Chapter 42 - Jealous

3K 111 10
                                    

YURI'S POV

***After 2 Months***

Bakit ba ang hirap kapag may exam? Aral dito. Aral dyan. Aral doon.

We're here in our room. Reviewing para sa exam namin mamaya.

Bigla akong napatingin sa katabi ko. Nagbabasa din siya.

"Ano 'yan?"

Kahit alam ko naman kung ano yung binabasa niya. Nakikita ko naman yung sign sa book niya na 'PHYSICS' wala lang. Gusto ko lang makipag usap.

"Nakikita mo naman eh."

Psh. Ang sungit talaga as ever. Simula kasi nung nangyari sa unfinished wedding namin ni Woohyun, ang sungit na ng isang to.

Di ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy nalang ulit ang pagbabasa.

Maya maya nagulat nalang ako ng biglang niyang hawakan ang kamay ko.

"Sorry."

Ngumiti nalang ako sa kanya. Isang sorry lang naman niya okay na eh.

Hindi ko pa naman siya boyfriend. Hindi ko nga alam kung meron bang "KAMI". Syempre konting pahinga muna sa lovelife. Kahit naman mahal namin ang isa't isa, kailangan muna talaga namin makasiguro. Kasi alam niyo naman na kapag nagiging kami, may problemang darating?

"Have you been to Namsam Tower?"

I shook my head. Hindi pa naman kasi talaga ako nakakapunta doon. I even dreamt of going there with Chanyeol. Ghad! Ano nanaman ba iniisip ko?!

"Do you want to go there?"

Biglang nagliwanag ang mukha ko. For real?!

"Bakit? Pupunta ba tayo?"

Tuwang tuwa pa ako habang sinasabi ko yan.

"Why are you answering me with a question too?"

Medyo nainis ako sa sinabi niya. Kahit naalala niya na ang lahat, hindi parin nawawala ang pagiging englishero niya.

"Sorry naman."

Bumalik ako sa pagbabasa. Nakakainis! Napaka bilis naman niya mabadtrip. Napaka sungit!

Nag sorry na nga siya kanina diba? Tapos wala pang 30 minutes inulit niya nanaman? Aba! Matinde.

"Gusto mo ba pumunta?"

Mahina pero may diin niyang tanong. Bahala siya diyan.

"Di na."

Tanging sinabi ko at lumabas muna sa classroom.

"Tinatanong ko lang naman ng maayos pero susungitan ako? Aba! Edi susungitan ko nalang din siya. Bahala siya dun."

Bulong ko habang naglalakad ako sa hallway. Naiinis ako. Hindi dahil sa binabara niya kundi dahil hindi parin siya nagbabago.

For pete's sake! It's been 2 months since he remembered everything. But his attitude? It didn't change.

Habang may sinasabi ako sa isip ko, nakita ko sa di kalayuan si Namjoon. Papasok na ata sa classroom namin. Late nanaman to.

"Hoy!"

Sigaw ko ng muntik niya na akong lagpasan. Naka earphones pala siya eh.

"Oh Yuri? Bakit?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"At bakit late ka nanaman?"

Damay kasi ang buong klase kapag may na-late na isa. Kaya ayokong nalalate 'tong isang 'to eh!

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon