindi nakakadalaw doon. Ang sabi ng tagapangalaga niya ay malapit na raw matapos ang bahay kaya gusto niyang makita ito.
Pagkarating sa naturang lugar ay may kinausap na piloto si Samson at maya-maya ay lumilipad na sila papunta sa isla. Hindi jiya alintana ang sama ng panahon at nagpunta pa rin sa isal.
Ang isla ay ang magsisilbing sanctuary niya. Ito ang magiging haven niya kapag namimiss niya ang asawa. Lahat ng mga gamit ni Rania na meron siya ay doon niya ilalagay lahat. Cause that house supposed to be their house.
Pangarap nilang dalawa iyon noon. Sa bahay na iyon dapat sila bubuo na pamilya magkakaroon ng anak. Mamuhay ng payapa malayo sa mga tao at sa siyudad. Ang dami nilang pangarap noon na magkasama nilang gagawin. Ngunit ngayon ay hindi na nila ito matutupad dahil mag-isa nalang si Samson.
Ang tanging magagawa nalang niya ay buohin ang bahay na siyang minimithi ni Rania noon pa man. Iyon nalang ang kaya niyang gawin.
Nakakalungkot at nakakapanghinayang man pero walang magawa si Samson para maibalik ang mga oras. Pinagsisisihan na niya ang nga maling desisyon na nagawa niya noon.
At sobrang kalungkutan ang dulot ng mga iyon sa kaniya.
---
To be continued....

BINABASA MO ANG
Living With Him
Roman d'amourForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him