Chapter 18

151 8 3
                                    

EVERYTHING seems so dark and cold and Rania couldn't see anything. Her head is throbbing and her vision is still blurry. She tried to get ip with her might to seek for something useful.

Hindi niya alam kung nasaan na siya sa mga oras na iyon. Nang umayos na ang paningin niya ay tyaka lang niya napagtanto na nasa isang madilim na kwarto pala siya. Para pa rin na pinupukpok ang ulo niya na hindi niya maintindihan kung bakit. Ni hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya naroon.

The door screech and her attention went to it to see who might it be.

"Gising kana pala," ani ng boses lalaki ngunit hindi pamilyar sa kaniya ang boses na iyon.

"Sino ka? Anong kailangan mo sakin?" Tanong ni Rania sa lalaki dahil hindi niya maaninag ang mukha nito.

Bakit nga ba siya nasa sitwasyon na iyon? Hindi niya alam kung ano ang naging atraso niya sa lalaki para gawin sa kaniya iyon.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang importante ngayon ay nasa akin kana, Rania." Pagkatapos ay humalakhak ang lalaki.

Kinilabutan naman si Rania sa mga sinabi ng lalaki at sa paghalakhak nito. Gusto niyang umangal o ano pa man pero nasa ibang sitwasyon siya ngayon. Hindi niya kilala ang lalaki at kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Maaaring may gawin itong masama sa kaniya pag nagkataon.

Bahagyang naalarma si Rania ng lumapit sa kinaruruonan niya ang lalaki. Napapaiktad siya sa tuwing naririnig niya ang mga yabag nito na papalapit sa kaniya.

Nang tuluyan ng makalapit sa kaniya ang lalaki ay doon lang naaninag ni Rania ang mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung sino ito.

"Vent! Anong gagawin mo sakin?" Kinakabahan na tanong ni Rania sa binata.

Iba ang anyo nito ngayon at iba rin ang mga emosyon na nakabalandra sa mga mata nito. Ang anyo nito ngayon ay malayong-malayo sa normal at animo'y ibang katauhan ang nasa harapan niya.

Kahit na nilulukob ng takot ang kalooban ni Rania ay hindi niya pinahalata sa lalaki kahit na bakas na bakas sa boses niya ang panginginig at takot.

"Huwag kang mag-alala, Rania. Tinitiyak kong mag-eenjoy ka mamaya sa gagawin natin." Ngising aso ang nakabalandra sa mukha ng lalaki matapos nitong sagutin ang tanong niya.

And that's what makes Rania feel scared even more.

Gusto niyang tumakas at sumigaw ng tulong ngunit alam niya kapag ginawa niya iyon ay tiyak na mas magiging malala lang ang sitwasyon.

"Bakit mo ba ginagawa 'to, Vent? Ano ba ang kailangan mo?"

Pilit na pinapahinahon ni Rania ang kaniyang boses maging ang kaniyang kalooban. Hindi siya sigurado sa maaaring mangyari kaya hanggat nararapat ay kailangan niyang maging maingat at mahinahon.

"Matagal na akong nagtitimpi, Rania. Matagal ko ng gustong gawin ang bagay na ito ngunit napakalaki ng respeto ko sa 'yo. Ngunit sa kasamaang palad, hindi mo pa rin ako magawang tingnan kagaya ng pagtingin ko sayo. Nakakabaliw. Nakakabaliw ka, Rania."

Pagkatapos ay humalakhak ang binata na animo'y nasisiraan ng bait.

"Hindi kita maintindihan, Vent. Malinaw naman simula pa lang na wala kanang pag-asa. Ikaw itong nagpupumilit!"

Hindi na napigilan ni Rania ang kaniyang sarili at inis na pinangalandakan ang isang bagay.

Gumuhit ang galit sa mga mata ng binata at walang pakundangan itong kumababaw sa kaniya at pinaghahalikan siya sa leeg.

Living With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon