Chapter 9

201 15 10
                                    

~~~

It was raining heavily, thunder and lightning was along with it. Rania was so wet under the rain and she’s shivering already.

It’s a second time now that a maid came to her and asked her to go home and leave because Samson won’t come down to see her.

Inangat ni Rania ang ulo upang tingnan ang kwarto ni Samson at umaasang tinitingnan siya nito mula sa bintana pero wala siya nakitang Samson.

Napayuko nalang si Rania at kasabay ng patak ng mga ulan ay siyang pag-alpas ng luha sa mga mata niya.

Bakit nga ba siya naroon sa sitwasyon na iyon? Bakit ba siya nasasaktan? Ganoon ba talaga ang magmahal. Kung sino pa ang magmamahal siya pa ang mas masasaktan? Siya pa ang paghihinalaan at pagdududahan?

Umiyak lang ng umiyak si Rania sa ilalim ng ulan ng bigla siyang mahimatay dahil sa ginaw at paninikip ng dibdib.

-----

"I'm serious Rania. Let's divorce. I don't want to settle with someone like you. I want to spend my lifetime with someone who's more proper, more appropriate, more decent and less deceitful. And that's not you." May diin sa bawat pag bigkas ni Samson sa mga salitang binitawan.

"Shut the fuck up Samson! Ano ba ang ginawa ng kapatid ko sayo para gagohin mo siya ha?! Mahal ka niya putangina mo, Samson!" Galit na singhal ni Zach sa kaibigan.

"Mahal?" Sarkastikong baling ni Samson kay Zachariah. "Why not listen to this Gonzales." At kinuha ni Samson ang recorder at plinay iyon sa marami.

"how about Vent, Rania? You used to have something before, right?" The Amabelle on the recording asked Rania.

"Mahal ko siya, Amabelle at hindi magbabago iyon."

"Then how about marrying Samson for profit Rania? May hidden agenda ka nung una ng pakasalan mo si Samson, hindi ba? You wanted to save your brother and the company that's why you are force to marry him?"

"I admit. Nagpakasal ako kay Samson dahil ayaw kong mahirapan ang kuya ko. Na gagamitin ko lang si Samson."  Rania who firmly answered Amabelle's question.

"There you have it Gonzales. Tell me, is there any reason to continue and go on with this wedding?" Sarkastikong tanong ni Samson bagamat di siya sinagot ni Zach.

Binalingan naman ni Zach ang kapatid na walang imik at panay ang pag-iling nito sa sariling ulo.

Mabilis na nilapitan ni Zach ang kapatid at dinaluhan ito. "Totoo ba lahat ng iyon Rania? Mahal mo si Vent?"

Mabilis na umiling si Rania. "Hindi. Hindi ko mahal si Vent." Inangat ni Rania ang kaniyang ulo at tiningnan si Amabelle tsaka dinuro ito.

"Ikaw. Ikaw! Ikaw may gawa nito. You tampered everything. Inedit mo ang recording!" Mabilis na nilapitan ni Rania si Samson at nangungusap na hinawakan ang kamay nito.

"Maniwala ka sakin Love. Hindi ko mahal si Vent. Ikaw ang mahal ko. Please maniwala ka sakin. Hindi totoo yung nasa recorder. Inedit ng babaeng iyon lahat. Please maniwala ka." Pag mamakaawa ni Rania kay Samson.

Sapilitan na binawi ni Samson ang kaniyang kamay mula kay Rania at nandidiring tiningnan ito.

"I'm already fed up with your shits and lies Rania. Spare some shame for yourself." Walang pakialam na saad ni Samson.

Nanlulumo namang napaupo si Rania sa sahig ng simbahan at napaiyak na nga ng tuluyan.

"Ladies and gentleman, there will be no more wedding. Thank you all for coming." Puno ng sarkasmo ang boses ni Samson na hinarap ang kanilang mga magiging bisita sana.

"And oh by the way before I forgot." Tinapon ni Samson ang isa pang envelope na puno ng litrato kay Rania. "Feast on them bitch." Nandidiring saad ni Samson at tinalikuran ang mga ito.

~~~

Masakit ang ulo na nagising si Rania dahil da panaginip na iyon. Panaginip nga ba iyon o alaala ng nakaraan?

Kinapa niya ang kaniyang mukha at naramdaman ang basa sa magkabila niyang pisngi.

Did I just cried? Tanong ni Rania sa kaniyang sarili habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

Bakit siya umiiyak? Panaginip lang ba talaga lahat ng iyon o alaala niya?

Sino si Samson? Bakit hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki sa panaginip niya na nagngangalang Samson?

Iwinaksi nalang ni Rania ang mga naiisip at tumayo para uminom ng gamot para sa sakit ng ulo.

Pakiramdam ni Rania ay may kung ano talaga sa nakaraan niya na hindi niya maalala o matandaan man lang kahit paunti-unti. Pagkatapos siguro ng nangyaring aksidente ay nabura ang mga alaala na nagpapasakit sa kaniya noon.

Kung ang mga alaalang iyon ay kagaya nga ng napanaginipan niya ay hindi na siya maghahangad na bumalik pa ang mga iyon. Hindi na niya aasahan na maalala niya pa muli ang mga iyon.

Hindi kasi maganda at kaaya-aya ang nasa panaginip niya at kaawa-awa siya.

Sa isip ni Rania ay ayaw na niyang maalala pa ang mga iyon ngunit ang puso niya ay parte pa rin na gustong malaman at alamin kung ano nga ba ang nangyari sa nakaraan. Gusto niyang malaman kung worth it pa bang maalala niya o hindi na.

----

AN: Pasensya sa maling update kanina hehe. Hindi pa po kasi tapos kaya naunpublish ko po ulit.

Salamat sa patuloy na pag-aabang at pasensya na rin po ulit dahil matagal ang karugtong na update marahil ay binasa ko pa muli ang book 2 para mas marugtongan ko pa ng maayos itong book 3 po. Maraming salamat!

Sa mga hindi pa, nakakafollow sakin sa dreame, sige na naman oh. Follow niyo na ako at support hahaha. Love you all. Next chap is exciting na! Sipagin sana ako 😅

Living With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon