Sakit. Kirot. Pighati. Pagsusumamo. Pait. Hirap.
Lahat ng mga iyon ay nararamdaman ni Samson. Isang bagsakan. Palagi siyang binabalik-balikan ng alaala ng nakaraan. Lahat ng kagaguhan at katarantaduhan niya. Bumabalik sa kaniya lahat. Dahan-dahan at paunti-unting dumudurog sa kaniya.
Gusto ni Samson matapos na lahat ng sakit na nararamdaman niya. Anong oras man ay bibigay na siya lalo na at araw sana ngayon ng anibersaryo nila ni Rania. Three years ago, exact date, kinasal sila ni Rania sa China.
Iyon ang pinakamasaya na araw ni Samson kahit na palihim at patago lang siya noon. Ngunit sinayang niya ang lahat ng pagkakataon na dapat ay kasama niya ang asawa kiya.
Ang pagkatiwalaan ito ay hindi niya ginawa bagkus ay pinaghinalaan niya ang asawa at nakinig sa mga sulsol sa kaniya. Dahil sa katangahan niya nawala ang lahat sa isang siglap.
"H-Happy Anniversary L-Love." Pinilit ni Samson na pasayahin ang boses niya ngunit pumiyok pa rin ito at nagsimulang mamuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata.
Pinipilit niyang magpakatatag ngunit hindi niya magawa. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin para matanggap niya ang mga nangyari. Dalawang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa kaniya ang lahat. Parang kahapon lang.
"Sir, paulan na po. Baka mabasa na naman kayo ng ulan." Ani ng isang mama na siyang naglilinis at nagbabantay sa sementeryo.
"Ayos lang po ako, Tang. Gusto ko pa po makasama ang asawa ko." Pagsagot ni Samson at hinaplos ang lapida.
"Nga pala sir, may nagpuntang lalaki at babae dito noong isang araw. Iniiyakan po nila ang asawa mo." Pagbibigay alam ng matanda na ikinatango lang ni Samson.
"Baka kapatid po ng asawa ko at kasama ang kasintahan nito." Tugon ni Samson habang patuloy sa paghaplos sa lapida.
"Kilala ko na po sila sir Zach at ma'am Daffney. Matagal na silang hindi nakakadalaw dito. Mukhang ilang buwan na ang lumilas. Iyong mga bumisita dito noong isang araw, bago ko lang nakita. At sa pagkakarinig ko sa kanila, tinawag nilang anak ang asawa mo."
Biglang naguluhan si Samson sa pinagsasabi ng matanda.
"Baka nagkamali lang kayo, Tang. Baka ibang puntod ang tinutukoy nila." Pagkontra ni Samson sa mga sinabi ng matanda.
"Hindi. Nakita ko pa nga na hinahaplos nila ang lapida ng asawa mo. Tapos panay ang paghingi nila ng tawad at pasasalamat rito." Dagdag ng matanda na mas lalong nagpagulo sa utak ni Samson.
"Hindi ba sila nagpakilala manong? Wala na ba silang ibang sinabi?" Usisa ni Samson.
"Wala na eh. Umalis na din kasi ako." Sagot ng matanda.
"Sige Tang. Maraming salamat."
"Maraming nagmamahal sa asawa mo. Tiyak na masaya siya kung nasaan man siya ngayon dahil maraming nakakaalala sa kaniya." At ngumiti ang matanda pagkatapos ay umalis din at iniwan si Samson doon.
Naiwang nakatitig si Samson sa lapida ni Rania habang may mga tanong na tumatakbo sa isipan niya.
Sino ang mga taong dumalaw sa puntod ng asawa niya?
---
London, United Kingdom
"Are you sure you're fine to travel alone?" Lord Vanford asked Rania who's busy fixing her things.
"I'm fine Lord Vanford, don't worry too much." Tugon ni Rania na nginitian ang lalaki.
Alam nito kung sino talaga siya. In fact, ito ang may pasimuno sa pagpapanggap niya habang nagpapagaling pa ang pinsan niyang si Margareth.
BINABASA MO ANG
Living With Him
RomanceForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him