Malayo na ang itinakbo ni Rania ngunit hindi pa rin siya napapakali at patuloy lang siya sa pagtakbo. Ni hindi siya nag-abala na lumingon pa upang tingnan kung nakalayo na ba siya o hindi pa sa humahabol sa kaniya.
Bagamat hindi niya naiintindihan at hindi niya alam kung bakit nga ba siya tumatakbo at bakit siya hinahabol ng sino o ano.
Takbo lang siya ng takbo hanggang sa may makita siyang liwanag sa 'di kalayuan sa gitna ng kadiliman na iyon. Dahil sa ilaw na iyon ay nagkaroon ng pag-asa si Rania kaya mabilis siyang tumakbo pa para maabot ang ilaw na iyon sa 'di kalayuan.
Kahit hinihingal na siya ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Hindi niya nga maintindihan kung bakit nga ba siya tumatakbo. Sino ba ang tinatakbuhan niya?
Nang maabot ang liwanag ay naipikit ni Rania ang nga mata dahil sa nakakasilaw na ilaw na dulot niyon sa kaniya at masakit sa mata.
Nang imulat niyang muli ang mga mata ay nasa isang silid na siya. Silid na puro puti ang pintura.
Inangat niya ang kaniyang kamay para punasan ang mata niya ngunit napansin niya ang dextrose na nakakabit sa braso niya.
Mas lalo lang siyang naguluhan sa nangyayari sa kaniya sa mga oras na iyon. Dahil kanina lang ay tumatakbo siya ngunit ngayon ay nasa isang kama siya at may nakakabit sa kaniyang dextrose.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa hospital siya sa nga oras na iyon ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung bakit. Bakit siya nasa hospital na naman?
Nang bumukas ang pinto ng kwarto ay nakita ni Rania ang kapatid niyang si Zach at nakangiti itong tumingin sa kaniya.
Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya magawa sa kadahilanan na hindi niya alam. Parang may mali sa kaniya kaya hindi siya makapagsalita.
Lumapit ang kapatid niya sa kaniya at hinimas ang ulo niya.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Rania?" Tanong ng kapatid niya sa kaniya bagamat nga hindi niya magawang magsalita ay iniling nalang niya ang kaniyang ulo bilang tugon sa tanong nito.
Napabuntong naman ang kapatid at mataman na nakatingin sa kaniya.
Bumakas ang kaguluhan sa mukha ni Zachariah ng makita sigura ang reaksyon sa mukha niya na animo'y naguguluhan at naliligaw siya sa nangyayari.
Mabilis na gumalaw si Zach at kumuha ng papel at ballpen tyaka iyon ibinigay sa kaniya.
"Kaya mo ba magsulat?" Tanong nito sa kaniyang ulit kaya tumango naman siya.
Kinuha ni Rania ang ballpen at nagsimula siyang magsulat paunti-unti sa papel. Tinatanong niya ang kapatid kung ano ang nangyari sa kaniya.
Hinawakan ni Zachariah ang kamay niya at umupo ito sa gilid ng kama.
"Nandito ka dahil kay Samson, Rania. Sinubukan mo siyang iligtas." Sagot nito sa tanong niya na nagpakunot sa noo ni Rania.
Binitawan niya ang kamay ng kapatid at nagsulat ulit sa papel.
'Sino si Samson?'
Iyon ang sinulat niya sa papel na nagpasinghap kay Zach at mabilis na tumayo. May kung ano sa mga mata nito na hindi matukoy ni Rania kung ano.
"A-aah t-tatawagan ko lang ang doctor," utal na saad ng kapatid at mabilis na nilisan ang silid niya.
Pagkalabas ng kapatid ay sumidhi ang sakit sa ulo ni Rania hanggang sa mamilipit siya sa sakit ngunit hindi niya magawang sumigaw.

BINABASA MO ANG
Living With Him
RomansaForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him