YURI'S POV
Pauwi na kami ngayon galing boracay. Hay grabe. Parang hindi naman yata kami naenjoy. Mukhang sila Jia at Kuya lang.
"Sayang ang bilis lang ng outing babe." May narinig akong nagusap sa likod ko. Boses babae. Lumingon ako para malaman ko kung sino pero.... Lord please! Kahit ngayon lang wag niyo muna ako bigyan ng sakit.
Si Jungkook at Felice ang naguusap. Mukhang sila na nga ata.
"Oo nga babe eh. Pero sige kapag may time punta tayong dalawa dito." Sabi ni Jungkook
Sila na nga!! T^T
Luha please! Wag ngayon! Pero peste! Pumatak nanaman luha ko.
"Jimin." Bulong ko. I need him now. Lumingon ako kung nasaan siya at agad ko siyang pinuntahan para mayakap.
"Bakit Yuri?!" Nagaalalang tanong niya sa akin
"Jimin please. Masakit na." Naiiyak na sabi ko
"Shh. Tara dun muna tayo sa upuan habang wala pa yung eroplano." Sabi niya habang yakap ako
Tumango ako. Kaya pumunta kami doon.
"Sige iiyak mo lang yan." -- Jimin.
"Mahal ko siya Jimin!! Ayoko na!! Nasasaktan na ako!! Gusto ko ng umalis bukas!!" Naiiyak na sigaw ko
Hindi siya umimik pero hinagod niya ang likod ko
Humihikbi lang ako pero maya maya ng medyo ok na ako bumalik na kami kila Jia at eksakto nakalapag na ang eroplano. Hinawakan ni Jimin ang kamay ko. Sa una naiilang ako pero ng tumagal hinayaan ko nalang.
"Woy! Ano yan?" Makahulugang tanong ni Jhope sa amin ni Jimin. Kaya napatingin sa amin sila Gianne at sila Jin
"W-wala to." Nauutal na sagot ko
"Ganun na pala ang wala lang? Holding hands while blushing?" Pagpaparinig sa amin ni Suga
"Uy! Wala nga lang to! Halika na nga sa loob!" Sabi ko at hinila na si Jimin sa loob.
Pagpasok namin sa loob ng eroplano doon na ako umupo sa may bintana. Ngiting ngiti ako dahil akala ko si Jimin ang katabi ko. Pero hindi..
"Bakit ikaw ang nandito?" Cold kong tanong kay Jungkook. Yup! Siya ang katabi ko
"Gusto kitang kausapin." Sabi niya
"Manigas ka dyan." Bulong ko at tumingin na sa bintana.
"Im really really sorry."
Di ko siya pinansin pero nakatingin lang ako sa labas. Hindi pa naandar. Marami pa kasing nasakay.
"About Felice..." Pagbubukas niya ulit.
"What?" Naiiritang tanong ko
"Nothing." At di na siya nagsalita ulit
"You love her?" Kahit masakit tinanong ko padin siya. Last na to. At pagkatapos nito kakalimutan ko na siya. Kakalimutan ko na lahat pati ang nararamdaman ko sa kanya.
"Yes. But...." Maikling sabi niya
That's it! So it's final.
"I know. You don't love me." Sagot ko at tumingin na ulit sa bintana.
Tumungo lang siya.
"Bakit ganun noh? Ang unfair ng love. Magmamahal ka na nga nalang, sa taong may mahal pang iba." Sabi ko

BINABASA MO ANG
Marrying Him
FanfictionWhat if your parents decided to have an arranged marriage between you and their friend's son? Would you agree? At a young age, you wouldn't know what are the consequences. You might easily fall in love with the boy and you wouldn't know he might hur...