Chapter 38 - Trapped

2.1K 99 12
                                        

YURI'S POV

Sabi nila pupunta daw sila dito sa bahay. Pero bakit wala pa sila Rian?

At tsaka akala ko ba ngayon din nila gagawin yung plano? Aish!

Biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Rian

Punta ka nalang sa 743 building sa tapat ng school. Alam mo naman yun diba?

To: Rian

Yup. What time?

From: Rian

10am. Susunod nalang kami doon.

Di nalang ako nagreply sa text ni Rian. Naligo nalang ako.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako, simple jeans and shirt lang naman ang suot ko. Doon lang naman kami pupunta eh.

Bumaba na ako para magpaalam kay Mama. Nakasabay ko na rin si Kuya pababa.

"Oh kuya. Sasama ka din ba?"

"Saan babysis?"

"Sa tapat ng school. Andoon si Jia eh."

Nakatingin siya sa akin ng nagtataka.

"Andun? Eh magdadate kami eh."

Ha? Akala ko ba lahat kami nandoon?

"Huh?"

Maya maya nagiba yung itsura niya. Parang uneasy na ewan.

"Kuya okay ka lang ba?"

Narinig ko napamura siya ng mahina. Ang cute magmura ni Kuya. Hahahahahaha!

"Ay oo nga pala babysis. Nakalimutan ko na doon din pala kami pupunta ni Jia loves ko. Sige sabay na tayo."

Medyo nagtaka naman ako kay Kuya. Pero in the end, tumango nalang ako. Tipid na din to sa pamasahe. Hahahaha!

"My, alis na kami ni babysis."

[My = Short for Mommy]

"Huh? Where are you going?"

"Sa tapat ng school ma."

Sabi ko.

"Anong gagawin niyo doon?"

"My ang dami mong tanong."

Medyo napatawa ako. Si Kuya kasi eh!

"Aba malay ko kung bakit kayo pupunta doon. Di naman kayo nagpaalam sa akin kahapon."

Ang cool ni Mama. Para lang kaming tropa tatlo.

"Tatambay lang kami doon ma."

Sabi ko. Basta Ma ang tawag ako yun. Hahahaha. Magkaiba kami ng tawag ni Kuya kay Mama eh.

"Oh siya! Layas na kayo. Wag magpagabi ha?"

Grabe naman si Mama. Layas talaga? Ang haaaaaard.

Nag 'okay' sign nalang kami kay Mama.

Sumakay na kami ni Kuya sa kotse niya. Okay ako na walang kotse ><

Natatandaan niyo pa ba yung Ferrari ni Kuya? Kung oo edi apir! Isa kang loyal na reader. Ano konek? Hahahahahaha!

Back to the topic.

So ayun nga it takes 25 minutes to arrive at the front of our school. 25 minutes kasi medyo traffic kaya hassle.

Bumaba na ako kotse ni Kuya pero si Panget ay este si Kuya hindi pa bumababa.

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon