Chapter 12 - Fake Relationship

3.5K 142 16
                                    

YURI'S POV

Monday na ngayon pero ayokong pumasok. Nandoon si Jungkook eh. Baka masaktan nanaman ako kapag nakita ko siya.

Biglang nagvibrate ang phone ko

From: Jia

Pumasok ka.

Wtf?! Nababasa ba nito ang iniisip ko?

From: Jia

Di ko nababasa iniisip mo. Nakikita kita kaya alam ko. Pabo!

Tumingin ako sa terrace ng kwarto ko. Nandito silang tatlo.

"Pumasok nga kayo dito." Sinabi ko

Pumasok naman sila.

"Ano bang problema mo at ayaw mong pumasok?" Gianne

Para na nga akong zombie kakaiyak kahapon at hindi na ata ako nakatulog eh.

"P-paano mo nalaman na ayaw k-kong pumasok?" Tanong ko

"Baliw talaga. Kanina mo pa kaya hawak yang uniform mo pero nagdadalawang isip ka pa ata kung ibabalik mo sa cabinet mo o hindi." Rian

"Ah. Ha-ha. Ganun ba?"

"Gaga to. Magbihis ka na nga!" Jia

"Ayoko nga eh."

"Bakit ba?" Rian

"Ayoko siyang makita eh. Masasaktan nanaman ako." Ako

"Nandoon naman sila Jin. Hindi ka nila hahayaang masaktan." Gianne

"Eh paano kung..."

"Wala ng pero pero. Magbihis ka na." Matigas na sabi ni Jia

They are really my bestfriends. Grabe. *insert sarcastic here*

Kaya wala na ako nagawa at nagbihis nalang ako.

"Aba Yuri. Bilisan mo nga at malalate na tayo!" Sigaw sa akin ni Gianne

"Opo!" Tss

Bumaba na kami ng matapos na akong magbihis. Nakita ko naman si kuya doon sa sala. Tinignan ko naman si Jia at nakangiti ito.

"Baby!" Sigaw ni Kuya

"Hello!" Masayang bati ni Jia sa BOYFRIEND niya

"Punta na kayong school?" Tanong ni kuya habang naka akbay siya kay Jia

"Ay hindi kuya. Sa party kami pupunta ng naka UNIFORM." Sarcastic kong sabi habang yung pagbigkas ko ng Uniform ay diniinan ko talaga

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Babysis. Si Jia." Sabi ni Kuya

"Aba't..." Akmang susuntukin ko si kuya ng ilagay niya ang palad niya sa mukha ko

"Oo na babysis. Tama na yan. Wag mo naman akong suntukin baka maturnoff na sa akin ang mga babae ni--- i mean si Jia." Kuya

"Asdhkavahajkav." Di ko masabi ang sasabihin ko dahil nakalagay nga ang palad ni kuya sa mukha ko diba? Paano ako makakapagsalita nito?

"Ano babysis?"

Tinuro ko sa kanya yung kamay niya at mukhang nagets naman niya at tinanggal niya na ang palad niya sa mukha ko. Eww. Dirty hands. May 99.9% germs pa naman yan. Hahahaha joke lang.

"P*ta ka kuya! Di ako makahinga nun ah! Baka gusto mo talagang suntukin kita?!" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko

Tumawa lang si kuya

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon