Sa pagkawala ni Rania ay siyang ikinawasak ng mundo ni Samson. Hindi niya alam kung paano pa ba babangon at ipagpatuloy ang buhay niya na wala na sa kaniya ang babaeng pinakamamahal niya.
Natutong mamuhay si Samson sa lungkot at pagsadalamhati. Pinagluluksa pa rin niya ang pagkawala ng asawa niya. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari.
Araw-araw siyang pumupunta sa puntod ni Rania at doon umiiyak habang panay ang paghingi niya ng tawad rito. Sobrang masakit pa rin kay Samson ang lahat.
Bagamat ang lahat ng lumbay at sakit na naramdaman niya ay biglang nawala ng makita ang isang babae na kawangis ng asawa niya.
Pinagpilitan niya rito na ito ang asawa niya ngunit panay naman ang tanggi nito. Iba man ang itsura at pagkatao nito ay alam ni Samson sa puso niya na ang asawa niya iyon. Nabuhayan ang puso niya sa kadahilanang buhay ang asawa niya
Kaya ang ginawa niya ay dinakip niya ang babae at dinala sa tagong isla kung saan sila lang dalawa. Doon lang silang dalawa at hindi hinahayaan ni Samson na makaalis o makatakas ang babae sa isla.
Habang ang kawangis naman ni Rania ay gumagawa ng paraan upang makatakas sa islang iyon. Makatakas sa mga kamay ni Samson. Pero lagi nalang siyang nabibigo. Nagmatigas siya at pilit na iniiwasan ang lalaki.
Hindi man siya makatakas sa isla ay hindi niya din ibibigay ang satispaksyon sa lalaki na magwagi ito. She's keeping her distance away from him and pissing him off every single chance she get.
And that's how she started Living With Him in that secluded island. With no one else but her and the man who kidnapped her.
BINABASA MO ANG
Living With Him
RomanceForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him