Chapter 24 - First Day at BIS

3.3K 119 15
                                    

YURI'S POV

It's been a week since nung date kuno namin ni Woohyun.

Ngayon na ang first day ko sa school. Doon ako mag aaral daw sa Busan International School. Sana naman may pilipino doon.

Nakabihis na ako ngayon at pwede na akong pumunta doon kaso kinakabahan talaga ako. Kaya humingi muna ako ng 15 minutes para makapag-handa na. Pumayag naman si mama. Nandito pa kasi ako sa kwarto ko.

Maya maya sabi ko umalis na kami, kahit hindi pa talaga ako ready. Ayoko malate noh!

"Mag-iingat ka doon anak ah? Don't worry kasama mo naman doon si Woohyun kaya wag ka nang kabahan. Ok?"

Tumango nalang ako kay mama.

Pero.... Teka!

Woohyun?! Nanaman?!

(_ _)

Akala ko tahimik na ang buhay ko! May asungot pa pala akong makikita mamaya! Paano nalang ang mga fans niya doon? Paano kapag nakita nila kami na magkasama?

Aish! Mamaya na nga yang mga iniisip mo Yuri!

Nang makarating na kami sa school. Oo kami. May driver ako eh :P

Pinagtitinginan kaagad ako ng mga tao. Teka may dumi ba ako sa mukha?

"Akin na yang mga gamit mo."

Psh. Kaya naman pala. Si Woohyun lang naman po kasi!

"Wag na, salamat nalang."

Pagtanggi ko. Ayoko naman na ipamukha sa kanila na Fiancé ko ang ugok na to. Never! As in N-E-V-E-R!!

"Akin na nga yan. Ano pa't naging Fiancé mo ako?"

Kinuha niya na ang bag ko pati ng mga libro ko. Bahala siya =___________=

"Saan room ko?"

Tanong ko sa kanya. Di parin nawawala ang mga titig sa akin ng mga tao.

Kaya ayoko kasama ang lalaking to eh! Nagmumukha akong malandi sa lagay kong to.

Ano nalang sasabihin ng mga tao? Na isa lang ako na panget na babae at itong katabi ko ay isang gwapong nilalang!

Kumbaga nasa pinakataas siya at ako sa pinakababa. Low class kumbaga.

"Room 324. Samahan na kita, at baka maligaw ka pa."

Tumango nalang ako. Nawalan tuloy ako ng mood. Kung ano ano kasi mga iniisip ko!

Nang makarating na kami sa room, pumasok na ako pero pumasok din siya.

Don't tell me pati dito sasamahan niya ako?

"Dito din room ko."

Biglang sinabi niya. Mind reader ba to?

"Hindi din ako mind reader. Sadyang halata lang sa mukha mo."

Di nalang ako sumagot at umupo na sa bakanteng upuan.

Buti nalang at wala pang teacher kaya hindi pa ako late. 8:00 pa ang start ng klase pero 7:47 palang. Grabe ang tagal naman ng teacher na yan!

Umupo si Woohyun sa tabi ko. Wala pa kasing umuupo doon.

"Bakit nandyan ka?"

Pagtataray ko sa kanya.

"Bakit masama ba?"

Oo masama lalo na't ikaw pa ang nandito!

"Hindi."

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon