Start of Flashback
"Nasisiraan kana ba talaga ng bait, Rania?! Bakit ba padalos-dalos kana lang palagi? Hindi kana ba talaga nag-iisip para ganiyan mo nalang itapon ang buhay mo na parang wala lang?" inis na inis ang kaniyang nakakatandang kapatid habang binubulyawan siya nito dahil sa mga inamin niya rito. Sinabi niya kasi sa kapatid ang binabalak niya sa pagtulong kay Samson at hindi nito nagustohan ang mga sinabi niya dahilan para mainis at magalit ito.
"Kailangan kong gawin 'to, Kuya! Alam mo naman na hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kaniya. That I know you will do the same if ate Daffney's life is in line as well." Rania frustratingly answered her brother.
"Ours is different from yours Rania! Don't compare it!" galit nang tugon ni Zach sa mga sinabi niya.
"How is it different? Kuya please..." makaawa ni Rania sa kapatid ngunit tinalikuran siya nito at iniwan sa salas.
Bumagsak ang balikat ni Rania sa naging reaksiyon ng kaniyang kapatid bagamat buo na talaga ang pasya niya at hindi na rin magbabago ang desisyon niya. Makasarili man ang gagawin niya ay wala na siyang pakialam dahil pursigido na siya at alam niya kapag hinayaan niyang mapahamak si Samson ay magsisisi siya. Sisihin niya ang kaniyang sarili dahil niya kakayanin kapag tuluyan pa itong nawala sa kaniya.
"Hayaan mo nalang muna ang kuya mo, Rania. Kahit ako ganoon ang magiging reaksiyon at ako ay magagalit kapag nalaman ko na ang nag-iisa kong kapatid ay ipapahamak ang kaniyang sarili para sa kapakanan ng iba." saad naman ni Daffney na asawa ng kapatid niya. Kasabay niyon ay ang pagtapik nito sa balikat niya bago siya iwanan mag-isa.
Bumuntong-hinga si Rania at humingi nalang ng paumanhin sa huli. Alam niya naman na makasarili talaga ang naging desisyon niya at inaasahan na niya ang magiging reaksiyon ng kapatid niya pagtapos niya sabihin rito ang nais niya. Ngunit umaasa naman siya na maiintindihan siya ng kaniyang kapatid at kakausapin siya ng mahinahon. Kahit ganoon ang naging reaksiyon ng kaniyang kapatid ay hindi pa rin magbabago ang isip siya. Patawarin man siya nito o hindi nasa kapatid na niya iyon.
Lumipas ang mga araw na hindi siya pinapansin ng kaniyang kuya. Nalulungkot man si Rania dahil doon ay hinayaan niya nalang basta ang mahalaga sa kaniya ngayon ay nasabi na niya ang gusto niyang sabihin at para makahanda na rin ang mga ito kung sakali man. Kaya hindi niya na rin pinilit na kausapin ang kapatid niya bagamat alam niya na walang maganda na maidudulot ito para sa kanilang dalawa. Bagamat kalaunan naman ay pinansin na rin siya ng kapatid at ito pa nga ang humingi sa kaniya nang tawad kahit na alam niya na siya naman ang nasa mali at dapat na humingi nang paumanhin. Naguguluhan man siya sa biglaang pagbabago ng kaniyang kapatid ay siyang kinasaya niya rin naman na sa wakas ay hindi na tutol ang kapatid niya sa kagustohan niyang tumulong kay Samson, ang pinakamamahal niya.
"Saan mo gustong mamasyal, Rania? Para naman makapagbonding tayong dalawa. Hindi na natin nagagawa iyon at matagal na panahon na rin nang huli tayong makapag-bonding." Nakangiting saad ni Zach ngunit mahihimigan ang tampo sa kaniyang boses.
Oo nga. Matagal na rin nang huli silang mamasyal magkapatid. Bagamat nagdadalawang isip si Rania kung tatanggapin niya ba ang paanyaya sa kaniya ng kapatid dahil may nakalaan na siyang plano ngayong araw. She doesn't know if he will be glad if she will turn him down today. Besides, no one really wants to be turned down.
"Sorry, Kuya. Ano kasi, may plano na ako para sa araw na 'to. Dadalawin ko sana si Samson ngayon para alamin kung kumusta na ang kalagayan niya. Pero p'wede naman tayo mamasyal mamaya pagkatapos kong dumalaw sa kaniya. I just really want to check on him." maingat na sagot ni Rania sa kapatid dahil iniiwasan niya talagang magkainitan na naman silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Living With Him
RomanceForgive me or Forget me? - Samson Gabe Yu --- The last and final book of Him Trilogy Book 1- Escaping From Him Book 2- Chasing After Him