Pinahiran ni Samson ang mga patay na dahon sa lapida ni Rania pagkatapos ay inilapag ang mga bulaklak na dala sa gilid tyaka siya umupo sa tabi ng puntod.
"I'm sorry if I haven't visit you these past few days, Love. May inasikaso lang ako sa kompanya at kasalukuyan ko ding ginagawa ang dream house natin." Pagkausap at pagkukwento ni Samson sa puntod ni Rania habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
"I miss you so much, Love. Namimiss mo din ba ako?" Malungkot na tanong ni Samson at hinaplos ang lapida.
"Magtatatlong taon kanang wala sa akin, Love. Magtatatlong tao na pero parang kahapon lang ang lahat. Hindi ko pa rin matanggap Love. Masaya ka ba diyan? Hindi mo ba ako namimiss?" Pumiyok ang boses ni Samson at nagsimula nang pumatak ang kaniyang mga luha.
"Sobrang sakit pa rin Rania. You didn't even think twice to surrender your life just to save me. I don't deserve it Rania. Hanggang ngayon bumabalik pa rin sa akin ang mga nangyari. I can't imagine a life without you, Love, at lagi kong pinagdadasal na babalik ka din isang araw kahit alam kong malabo naman mangyari. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Rania. I love you. Always have and always will be." Umiiyak na saad ni Samson at pinahiran ang kaniyang mga luha.
"Kahit alam kong mali pero pwede bang hilingin ko na bumalik kana lang Love? Na ibalik ka nalang niya sakin?" Hopeless na saad ni Samson habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Sobrang sakit pa rin sa kaniya ang lahat. Kahit ilang araw, buwan, taon o kahit dekada ang lumipas ay hindi makakalimutan ni Samson ang mga maling desisyon na nagawa niya. Hanggang ngayon nagsisisi pa rin siya sa mga maling nagawa niya. Ang daming sana sa isipan niya na alam niya din na kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang panahon. Panahong sinayang niya.
Nanatili pa si Samson ng isang oras sa puntod ni Rania hanggang sa maisipan na niyang umuwi na. Malungkot siyang sumakay sa kotse niya at nagmaneho pauwi sa Villa Nia.
Habang papauwi ay may nadadaanan si Samson na mga magkasintahan o di kaya magkapamilya na masayang magkasama. Hindi mapigilan ni Samson ang mainggit lalo na kapag nakakakita siya ng mag-asawang at buhat-buhat ang mga anak nito.
We could have been like that. Sa isipan ni Samson habang pinagmamasdan ang isang pamilya hanggang sa malampasan niya ang mga ito.
Napapabuntong hininga nalang si Samson at nilukob na naman siya ng lungkot. Siya nalang kasi ang naiwan at di pa rin nakakausad sa mga nangyari.
Last year ay kinasal si Amabelle sa isang psychiatrist na siyang naging doctor nito habang ito ay nagpapakonsulta pa. Si Vent naman ay nakapiit na ng panghabang buhay sa Muntinlupa bagamat nagkapatawaran na silang dalawa. Si Zachariah at si Daffney naman ay ikakasal na ilang linggo nalang ang hinihintay nila bago ang seremonya. Masaya na silang lahat habang si Samson ay naiiwang nagluluksa pa rin sa pagkawala ni Rania.
Pilit niyang tinatanggap ang mga nangyari ngunit hindi niya kaya lalo na at alam niyang siya din naman ang dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari. Hanggang ngayon pa rin ay hindi siya kinakausap ni Zachariah. Ilang beses na siyang nag attemp na makipag-ayos rito ngunit matigas si Zach at hindi siya pinapansin. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi pa rin siya makausad. Hindi na naman siya nito sinisisi pero ramdam ni Samson na may galit pa rin sa kaniya ang dating kaibigan.
Ang dami ng nasayang ni Samson dahil lang sa kakitiran ng utak niya. At wala siyang karapatan magreklamo o kung ano pa man dahil ginusto niya ang lahat. And all he needs to do is to deal with it and live with it.
-----
London, United Kingdom
"Lady Margareth, the table is ready for the meal. Everyone is expecting you already." Pag imporma ni Roman kay Margareth na siyang kakatapos lang sa ginagawa nito.
"Thank you, Roman. Are the kids already there?" Margareth asked Roman and the latter nodded.
"Yes milady. Even the Duke and the Duchess are also there." Sagot ni Roman.
"What?! Why didn't you tell me earlier?" Reklamo ni lady Margareth at mabilis na nagpunta sa dining hall.
Everybody welcomed her inside and she bow her head as a respect and smile to everyone.
"Finally, my wife is here." Lord Vanford rose up from his seat to accompany lady Margareth.
"Seems like your very busy Margareth. You shouldn't forget your meal. It's not healthy to skip eating. The workload can wait. Don't overstress yourself." The duchess said and Lady Margareth smiled because of that.
Nagkatinginan naman si Lady Margareth at si Lord Vanford. "You're doing great." Nakangiting untag ni Lord Vanford at bumalik na din sa pwesto nito.
Hindi naman mapigilan mapangiti ni Margareth ng puriin siya nito. Umupo na din si lady Margareth at nagsimula na silang kumain lahat.
After the meal, lady Margareth went to her room to give herself a space. Kinuha niya din ang kaniyang cellphone para tawagan ang dalawang tao na importante sa kaniya.
Unang tinawagan ni Margareth ang babaeng nagbigay sa kaniya ng pag-asa at kinamusta ito.
"Hey, how are you?" Agad na tanong ni Margareth rito.
"I'm doing good. I'm recovering now. I'll be back soon." Masayang sagot nito na nagpangiti na rin sa kaniya.
"That's good to hear. Get well soon. I'm looking forward with our bonding." Nakangiting saad niya.
Mahinang natawa naman ang kausap at halata ang kasiyahan sa boses nito.
"Of course Wynona. How about you? Is everything okay in there?" Ito na naman ang nagtanong sa kaniya.
"Yes. Everything is absolutely great here. You don't have to worry." She answered reassuring her.
"Alright. I need to hang up now. Too much radiation." Paalam nito.
"Okay. Love you." Pahabol niya. Tawa lang ang narinig niya mula rito bago naputol ang tawag.
Nakangiti pa rin na nagdial ulit siya bagamat direct na sa Pilipinas ang tawag niya.
"Hello?" Pagsagot nito.
"Congratulations in your engagement kuya." Masaya niyang saad sa kausap.
"Rania! Thank you. Kamusta kana diyan?" Tiyak na masayang-masaya ang kapatid na napatawag siya.
"I'm fine here kuya. Still living the life as the lady of the court." Pagmamalaki ni Rania sa kapatid.
"Naks naman. Bihasang-bihasa kana mag britano ah." Kantyaw ni Zachariah sa kapatif na tinawanan lang din naman ni Rania.
"I think I'll be coming home kuya. Tinawagan ko si Margareth. Sabi niya babalik na daw siya. I can't wait to be with you all again kuya. Si ate Daffney, si yaya Merling at si Butler Chad. Miss na miss ko na kayong lahat." Excited na saad ni Rania.
"Si Samson ba hindi mo namimiss?" Biglang tanong ng kapatid na nagpakunot sa noo ni Rania.
"Who is Samson?" Tanong pabalik ni Rania kay Zach na natahimik sa kabilang linya.
"Anyway kuya, tatawag nalang ako ulit sa susunod. Bye." Paalam ni Rania sa kapatid at pinutol ang tawag.
Wala siyang interes sa kung sino man ang binabanggit ng kapatid niya lalo na at hindi niya naman kilala. May mahalagang mga bagay siyang dapat asikasuhin kesa sa mga taong hindi niya naman kilala.
---
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/212872628-288-k699367.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With Him
RomanceForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him