Abalang-abala si Samson sa pagbasa at pag analisa ng mga papeles na isang buwan ng nakatengga sa opisina niya. Sunod-sunod ang nangyayaring problema sa kompanya nila na hindi alam ni Samson kung bakit at paano nagsimula.
Ilang gabi na siyang walang maayos na tulog at ilang araw na siyang paroo't parito sa iba't-ibang lugar para ayusin ang mga aberya. Hindi naman kasi pwedeng pabayaan niya nalang ang kompanya nila.
Biglang tumunog ang cellphone ni Samson kaya sinagot niya ito kahit marami pa siyang ginagawa.
"Speak to me." Pagsagot ni Samson sa tawag.
"Sir, malapit na po matapos ang bahay sa Isla Nia. Isang linggo nalang po at pwede mo ng mabisita at makita ang bahay." Ani ni Mang Ron na iniwan niyang katiwala sa isla.
"Ganoon po ba manong? Sige po. Papasyal ako diyan sa makalawa manong. May kailangan lang po muna akong asikasuhin dito sa siyudad." Pagbibigay alam ni Samson sa matanda.
"Walang problema sir. Magbigay alam lang kayo kung kailan kayo pupunta para masundo ka ni Kanor." Tugon naman ng matanda sa sagot ni Samson.
"Opo manong Ron. Maraming salamat." At naputol na ang tawag.
Pinagpatuloy ni Samson ang pagpirma at pagbabasa sa mga papeles hanggang sa dumako ang mga tingin niya sa malaking portrait na nasa dingding ng opisina niya.
Malungkot siyang napatingin sa portrait ni Rania, ang asawa niyang iniwan siya ilang taon na ang nakakalipas. Nakangiti ito sa portrait at diretso ang mga mata sa kaniya na animo'y tinitingnan siya nito.
Malakas na napabuga ng hangin si Samson at inalis ang tingin sa portrait tyaka pinagpatuloy ang pagpirma at pagbabasa.
Ayaw niyang maging malungkot na naman dahil sa pagkawala ng asawa niya. Malulunod na naman siya sa lumbay at hindi na naman siya magiging productive pag nagkataon. Maiiwanan na naman niya ang mga trabaho niya na kailangan niyang tapusin.
Iniling ni Samson ang kaniyang ulo at nagpukos nalang sa ginagawa niya. Hindi siya dapat magpadala sa lungkot. Kailangan niyang umusad dahil nakasalalay sa kaniyang mga kamay ang mga hanap buhay ng mga empleyado niya.
Lumipas ang ilang oras at kaunti nalang ang tatapusin ni Samson na mga papeles. Pagkatapos niyon ay kailangan niya pang puntahan ang isang branch nila sa labas ng bansa dahil nagkaproblema din doon.
Napapagod na si Samson ngunit kailangan niyang gawin ang trabaho niya para sa lahat ng mga empleyado niya.
Mula sa opisina ay umuwi na muna siya sa Villa Nia para makapagbihis tyaka siya aalis na naman palabas ng bansa. Ipinark ni Samson ang kaniyang Mustang na sasakyan sa harap mismo ng Villa at lumabas siya sa kotse.
Pinaglalaruan ang susi habang pumapasok sa loob at bumungad sa kaniya ang ina na tatlong taon na niyang iniiwasan.
"I've been waiting for you, son." Nakangiti ito ngunit hindi pinansin ni Samson ang ina at nagtuloy-tuloy lang at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
"How long will you be like this Samson? How long will you ignore me?" Nasasaktan na tanong ng ina kay Samson na nagpatigil sa kaniya sa paglalakad.
Nanatiling nakatalikod si Samson sa ina at sinagot ito. "Whenever it takes." Malamig na sagot ni Samson at patuloy na umakyat sa kaniyang kwarto.
He doesn't hate his mother, but he doesn't want to see her and look into her eyes. Naaalala niya kasi ang asawa sa tuwing nakikita at nakakausap niyang ina. Naaalala niya ang pinagdaanan ng asawa niya sa mga kamay nito bago nito piniling iwan siya.
Hindi siya galit pero nagtatampo siya sa ina dahil imbes na suportahan siya ay pilit na inilalayo nito sa kaniya ang namayapa niyang asawa. Kaya hanggat maaari ay iniiwasan niyang ina. Hindi dahil galit siya kundi dahil ayaw niyang manumbalik ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng asawa niya.
Pagkapasok sa kaniyang kwarto ay dumiretso si Samson sa kaniyang closet para magbihis at kumuha ng maliit na travelling bag para lalagyan niya ng kaunting damit na dadalhin.
Habang naghahalungkat ay nakita ni Samson ang isang bagay na noon ay itinabi niya lang at hindi pinansin. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat.
For my love, Samson. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Samson sa nabasa. Binuksan ni Samson ang maliit na box at sa loob nito ay isang compact disc na hindi pa nabubuksan kailan man.
Nanginginig ang kamay na nilabas ni Samson ang disc mula sa box. Lumabas siya ng closet habang hawak-hawak ito at pumunta sa higaan niya. Binuksan niya ang drawer sa bedside table niya at kinuha mula doon ang laptop niya.
He started the laptop on and after a while the window opened. He insert the disc on his laptop and waited for it to load.
Maya-maya ay lumitaw ang isang video kung saan nakaupo ang asawa niya at nakaharap sa camera. Nakangiti din ito na animo ay nakangiting nakatingin sa kaniya.
"Hello Love," nakangiting simula ni Rania sa video.
"We've been through a lot lately. Ang dami ng nangyari, things I cannot imagine that really happened. Kamusta kana Love? Maayos ka lang ba? Ayos kana ba ngayon?" Nakangiti pa rin si Rania sa video ngunit mapapansin ang lungkot sa mga mata nito.
"Firstly, gusto kong humingi ng sorry sayo, Love. I'm sorry if I failed to be your wife and I couldn't take care of you while you are in the hospital fighting for your life. Pasensya kana kung marami akong pagkukulang at marami akong kapintasan bilang isang asawa mo. Pasensya kung matigas ang ulo ko palagi. Pasensya kung hindi muna ako nag-iisip ng mabuti bago gawin ang isang bagay na ikakapahamak ko. Pasensya kung palagi nalang akong pabigat sayo, Love. I'm sorry, really sorry. Nakakahiya na sayo at sa pamilya mo dahil sa pagiging gaga ko. You're mom is actually right about me. I'm a trouble maker. I always bring chaos and trouble to you. Kaya palagi kong nakukwestyon ang sarili kung karapat-dapat ba ako, sayo. And I'm sorry for being such a bad wife. I can see that now.
Secondly, I, thanked you for loving me genuinely Samson. Kahit maraming pagsubok ang dumating sa atin at kahit maraming pagkakataon na nasasaktan natin ang isa't-isa ay alam kong mahal mo ako. Ramdam ko at naniniwala akong mahal mo ako. Salamat kasi sa ilang taon ang lumipas minahal mo pa rin ako. From me being so stubborn and reckless up to this day, minahal mo pa rin ako. I love you so much Samson, very much that I am willing to do even the impossible thing for you.
You have suffer so much already Love. And I don't want to be a burden to you. It's so selfish of me to do this, but if this is the way to save you, I will. They couldn't find the exact heart donor for you and you're running out of time so I decided to take the compatibility test and we've match. I will be your donor and you will be safe." A lone tear escape Rania's eye and she smiled again.
"This lifetime is not for us, Samson, this is not for us and I accept that now. I realized that no matter how hard we tried to be together we always ended up breaking, hurting, and hating each other out. I don't want that kind of life with you, Samson. I love you so much and all I want is the best for you. Let's face and accept that we really cannot be together Love. We are one of the million people what they called, pinagtagpo pero 'di itinadhana and let's accept our fate Love. I love you and that will never change. zàijiàn qīn'ài de." And the video ended with a goodbye kiss in the camera.
Hindi mapigilan ni Samson ang mga luha na lumalabas sa mga mata niya pagkatapos mapanood ang video. Sobrang sikip ng dibdib niya. Bumabalik na naman ang sakit na pilit niyang kinakalimutan at binabaon.
"I love you, Love. I love you so much.. I-I'm s-s-sorry." napapahagulhol na saad ni Samson at hinawakan ang kaniyang puso.
----
To be continued....
BINABASA MO ANG
Living With Him
RomanceForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him