CHAPTER 7

959 40 43
                                    

When Samson entered the reception hall, he can feel everyone staring at him. Even the newly weds catch his attention.

Nilapitan ni Samson ang bagong kasal at ibinigay ang folder na siyang regalo niya sa mga ito.

"Congratulations mate." Ani Samson at inilahad ang dalang regalo.

"Samson! Mabuti at nakadalo ka." Tila gulat at tarantang tinuran ni Zachariah pagkakita sa kaniya.

"Yeah. My apoligies that I'm late. I got pretty rough these days. Anyway, congratulations on the wedding. You're finally tied up." Tugon ni Samson.

"Are you waiting for something or someone in particular mate?" Naitanong ni Samson ng mapansin na panay ang silip at pag tingin ni Zach sa madla.

"U-Uhh wala naman." Utal na sagot ni Zach at may binulong sa asawang si Daffney. Pagkatapos niyon ay inakbayan niya si Samson at inakay.

"Come. Let's sitdown and have a drink." Pag-aaya ni Zachariah kay Samson.

Kabado ang loob ni Zach dahil sa kadahilanan na maaaring magkitang muli si Rania at Samson at hindi pa ito ang magandang oras para magtagpo muli ang landas ng dalawa.

"I'm really glad at nakadalo ka pa rin Samson. Akala ko hindi kana darating." Pagbasak ni Zach sa katahimikan at sinimsim ang baso ng alak pagkatapos.

"Yeah. I'm glad too but I won't be staying here for long. I'll be leaving soon." Tugon naman ni Samson na siyang uminom na rin.

"So, how's life doing with you now Samson? What's new with you?" Si Zach na pinakatitigan si Samson na sa baso lang nito nakatingin

"Same old man. Same old. There's nothing great in life without your sister in it." Malungkot na hayag ni Samson at tinungga ang iniinom na alak.

Zachariah can hear all the pain and despair in Samson's voice. He knows why and he's feeling guilty about it. There were times that he wanted to tell Samson the truth but he cannot afford to betray Margareth and his sister.

"It's time to move on and find a new one bro. I mean, I'm sorry to say this, but Rania isn't coming back. You have to live your life without her anymore. She's in a better place now and I hope you will let go Samson. Move on." Payo ni Zach ngunit nakayuko lang si Samson.

"Easy to say but hard to do. How can I let go when she's the only one I'm holding on Zach? I wanted to move on. I wanted to forget but it's hard. It's hard knowing everything happened because of my stupidity. I can't move on from it. I don't know how." A lone tear escape Samson's eye and he drank the liquor again.

"This should be a happy day. A day to celebrate not to sentiment bro. Congratulations to you again and I wish you both a great, wonderful and happy marriage." Dagdag ni Samson at tinaas ang baso na may lamang alak.

Habang si Zach ay nakisabay nalang at inuusig na ng konsensya niya.

Forgive me, Samson. I can't afford to waste all our efforts and sacrifice my sister. She's been through a lot and she deserve more than just pain.

--

Hindi na nagtagal si Samson sa reception at pagkatapos ng ilang baso ng alak ay nagpaalam na siya kay Zachariah na uuwi na siya dahil lalabas na naman siya ng bansa kinabukasan.

Hindi naman na siya pinigilan ng huli at hinayaan siyang makaalis. Bagamat dala-dala pa rin ni Samson ang lungkot ng napag-usapan nila ni Zachariah hanggang makauwi siya. Tiyak na hindi na naman siya makakatulog mamaya dahil iisipan na naman niya ang mga nangyari. Iisipin na naman niya si Rania at ang nga kagaguhan na ginawa niya rito.

Babangungutin na naman siya ng nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Paano nga ba siya makakausad sa nakaraan? Lubog na lubog siya sa lahat ng mali at kasalanan na nagawa niya sa namayapang asawa. Minsan nga naiisip niya kung karapat-dapat pa ba niyang tawagin na asawa si Rania bagamat siya din naman ang dahilan ng pagkawala nito.

Napabuntong hininga nalang si Samson at ipinikit ang mga mata at sumandal sa upuan ng kotse. Lulan pa rin siya nito dahil kakaalis lang nila mula sa pinagdaluhan ng salo-salo at medyo malayo din ang bahay niya.

Napag-isipan ni Samson na papasyal sa isla pagkatapos ng mga meetings at out of town transactions niya. Tiyak na tapos na rin ang bahay na pinapagawa niya doon.

Sumagi na naman sa isipan ni Samson ang imahe ni Rania dahilan para mapaamulat siya ng kaniyang mga mata. Namimiss niya talaga ng sobra si Rania. Gusto niyang makasama pa ito ng matagal ngunit paano? Paano niya pa magagawang hagkan at alagaan si Rania gayong wala na ito sa tabi niya.

Alam niyang kailangan na niyang palayain si Rania at umusad na siya sa mga nangyari dahil siya nalang ang naiiwanan sa madilim na nakaraan na iyon. Siya nalang ang hindi pa nakakabangon at hindi niya alam kung kailan ba mangyayari dahil hanggang ngayon sariwa pa rin sa kaniya at hindi pa rin niya matanggap.

Magagawa niya lang sigurong mag move on kapag napatawad na niya ang sarili niya. Hanggang ngayon sinisisi niya pa rin ang sarili. Araw-araw palagi siyang inuusig ng konsensya niya.

And it will be another sleepless night for Samson.

-----

"How's everything doing there Rania?" The Lord asked Rania after she talked to the kids.

"Everything is fine I guess?" Hindi siguradong sagot ni Rania rito.

Biglang naalala ni Rania ang babae na nakasalubong niya sa labas ng simbahan kanina. Kilalang kilala siya nito at naguguluhan siya kung bakit tinatanong siya nito na buhay siya.
Naguguluhan siya at hindi maintindihan. May nangyari ba sa nakaraan na hindi niya maalala? May hindi ba siya alam sa mga nangyari sa kaniya sa nakaraan? If so dapat sinabi sa kaniya ng kapatid at ng pinsan pero walang nabanggit ang mga ito sa kaniya.

It's like a puzzle with missing pieces at hindi niya mabubuo hanggat hindi niya nahahanap ang mga pirasong iyon. Ang daming tanong sa utak ni Rania at gagawa siya ng paraan para masagot lahat ng iyon isa-isa.

"Rania, you're spacing out."

Nawala si Rania si malalim na pag-iisip at awkward na ngumiti sa Lord.

"I'm sorry. I'm just exhausted." Pagsisinungalin ni Rania at kunwari'y humikab.

"Alright Rania. I'll let you take a rest. Goodnight." Ani ng Lord at ito na rin mismo ang pumatay ng video call.

Nakatitig pa rin si Rania sa desktop niya at malalim na naman ang iniisip. Kailangan niyang malaman lahat ng kasagutan sa mga tanong niya. Kung paano ay pag-iisipan niya.

To be continued...
---

I can't promise for daily updates but I'll try to update twice or thrice a week. Enjoy 💚

Also if you have dreame acc or if you have time follow me on dreame @Marie Cortaga 😊 add my works to library. Thank u all 💚💚

Living With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon